"Dito na lang." Sambit ko at agad naman na pumreno si Vaun. Mabuti na lamang ay naka seatbelt ako dahil medyo napa lakas ang preno n'ya. Nandito na kami sa tapat ng bahay namin. May kotse pang naka parada sa labas nito, may bisita ba kami? "Wait, parang familiar ang kotse na 'yan." Sambit pa ni Vaun pero di ko na pinansin pa iyon sa sobrang taranta ko. Nagmamadali na tinanggal ko iyong seatbelt at binuksan ang pinto ng sasakyan pero ayaw naman nito bumukas. Tinulak ko pa ng malakas ito at bahagya pa akong bumanda pabalik ngunit ayaw talaga. Awkward akong tumingin at ngumiti kay Vaun. "Hindi kasi ganiyan." Sambit nito at may kung ano s'yang pinindot para bumukas iyong pinto ng kotse. Nakakahiya. Wala naman kasi akong alam sa ganoon. Kakaiba kasi ang kotse n'ya sa mga kotseng nasaky