Hera's POV "Ma? halika na po, mahuhuli na tayo." Nakatayo ako sa pintuan ng kwarto ni Mama habang nakatalikod naman ito at nakaupo sa dresser n'ya. Nakabihis na ito ngunit hindi pa tapos na mag ayos ng mukha niya. "Saglit lamang, maglalagay lang ako ng kaunting lipstick, Para naman hindi ako maputla na tignan." "At kailan ka pa po natuto na mag make up, Mama?" "Kahapon lang, dahil kay Veron. Binigyan n'ya ako nitong lipstick, maputla daw kasi tignan ang labi ko." Humarap ito at hindi ko maiwasan na mapangiti dahil ngayon ko na lamang s'ya nakita na naka ayos. "Bagay ba?" Masayang tanong ni Mama sa akin. "Maganda po, Mama. Bagay na bagay po sa 'yo." "Halika, lalagyan rin kita." Tumayo ito at lumapit sa akin at akmang lalagyan rin ako ng lipstick, ngunit umiwas ako. "Ayoko po, Mama