Hera's POV Hindi talaga ako mapakali kanina pa, parang puro kaba na lamang ang nararamdaman ko ngayon. Parang hindi na nga ako makahinga ng maayos sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Kung maaari ko lamang pigilan ang oras, kanina ko pa talaga ginawa. Ito na ba talaga ito? ang araw na magiging officially engaged na ako? "Huy, okay ka lang ba?" Tanong ni Maureen ng naabutan akong nakahiga sa kama ko at nakatulala sa kisame ng kuwarto ko. "Hindi." Walang gana at matamlay kong sagot. "Hindi ako okay. Hinding hindi." Lumapit si Maureen at pabagsak na naupo sa kama ko kaya't bahagya na naalog ito. Lalo tuloy na sumakit ang ulo ko. "Bakit naman parang ang lungkot mo? hindi ba dapat na masaya ka? gumraduate ka as valedictorian ngayong araw, tapos ngayon rin ang engagement mo kay Sir po