SA Montefalcon Company, inis na inis si Ronalyn dahil ilang oras na siyang naghihintay doon pero wala namang dumating na Erick.
"I guess you need to call him, Madam. It's almost time to close the door. And we just can't you stay outside like this."
Tinig ng sekretarya ng pinakamamahal niyang tao ang pumukaw sa kaniya. Kaya naman ay napagtanto niyang tama ito. Half hour na lang ay talagang magsasara na ang kumpanya. Ibig ay mahigit isang oras na siyang naghihintay sa wala.
"Okay, Miss. Thank you for your act of kindness. It doesn't matter if I can't wait him here and I'll not call him. I will go directly to their home."
Taas-noo siyang naglakad palabas ng kumpanya. Hindi na nga niya hinintay na may makasagot sa kaniya. Dahil baka tuluyan niyang maipakita sa mga ito na kumukulo ang dugo niya. Nakapasok nga siya sa mismong building ngunit hindi sa general managers office dahil sarado ito. Sa katunayan ay mini-living ng kumpanya siya pinatuloy ng secretary. Doon tumutuloy ang mag-asawang Agustin at Letecia. Wala kahit sino man ang maaring maglabas-masok doon.
"Ang hirap-hirap mong suyuin, Erick. May hangganan ang lahat kaya't magmatigas ka hanggat gusto mo. Dahil kapag napuno at sumulak na ang salop ko ay hindi mo na magugustuhan ang gagawin ko. Akin ka lang at walang ibang magmamay-ari sa iyo, Erick Montefalcon!"
Kuyom ang kamao kaya't napahampas siya sa manibela. Nagmistula nga siyang sira-ulong bulong nang bulong. Kaso mas umusok ang bunbunan niya dahil kung kailan siya nagmamadali ay saka pa siya inabot ng traffick.
"Aahhh! Letseng buhay oo! Kung hindi lang dahil sa lintik at mahirap amuing iyon ay hindi ako dadanas ng ganito! Damnit!" inis niyang sambit na kulang na lamang ay masira ang manibela ng sasakyan dahil panay ang kaniyanh paghampas.
Ang half hour driving sana niya ay naging isang oras na dahil sa higpit nang daloy sa trapiko.
AFTER sometimes, nang nakarating siya sa wakas sa tahanan ng mga Montefalcon.
"Oh, Ronalyn Hija, hindi ba kayo nagpang-abot ni Erick diyan sa labas?" tanong ni Donya Leticia ng napagsino ang bagong dating.
"Po? Eh wala po, Tita. Kung ganoon ay wala siya rito ngayon?" balik-tanong niyang hindi maikubli ang galit sa boses.
Aba'y! Ano nga ba ang kamalasang dumapo sa kaniya sa araw na iyon? Naghintay ng mahigit isang oras sa Montefalcon Company, naipit sa daloy ng trapiko ng kulang isang oras at ngayon naman ay wala ang taong sinadya!
'F*CK! I should have call him to trace where he is! Damn him! Inuubos talaga niya ang aking pasensiya!' Ngitngit na ngitngit siya.
"Hija, wala si Erick. Akala ko nga ay nagpang-abot kayong dalawa sa labas dahil kalalabas lang niya nang dumating ka," pahayag ng Donya.
"Kung ganoon po ay hindi na rin po ako magtatagal, Tita. Babalik na lang po ako sa ibang araw." Pamamaalam niya.
Wala na rin namang dahilan upang magtagal siya sa lugar na iyon. Kahit kumukulo ang dugo niya ay nagpaalam pa rin siya ng maayos.
Ang hindi niya alam!
Nakita ng binata ang paparating niyang sasakyan kaya't agad nitong ikinubli sa hindi agad mapapansin ang sariling sasakyan hanggang sa nakitang lumabas at pumasok sa bahay nila.
"MAGPAKAPAGOD kang babae ka. May lakad ako at hindi ikaw ang nais kung makasama ngayong gabi kundi si Miss tantalising eyes."
Napaismid ang binata habang nakatanaw sa daang tinahak ng babaeng habol nang habol sa kaniya. Subalit sa pagkaalala sa dalagang Aguillar ay muli niyang binuhay ang sasakyan at nagtungo sa flower shop saka bumili ng white roses. Hindi lang iyon, lumipat pa siya sa chocolate shop at ganoon din, namili siya ng pangregalo sa dalagang pupuntahan.
Ahem! Manliligaw ka ba?
AS THE DAYS GOES ON!
"Asawa ko, mukhang may love life na ang bunso natin ah," ani Niel Patrick sa asawa.
Isang gabi habang silang mag-asawa lamang ang nasa bahay. Dahil nagkanya-kanyang lakad ang tatlo nilang supling.
"Ayaw mo ba iyon, asawa ko. Oras na rin upang mabawas-bawasan ang crystal sa mata niya. Aba'y mamaya ay makita na naman ng pinsan niyang may-ari ng crystal," kibit-balikat na sagot ni Whitney Pearl.
Subalit para kay Patrick Neil, ilang dekada siyang naging surgeon hanggang sa nagresigned. Hindi pa rin siya comportable. Tumanda na rin siya sa edad pero ang pandama ay hindi. Ibang-iba ang pakiramdam niya sa oras na iyon. Hindi lang niya matukoy kung bakit.
"Tsk! Tsk! Balisa ka na naman, Lampang Lalaki? Aba'y huwag mong sabihing hindi ka sang-ayon sa pakikipagrelasyon ng anak natin? Hmmm, huwag kang tumulad sa mga magulang natin na may nalalaman pang maagang kasal. Ang magagawa mo ngayon ay supurtahan ang mga anak natin."
Aba'y ang Leona! Hindi na naman siya nakaligtas sa asawa niyang kahit tumatanda na sila ay mahilig pa ring tupakin. Kaya naman ay napaubo siya. Idagdag pa na nakataas ang kilay nito.
"Huh! Aba'y bakit kailangang idamay mo pa sina Mommy at Daddy? Sa ikli ba naman nang sinabi ko ay naalala mo pa silang idamay. Sa mga anak natin ay may sumunod sa yapak mong lagalag way back then, mayroon din sa medisina at si bunso ay nasa bangko. Kahit pa sabihing si Terrence Niel ang tagapagmana mo sa propesyon. Well, when did I interfere to the love life of our children?" nakailing niyang pahayag.
"Well, that's life, hubby loves. At isa pa ay nasabi mo na rin. As long as kaya nilang pangalagaan ang kani-kanilang sarili sa anumang isyo ay hindi natin sila maaring pakialaman." Kibit-balikat pa rin ng Ginang.
Wala namang kaso ang attributes ng mahal niyang asawa para sa kaniya. Dahil sa mahigit tatlong dekada nilang pagiging mag-asawa, idagdag pa noon ay masasabi niyang kilala niya ito. Sa katunayan ay hindi lang talaga siya mapakali. Kaya naman ay yumakap siya rito.
"Wifey, iba kasi ang tinutukoy ko."
"Then, what about you in Saudi Arabia? Ah, naalala ko na. Noong mga panahong may babae kang pinatulan na wala yatang kaalam-alam sa batas ng bansang napuntahan," she carelessly uttered.
Para sa kaniya ay walang kaso iyon. Dahil totoo namang nakipagrelasyon siya noon sa Saudi Arabia. Subalit simula nang naging legal silang mag-asawa ay wala na siyang naging balita sa nakaraan. Hindi nga niya alam kung buhay pa ba ang mga ito o hindi. Subalit nag-iba nang nakita niya si Erick Montefalcon. Simula noon ay laging may kaba sa kaniyang dibdib.
"Wifey, do you still remember that woman in Saudi Arabia? I mean Jona Castro. I'm hoping that I'm wrong and just seeing things. Ngunit nakikita ko si Erick sa kaniya. Sa unang tingin ay para siyang si Bernard ngunit kapag pakatitigan mo ay walang ipinagkaiba kay Jona." Pagwawakas niya.
Kaso!
NAKALIMUTAN yata ni Whitney Pearl na nakayakap sa kaniya ang pobreng asawa. Dahil bigla siyang napabalikwas. Kung hindi nga niya ito naagapan ay baka tuluyang nahulog at bumalandra.
"Tsk! Tsk! Aba'y ikaw na lalaki ka, matanda ka na nga! Susme, para iyon lang ay kamuntikan ka ng mahulog. Malapit ka na ngang magkaapo ngunit lalampa-lampa ka pa rin! Hala, halika na!"
Aba'h! Aba'y siya na nga ang may kasalanan ngunit siya pa talaga ang may ganang manita at magalit! Subalit talagang umiinit ang ulo niya dahil sa nalaman. Mabuti na lamang at alam ng kaniyang asawa kung kailan siya patulan at kung kailan aatras o mananahimik.
"Ngunit sa katunayan ay ayaw ko siyang tanungin. Dahil kung baka kung ano ang isipin niya." Muling umayos si Patrick Neil sa pagkahiga.
"Tama iyan, asawa ko. Nasa tamang edad na silang parehas. Alam na nila kung ano ang tama at mali. Ang tangi nating magagawa sa kasalukuyan ay ang gabayan sila. Sa katunayan ay hindi siya maaring tanungin. Dahil baka tayo ang lalabas na kontrabida. Sa lawak ng America o kahit ang Los Angeles lamang ay baka nagkataong magkamukha lang sila. Well, saka na lamang tayo kikilos kung iba na nga."
Sa wakas ay sumang-ayon ang Ginang. Kaya't imbes na pagtuunan nila ng pansin ang mga kung ano-anong bagay ay muli silang nahiga at nagpatuloy sa pananaginip.
SAMANTALA, sa restaurant kung saan naroon sina Erick at Abigail Eunice.
"Abby, alam kong maaga pa upang magsabi ng tunay na dahilan kung bakit ako nakipaglapit sa iyo. Noong una pa kitang nakita ay hindi ka na mawaglit sa aking isipan. I'm not going to say sorry for being straight to the point because it's true that I'm falling for you now."
Finally! Nasabi niya ang itinago ng ilang buwan. Halos gabi-gabi silang lumalabas ngunit friendly date lang ito.
Subalit sa narinig ay natigilan ang kausap. Nabahala tuloy siya dahil kitang-kita niya ang panginguslap ng mga mata nitong wari'y laging may bola ng crystal sa mata. Kaya naman ay naging maagap siya.
"Please don't cry, Abby. I'm not forcing you to love me back. I may confessed my real feelings but it's up to you if you will believe it or not. So, please don't cry, Abby." Naging maagap siya dahil ayaw niyang umiyak ito.
Subalit umiling-iling lamang ito. Mahigit isang buwan din silang lumalabas at unti-unti niyang nakikilala ang tunay na Abigail Eunice. Isa itong may mataas na katungkulan sa bangkong pinagtatrabahuan, galing sa mayamang pamilya. Subalit mayroon itong pusong-mamon. Strikta ito sa panlabas na kaanyuan. Ngunit para itong crystal na anumang oras ay maaring mabasag. Kaya't nararapat lamang na alagaan. Idagdag pa ang ugali nitong ayaw ma-expose sa mga tao lalo na sa tulad niyang lalaki.
"E-erick, maari bang ihatid mo na ako sa bahay?" nautal nitong saad.
Hindi nga rin ito makatingin ng maayos sa kaniya.
"Sure, Abby. Pero halos hindi mo pa nagalaw ang pagkain mo," aniya.
Sa katunayan ay gustong-gusto niya ito. Kahit pa sabihing mababaw lamang ang kaligayahan.
"Busog na kasi ako, Erick," tugon nito.
Subalit duda siya. Dahil kaunting-kaunti pa lang ang nabawas sa laman ng plato nito. Hindi nga rin ito makatingin ng deretso sa kaniya. Gusto pa nga sana niya itong makasama. Ngunit ayaw din naman niyang magalit ito sa kaniya.
"Okay, Abby. But please don't forbid e in visiting, and taking you outside. Like what I've said a while ago, I will not force you to love me. Ang mahalaga ay malaya akong dalawin ka," aniya na lamang.
"Oo naman, Erick. Walang problema sa bagay na iyan," tipid na sagot ni Abigail Eunice.
Wala namang masama sa sinabi nito. Ngunit hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit kakaibang takot ang sumalakay sa kaniya. Laking pasasalamat nga lang niya dahil hindi na ito nagsalita pa. Hinayaan lamang niyang bayaran ang kanilang orders bago siya inalalayan patungo sa sasakyan.
MAKALIPAS ng ilang sandali ay tumigil na sila sa tapat ng marangyang bahay ng mga Aguillar.
"Good night, Abby. I'm hoping that I can see you even more," saad ni Erick.
"Same to you as well, Erick. And thank you for tonight. Drive safely on your way home. Just call me when you get there," tugon nito.
Ngumiti na lamang siya bilang tugon. Hinintay niya ring nakapasok ito sa mismong gate bago muling bumalik sa sasakyan.
Kaso!
Bago pa siya makapasok sa sariling sasakyan ay may nagsalita sa kaniyang likuran!
Who the hell he is?
Kalaban o kakampi?