Goodbye Kiss

2017 Words
Primo's POV: "Miss, take it easy. Wag mong suntukin yang front seat," kalmado kong sabi. Tinitigan nya ko ng masama, I can see that on my peripheral vision. Isn't she aggressive? I'm scared, what if she eat me alive? "Look Mister, do you have a jacket? Di ako lalabas ng ganto itsura ko," galit na sabi nito sakin. Mister? What a name. Do I look like dad? "Give me one good reason on why should I let you borrow my jacket," I said teasingly. Ramdam na ramdam ko ang galit nya sakin, which makes me satisfied. There's something in her that calms my nerves. I don't know why but she's still looking good for me, even if she got a coffee on her blouse. "You know what? Nakakainis ka! Pwede bang manahimik ka nalang?" sumisigaw na nyang sabi. Nakatingin sya sakin pero ako, dapat chill lang. She's a tiger. "Palamig ka muna," mahinahon kong sagot dito. "Not funny ha ha," pasaring nya sakin saka umirap. "I'm not joking tho," nakangisi kong sagot. Malapit na kami sa mall pero ang sama parin ng timpla ng mukha nya. Mapagkakamalan pa kaming in a relationship nito e. Grabe magreact sa blouse, papalitan ko naman. Psh. She keep on scrolling at her phone, di nya na ko pinansin ulit. Pwede naman pala syang tumahimik. After 15 minutes, we finally arrived. "We're here," sabi ko dito at nag park na. Dali dali kong kinalas ang seatbelt nya pero hawak nya na ito kaya ang ending ang kamay nya ang nahawakan ko. Bigla kaming nagkatinginan. I'm laughing inside out. "Bakit mo ko hinawakan?" inis na tanong nito sakin. Napatitig lamang ako sa mukha nya. Napakalapit. Maganda parin, masungit nga lang. Matangos na ilong, mapupulang labi at makinis na mukha. "A-ah. You told me I'm not gentleman, right? I'm just proving myself," sagot ko dito ng nakangisi. Hawak padin namin ang seatbelt. Unti unti syang lumalayo pero lumalapit ako. Her eyes are as sharp as knives. "Bakit lumalapit ka?" nanginginig na tanong nito sakin. Now, she's scared. Yun lang pala makakasindak sa kanya. "Bakit lumalayo ka?" I asked, smirking. I don't know why but when I tease her, there's something in me that I can't explain. Tawang tawa ako sa reaksyon nya. "Bakit tinatanong mo ko?" bakas sa boses nya ang kaba. Nice one. Primo is a King, darling. Don't you dare mess with me. "Bakit tinatanong mo rin ako?" I gave her my sweetest smile just to make her more angry. May ikakagalit pa ba sya? O todo na to? I want to see more. "Isa pa. Makakatikim ka sakin!" pagbabanta pa nito. Napangisi ako lalo. That's what I want—a challenge. Marunong naman pala sya makipaglaro. "Anong matitikman ko?" tumatawa na ko sa itsura nyang pinapakita sa akin. Biglang nanlaki ang mga mata nya sa naging tanong ko. What's wrong with that? Masyado naman syang malisyosa. First day of school is not boring like what I'm expecting it to be. Napangisi ako sa naisip ko. Napatigil nalang ako bigla ng sampalin nya ako ng malakas. Ang kaninang nakadiretso kong tingin sa kanya ay napunta sa aking kaliwa. Ang lakas ng impact, napahawak ako sa aking pisngi. Wow, it hurts but her hands are so soft. I want her to slap me one more time just to feel her hand at me again. "Masarap?" pasaring nya sakin. Nakangisi. I guess, she like what she did. Nakakaproud ba ang sumampal? Well, maybe for girls. Ganon din naman kaming mga lalaki, kapag naman may nasuntok kami. "Masakit. Nasaan ang sarap?" nakabawi na ako sa pagkagulat at ngumisi rin. Hindi ako madaling matalo Miss. Better be ready, the game is not yet starting. "Secret. So where's the jacket?" pag-iiba nito ng topic. Umiwas na sya ng tingin kaya naupo na ako ulit ng maayos. "Where's the kiss first?" I asked. Lahat ng sakit titiisin ko makita ko lang ang pagka inis sa mukha nya. She's funny. Though hindi sya clown or something. No, clown pala sya. Kapal mag make-up e. Pwede na sa Miss Universe. "Di na ako nakikipag biruan," sabi nya sa seryosong boses. That's how she play. Pwede na rin. "Di naman kita binibiro," sagot ko saka lumayo sa kanya. She unbuckled her seatbelt. Kala ko ba gusto nya ng gentleman? Girls will always be girls, magulo takbo ng isip. Napailing nalang ako. "Isa pa talaga, nagtitimpi lang ako," sabi nito at nakaambang susuntukin ako. This is the first time that I saw a s******c girl being maarte at the same time. I'm so blessed right? "Oh, chill. Nadadaan naman lahat sa maayos na usapan," sagot ko habang nakataas ang aking dalawang kamay tanda ng aking pagsuko. "Kanina pa kita kinakausap ng maayos," sabi nya saka ako inirapan. Kelan ka ba babait Miss? "I just want to make you happy," I said, explaining my actions towards her. Bored na bored kaya ako buong summer kaya sa kanya ko naibuhos lahat ng kakulitan ko. "Then shut up. Give me the jacket and I'll be happy. No more words," she replied with authority in her voice. Sabi ko nga, easy lang kasi. I get my jacket from the backseat. Hinatak nya ito sakin at saka sinuot. The way she flipped her hair is mesmerizing. I didn't know na magiging ganito ka exciting ang first day of school ko. Buti nalang din nag walk out si Ash kanina. If not, I wouldn't meet this girl. "You're settled. So, shall we go?" tanong ko dito at tinuro ang mall. Kanina pa kami dito, hilig kasi makipag bangayan. She looks mad again. Wala pa nga akong ginagawang masama e. Tatanda to agad pag ganito ng ganito mukha. "Of course. Ubos na ang oras ko kakapakinig sa walang kwenta mong mga kwento," sagot nya saka bumaba ng sasakyan. Pagkalabas na pagkalabas nya ay tinitigan nya muna ako bago isinara ng malakas ang pinto. "Mas marami nga syang kwento e," bulong ko sa sarili ko at saka sumunod na lumabas. May regla ba sya ngayon? Nagkatitigan kami. Masama parin ang tingin nya sakin at nauna ng maglakad papasok. Kita mo yon? Attitude chix. Hinabol ko sya. Sakto yung jacket ko ah, bangong bango yan panigurado. "Distance yourself," sabi nya sakin pero sya ang lumayo. Okay okay, ganyan talaga ang mga babae Primo. Dapat masanay ka na. "Distance yourself," I mimicked her with matching alog alog ulo saka irap at the same time. Natatawa ako sa ginagawa ko. She's looking at me with disgusted looks. Many people are looking at us, they are laughing too. "Sa daan ka titingin, napaghahalataang gusto mo ko e," pang iinis ko pa lalo. Mabilis syang lumapit sakin at saka ako kinurot sa braso. Napaaray ako at hinimas himas ang aking braso. Lord, patawad na sa lahat ng kasalanan ko. "Don't talk too much, daig mo pa babae," saka sya ulit naunang maglakad. Napapailing nalang ako. Gusto ko lang naman syang kausap. Masama ba yon? Pumasok sya sa isang girl boutique. Sumunod ako at nakitang nagsusukat sya. Hindi naman ganon yung uniform namin ah? Ubos allowance ampotek. She's smiling at me widely. Tinitigan ko sya ng masama. Ngayon naman nagbago ang ihip ng hangin. "Nice one. Parang pera mo pambabayad dyan ah?" matabang kong tanong sa kanya. Napatingin samin ang saleslady. "Well, that's the spirit of having an elite boyfriend," she replied, winking at me. "Wow, parang kanina lang halos kainin mo ako ng buhay. Saka kelan pa kita naging girlfriend?" tanong ko sa kanya habang nakangisi ng nakakaloko. "It's alright babe, diba nga 'Lahat nadadaan sa maayos na usapan' easy ka lang," sabi nya sakin saka kumuha ng isa pang dress. O-okay? Madali naman ako kausap. Di naman big deal ang pera. Kinuha ko ang phone ko at nakita kong may text si Ash. Di ko sya nireplyan, paniguradong sesermonan lang ako ni mokong. Nag f******k ako at scroll scroll lang nang biglang may kumalabit sakin. "Which looks better?" napahampas nalang ako sa noo ko. Pati ba naman yon poproblemahin ko pa? Badtrip. "Where will you go?" I asked, raising one brow. "Why are you curious?" she fired back, grinning at me. "I'm not," I defend myself. "You are," pagmamatigas nya. "Oo nalang nga para matahimik ka. What's your name? Kanina pa tayo nag aaway pero di parin kita kilala," tinitigan ko syang mabuti. Nakipag titigan din sya. "I'm Karylle Valdez," inilahad nya sakin ang kanyang kamay. Tinanggap ko ito. "I'm Primo Roshan," I replied. Nag shake hands kaming dalawa. Nahawakan ko ang malambot nyang kamay. "By the way, di ko naman tinatanong," sagot nya saka tumalikod. Okay na sana e, sinira nya lang yung momentum. "Bayaran mo yan mag isa," pabiro kong sabi. She mimicked me. O-okay? Paniguradong mapapatay ako ni Ash. Kumag pa naman yon. I check the time, it's already lunch. Medyo nagugutom na din ako, kanina pa sya paikot ikot sa boutique. Kanina pa rin ako nakatayo. Tiningnan ko sya at nakita kong marami syang hawak na dress. Napailing nalang ako. "Kelan ka matatapos?" bored kong tanong. Nagugutom na ko pero nag iikot padin sya. Badtrip talaga. "Kung kelan ko gusto," pasaring nyang sagot. The audacity. "Okay, see you. Gutom na ko e, uwing uwi na rin ako," tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palabas. "Wait! Primo, matatapos na ko," hinabol nya ako at hinatak pabalik saka iniupo sa upuan. Tinitigan ko sya ng masama. Ngumiti lang sya pabalik at saka pumunta sa counter. "Pakibilis, bored na bored na ko kung pwede lang," naiinis kong sabi dito ngunit di nya ako pinansin. Lumapit ako sa cashier at binigay ang credit card ko. Tinitigan ko si Karylle at ngumiti sya na parang napakabuting tao. Ngumiti din ako ng maasim. May binabalak talaga tong babaeng to. Nararamdaman ko. And whatever it is, I'm sure it's bad. "Thank you sir, until your next purchase," sabi ng kahera. Tinitigan ko sya at sinagot. "Wala ng next," sabi ko at kinuha ang credit card. Pagkapasok na pagkapasok ko nito sa wallet ko ay iniabot sakin ng kahera ang resibo. Tinitigan ko itong mabuti. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga numerong nakaimprinta dito. "S-seriously? 21k Karylle?!" tinitigan ko sya ng masama. Ngayon ko lang napansin na may siyam na paper bag syang hawak hawak. "Thank you babe," masayang masaya nyang sabi saka nagsimulang maglakad. Napakamot nalang ako sa aking ulo at sumunod. 21k? 2 days ko ng baon yon hays. "Saan ka pupunta?" tanong ko nang makita ko syang naglalakad papunta sa mga restaurant. "We'll eat right?" nakangiti nyang tanong. "No, let's go back," sabi ko saka sya hinatak palabas ng mall. "Sabi mo kanina gutom ka na?" pagtatakang tanong nya. "Nagbago isip ko. Let's go," sagot ko at nagsimulang maglakad. Mapapatay ako ni Ash panigurado. "Why your face looks like hell?" natatawa nyang tanong. Sya naman malakas mang inis ngayon. Gulong nga talaga ang buhay hays. "Why do you look happy? Bayad na ko sayo okay? This will be the last," sabi ko at pumunta sa parking lot. Badtrip na badtrip na siguro si Ash ngayon. Any minute, tatawag na yan. "Easy, you can buy anything you want," sabi nya habang humahabol sakin. "I know, wala naman akong pake sa pera. Let's go back to school because someone's waiting for me," I replied. She just shrugged. Pumasok kami pareho sa kotse. She put all of her dresses at the backseat. "Let's go! Bati na tayo, don't worry," pang iinis nya pa sakin. She's so energetic right now. Dress ba ang sagot sa lahat? "Shut up," sabi ko saka nag start mag drive. Naging mabilis lang ang byahe namin. Dala na rin siguro ng pag iisip ko sa magiging sermon sakin ni Ash. We are both quiet, I'm not in the mood to start an argument. Dumating kami sa school, masayang masaya syang lumabas at kinuha ang mga paper bags sa backseat. "So I guess, we will bid our goodbyes now," sabi ko. Tumingin sya sakin at lumapit. "Goodbye Primo," she kissed me. Napatulala nalang ako. Nabalik lang ako sa huwisyo nang biglang mag ring ang aking cellphone. Shit, it's Ash. Pagkakataon nga naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD