Hanggang sa nagpatuloy sa pagkukwento si Clyde. Napansin ni Doyzkie na tila takot ako sa putik at agad niya akong nilapitan. "Insan, okay ka lang ba?" "Hindi, pero kakayanin ko ito." "Umabot kami ng isang linggo sa palayan at kahit papaano ay natuto naman ako sa gawaing bukid at iyon ang una kong natutunan sa pagiging isang magsasaka. Hanggang sa natapos ang buong maghapon namin ni Doyzkie sa palayan at kahit papaano ay nakayanan naman ang pagod. Kinabukasan ay sinamahan kami ni Mang John sa hacienda upang mag-apply ng trabaho. Sinabi ni Mang John na palabasin namin na mga pamangkin niya kami para matanggap agad sa trabaho at sumang-ayon naman kami sa plano niya. Hanggang sa dumating kami sa hacienda at ang mayordoma ang ang nakaharap namin. "John, ano ang sadiya mo?" "Mag-apply