SUMAPIT ANG araw ng kanilang pinakahihintay, ang araw ng kanilang kasal. excited, kaba at saya ang nararamdaman ng dalawa habang papunta sila sa simbahan. "I'm happy for you, honey." mangiyak-ngiyak na pahayag ni general sa nag-iisang anak. "Thank you so much, Mom. Dad , Thank you!" sabi ni Princess sa kaniyang mga magulang. "I love you, honey," emosyonal na sabi ng ama niya. "I love you too, Dad," tugon niya. Hanggang sa makarating sila sa simbahan, at kasalukuyan ng naghihintay si Doyzkie sa harap ng altar, katabi ang kaniyang mapagmahal na mga magulang. Nang magsimulang maglakad si Princess Yellah patungo sa kanyang magiging asawa ay nagsimula naman na kumanta ang 'Kailyan Choirs' na sadiyang sila ang pinili ni Princess Yellahat Doyzkie, dahil kilala na silang batikan na mangangan