Nang mahawakan ni Doyzkie ang kutsilyo ay maingat niyang pinutol ang tali sa kamay ni Princess. Hanggang sa natanggal ito at dali-daling kinuha ni Princess ang kutsilyo at si Doyzkie naman ang kaniyang kinalagan. "Salamat!" saad nito. Hinawakan niya ang kamay ni Princess at nagkubli sila sa gilid. Bumalik ang nagbabantay sa kanila at hindi agad sila nitong napansin. Hindi na nag-aksaya ng oras si Doyzkie, agad na niya itong sinunggaban ang dalawang lalaki habang nakatalikod ito. Tinakpan niya ang bibig at agad sinaksak ang leeg. Nabigla naman si Princess Yellah sa ginawa ni Doyzkie at bahagya itong natulala habang pinagmasdan ang ginawa niya sa kalaban. Bumagsak ito na wala ng buhay. "Ma'am, sa ganitong sitwasyon dapat isantabi mo ang awa para hindi ka mauna na mamatay," paliwanag niya