Dumating ang dalawa sa company building kung saan ginanap ang kanilang 'Valentines Party'. By this time ay hindi bodyguard ang tingin ni Princess Yellah kay Doyzkie kung 'di ay isang ka-date. Magkatabi ang dalawa sa harapan ng kotse at nang makahinto na sila sa parking area ay dali-daling bumaba si Doyzkie at binuksan niya ang pinto at inaalalayan ang kanyang ka-date. "Be careful." Sabi niya, dahil sobra siyang nag-alala sa dalaga sapagkat mahaba ang kaniyang heels na suot. Nakahawak si Princess Yellah sa braso ni Doyzkie habang papasok sila sa reception area. Marami ang humahanga sa taglay na kagandahan niya lalo na sa suot niya na lutang ang hubog ng katawan niya. Proud naman si Doyzkie sa sarili niya sapagkat ang kaniyang ka-date ngayon ay ang kaisa-isang babae na lihim niyang min