Agad silang pumasok sa loob ng malaking bahay at sa malawak ng sala sila umupo, ahabang hinihintay nila ang may-ari at ang Mommy niya. At maya-maya pa ay dumating sila na banaag sa mukha ni general ang sobrang pag-aalala sa kanila. "Mommy…" bulalas ni Yellah at sinalubong niya ang ina nang yakap. "Maayos ba kayong lahat?" tanong ni general, na halatang nag-alala ito. "We're all right, thart. Nahuli ba ang mga hitman?" tanong ni Tom. "Hindi, thart. Nakatakas sila." "General, anong balita sa anak namin?" tanong ni Mrs. Albarracin. "I'm sorry, wala pa kamimg lead na nakukuha. Pero kumikilos na ang mga FBI at ang mga pulis. "Please, general, do everything you can to find our son." -Mr. Albarracin. "Huwag kayong mag-alala, hindi ako titigil hanggat hindi siya nahanap. Pangako,