SHEENA POV Nang imulat ko ang aking mga mata, halos ang nakakasilaw na puti lamang ang aking nakikita. Sinubukan kong galawin ang iba't ibang parte ng aking katawan kaya mga mata at tenga ko lang ang nagfu function sa akin ngayon. Sinusubukan kong alalahanin kung sino ako ngunit wala akong maalala maging ang pangalan ko at bakit ako nasa lugar na ito. Ilang minuto pa ang nakalipas, narinig ko na lamang na nagbukas ang pintuan kaya muli kong ipinikit ang aking mga mata. "Doc? Kamusta na po si Sheena? Halos isang linggo na po siyang nakaratay rito? Ano na po ang status ng kalusugan niya?" nag aalalang sabi ng isang lalaking mayroong malamig na tinig, damang dama ko ang pagmamalasakit niya sa kanyang pagtatanong. "Her vital signs are stable. But the problem is, kailangan lang natin siy