ETHAN POV "Excuse me, Mr. Ethan, pwede ba namin kayo makausap saglit?" tanong sa akin ng pulis. Ikinuyom ko ang mga kamay ko. Napatingin ako sa inosenteng mukha ni Sheena na walang kaalam alam sa mga nangyayari. Nginitian ko siya kahit na nasa komplikadong sitwasyon kami ngayon. "Babe, kakausapin ko lang sila saglit. Pagkatapos ay babalikan kita agad," I said with a reassuring smile. Dumistansya kami kay Sheena sapagkat ayaw kong marinig nito ang pag uusap namin. "Mr. Ethan," sambit ng pulis sa kaliwa, "We have gathered several evidences that points to you. Ikaw ang lead suspect rito so-" Hindi ko na siya pinatapos dahil sa alam ko na kung ano ang sasabihin niya sa akin, "Pardon me but I believe I have the right to remain silence. I will ask my lawyer first bago ko kayo harapin," I