Chapter 17

1162 Words

Excited na ako dahil ilang minuto na lamang ay mag-uumpisa na ang karera. Pero may kaba din akong nararamdaman, hindi dahil baka matalo ako kundi baka magalit sila kuya sa akin. Kapag nagkataon siguradong gulpi di-gulat ang gagawin ng mga yun sa akain. Bahala na! Hindi ko pa naman nakikita kung paano magalit ang mga yun dahil masyado silang mabait na anak sa bahay. Malambing din silang mga kapatid kaya siguro naman patatawarin nila ko. Malawak ang pagdarausan ng karera. May nakaharang lang na mga kawayan sa gilid ng magabok na daan at paikot ito sa malawak na hacienda. Aabutin ng tatlong minuto bago maka-ikot sa buong field. At kung sino ang mauuna at nananatili pa ding nakasakay sa kabayo siya ang mananalo. Sa unang karera ay limang kaming mag-lalaban. Ganun din sa pangalawa at pangatlo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD