Lunes ngayon at balik na ulit ako sa pagbabantay kay Sir Terrence. Simula kaninang umaga hindi ko pa nakikita si Tanya. Wala din siya sa kusina nang pumasok ako doon. Mabigat ang pakiramdam ko na nagtungo sa kwarto ni Sir Terrence. Hindi ko alam pero parang gusto kong maiyak. Nalulungkot ako para sa aming lahat. Bakit ba kasi hindi pwedeng turuan ang puso kong kanino titibok para wala ng ganitong sakit na mararamdaman. Naka-upo ako sa harapan ni Sir Terrence. Mahaba na ang balbas niya. umaabot na ito sa gilid ng kanyang mukha. Mas lalo pa tuloy nagpapatanda sa itsura niya. Pero kahit ganun hindi pa rin nabawasan ang kagwapuhan niya. Hindi ko rin alam kung bakit sa tuwing nakikita ko siya napapangiti ako kahit nakatingin lang ako sa kanya. “Sir, nakakapagod ba matulog? Pasensya na kung