Chapter 2

1837 Words
MEKYLLA was happy to take her towel and go out of her home. The sweet smile plastered on her lips when the beautiful and tall trees appeared in her sight. The wind blew, making her long and straight brown hair dance with it. Sinakop niya ang kanyang buhok. “Maliligo ka na naman ba sa dagat?” an old man asked her when he saw her outside. Everyone that live in the island call him Tata Olly. Isa itong manggagamot. Dumaraan ito sa kanyang bahay upang manguha ng halamang gamot sa kabilang dako ng Isla. Iyon ang ginagamit nito sa panggagamot. Tumango si Mekylla rito. “Magandang umaga sa 'yo, Tata! Opo, noong isang araw kasi ay hindi ako nakatungo roon dahil pumunta ako sa bahay ng aking kaibigan, doon ako natulog. Naubos na po ba agad ang halamang gamot na kinuha niyo noong isang araw?” she asked Tata Olly when she saw him carrying a small basket, sinabayan niya ito sa paglalakad. Pababa na sila upang magtungo sa dagat. May kalapitan ang bahay ni Mekylla sa tabing dagat kaya palaging nagtutungo siya roon upang maligo. Nakagawian na itong gawin ni Mekylla araw-araw, ang maligo sa dagat. Ang matanda naman ay roon dumaraan upang magtungo sa kinukuhanan nito ng gamot. Mas mabilis kasing dumaan sa baybayin patungo roon. Masyadong matalahib at malayo kapag sa gubat dumaan. “Oo, Mekay. Marami ang nagkasakit sa bayan kahapon, hindi ko inaasahan na sumunod-sunod ito.” Napapansin ni Mekylla ang pagmamadali ng matanda. “Sige, Tata! Mag-ingat po kayo sa daan. Doon po muna ako.” Itinuro Mekylla sa matanda ang direksiyon kung nasaan ang kuwebang tinutuluyan niya. The old man nodded his head before leaving. Mekylla smile widely and run excitedly to the cave. Mamayang tanghali pa siya uuwi kaya sa kuweba siya mamamalagi. Nang marating ang kuweba ay pumasok agad siya roon. Napanguso siya nang makitang nakalubog na naman ang kanyang mga batong nilagay. Mekylla think it's because of the heavy wave last night so she just shrugged. Bago lumabas ay inayos niya muna ang mga bato. Nilagay niya ang tuwalya roon at masayang nagtungo sa dagat para magtampisaw muna. The wind is so relaxing. Kaya nga pinili din niyang manirahan malapit sa tabing dagat. Kung pwede nga lang na sa kweba na siya tumira ay gugustuhin niya ngunit mahirap kapag lumakas ang alon ay aabot ito doon sa kuweba. Tumingin siya sa malayong parte ng dagat kung saan makikita ang mga nagtataasang mga gusali. Kahit malayo ay nakikita niya ang taas n'on. "Kailan kaya ako muling makakatungo sa Manila? Hindi pa tumatawag sa 'kin si Shaella," bulong niya na ang tinutukoy ay ang pinsan niya na nagtatrabaho sa siyudad. Pasipa-sipa siyang naglakad. Nang ibaling niya sa kaliwang bahagi ang kanyang paningin ay natigilan siya. May naaninag si Mekylla sa parteng iyon. May kalayuan ito sa kuweba at puwesto niya ngunit agad niya napansin ito dahil masyadong agaw pansin ang kulay ng suot nito. What is it? Hmm? Dahan-dahang naglakad si Mekylla sa parteng iyon. Marahan ang bawat hakbang niya. Nakaramdam siya ng kaba at takot nang maaninag ang hulma nitong hugis tao. "May tao..." mahinang ani niya at lalo pang lumapit. Kahit na may kaba sa kanyang puso ay tinatagan niya ang kanyang sarili. Hindi niya maiwasang magulat nang makitang tao nga ang kanyang nakita, isang lalaki. Nakadapa ito. Hindi niya makita ang mukha ng binata dahil nasa kabila ito nakabaling. Naghanap siya nang maaaring panghampas dito kung sakaling masama itong tao. May nakita siyang kahoy sa kanyang gilid kaya agad niya iyong kinuha. Itinutok niya ito sa binata habang lumalapit. "Sino ka?" malakas niyang wika rito ngunit hindi ito gumalaw at sumagot. Nang marating ang puwesto ng binata ay mahina niyang idinikit ang kahoy na hawak sa katawan nito at niyugyog ng malakas. He still not moving. And there she realized that the man was unconscious. Umupo siya at tinapik ang braso nito. Nabigla pa siya dahil masyadong matigas ang braso ng binata. Bato ba ang braso nito? Bakit masyado naman itong matigas? Hindi naman ganoon ang braso ng kanyang kababatang si Jendrix. "Mister?" Patuloy lamang siya pagtapik dito ngunit wala siyang nakuhang kahit anong tugon. Napakamot si Mekylla ng ulo, napanguso din dahil wala siyang maisip na gawin. Luminga-linga siya sa paligid upang humingi sana ng tulong pero naalala niyang wala pa lang nagtutungo roon. Siya lamang naman at si Tata Olly ang tanging napapatungo sa bandang timog, kung nasaan siya naninirahan. Si Tata Olly ay dumadaan lang naman kapag kumukuha ng halamang gamot at mamayang tanghali pa iyon makakabalik. Kapag naman mangingisda ang mga tao ay sa kabilang dako sila nangingisda, sa silangang bahagi. She looked behind the cave that meters away from her. Mekylla nodded her head and looked back at the man that had a stone arm. Buong lakas niyang pinatihaya ang binata. "Hala!" Napahawak siya sa kanyang bibig nang tuluyang makita ang mukha nito. Ang gwapo ng binata. Hindi niya maiwasang titigan ito. Paanong napadpad sa isla ang adonis na ito? Napakaperpekto ng hulma ng mukha niya. Makakapal ang kanyang kilay. Ang ilong ay matangos, kaya ka yatang tusukin panigurado. Have also a monolid/ double eye-lid combo. Moles on his lower lip, above his right nostril, and under his right eyelid near his waterline. Nang dumako ang kanyang paningin sa labi nito ay napanguso siya. The shape of his lips is subtle. His upper lip is slightly longer and rounded than his longer lip. Her heart beats faster and faster as Mekylla raises her hand to touch his face but then she stops herself not to. Paanong mas mapula pa ang labi nito sa labi niya? Binasa ni Mekylla ang kanyang labi at nangalumbaba sa harapan ng binata. Ilang segundo pa niya ito tinitigan bago dahan-dahang kinuha ang magkabilang kamay nito saka inangat. Sana lang ay makaya niya itong hilahin patungo sa kuweba. “Sorry, pero wala akong choice kundi ang hilahin ka.” Mekylla frown before stood up, still holding his both hands. Alam ni Mekylla na mabigat ang binata ngunit hindi niya inaasahaan na mas bibigat pa ito sa inaakala niya. Ni hindi nga niya maigalaw ito sa puwesto nito sa unang subok niyang hilahin ito. Napapadyak na lamang siya sa inis. "Ano ba 'yan! Bakit ang bigat mo?" wika niya sa walang malay na binata. After 12345678 years ay nadala niya rin ito sa kuweba. Pawis na pawis siya pati ang buong katawan niya ay nanakit dahil sa bigat nito. Inubos ba nito lahat ng isda sa dagat? He's really heavy. Hindi na pang-isahan ang bigat nito. Hindi makatarungan para sa kanya! Kahit yata ang mga lalaking naninirahan sa Isla Berde ay hindi ganito kabigat. "Hindi ko alam kung bakit tinutulungan kita!" Nakangusong tiningnan niya ito. Kahit sa paghila niya rito kanina ay nakatitig siya sa mukha ng binata. Nahihirapan siyang alisin ang paningin dito. Hindi niya alam ngunit lumalakas din ang t***k ng kanyang puso. Unang beses niyang maramdaman ito. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Unang beses niyang maramdaman ito. Nakakaiba. Nakaramdam na din siya ng kaba at takot, hindi niya alam kung para saan ang kaba at takot na iyon. Nakikita niya ang mga galos nito sa katawan ngunit hindi naman ito masyadong malala. May sugat din ito sa ulo, nakita niya kanina nang hilahin niya na ito. Pinagamit ni Mekylla ang kanyang tuwalya upang may maunan pansamantala ito. Gusto niya itong dalhin sa bahay niya para magamot ngunit masyado itong mabigat. Hindi niya makakaya. Mekylla just stared him while waiting him to wake up. Kahit sinong babae ay mapapatitig sa binatang ito. She can't even avoid her eyes with him. Para itong may magnet dahil kahit anong iwas niya ay bumabalik lamang ang kanyang paningin dito. Bumuntong-hininga siya at sumandal sa pader. "Ang tagal niyang magising." Dahil sa tagal nang paghihintay ay nakakaramdam na siya ng antok. Unti-unting sumasara na ang talulap ng kanyang mga mata nang makarinig siya ng mahinang pag-ungol. "Hmmm…" Mabilis na naimulat niya ang kanyang mga mata at agad na nanlalaki ang mga matang napatingin sa binata. Gumalaw ito na siyang kinaayos niya ng upo. Gumapang siya sa bandang ulunan ng binata at sinilip rito. Kitang-kita niya ang dahan-dahang pagmulat ng mga mata at pagkibot ng mapupulang labi nito. Hanggang sa masalubong niya ang kulay berde nitong mga mata. They stared each other for minutes. Walang gustong umiwas man lang. "Okay ka lang ba?" nag-aaalalang tanong ni Mekylla sa binata nang kumurap ito. Hieven tried to move his head but he winced when it hurt. Parang pinukpok ito ng kung anong bagay. Bahagya pa itong kumirot. Nakita ni Mekylla ang pagsubok na umupo nito kaya mabilis niya itong inalalayan. Maharan ang kanyang kilos para hindi ito masaktan lalo. "Dahan-dahan lang, Mister," saad niya nang makaupo na ito nang maayos. Nang tingnan siya ng binata ay napaatras siya. Malamig ang mga berdeng mga mata nito, walang kabuhay-buhay. Napayuko si Mekylla dahil hindi niya kayang salubungin ang mga tingin nito. Mekylla can't stop her heart to beat it fast. Kusang lumakas ang t***k n'on. Bakit parang nang-aakit ito? “Who are you?” Napaangat siya ng tingin dito. Nang akmang sasagot na siya ng muli itong magsalita. "W-Who am I? What happened to me? f**k! My head hurt." Halos mapatanga siya sa narinig mula rito. Anong...Bakit nito tinatanong sa kanya ang bagay na iyon? Anong alam niya sa pangalan nito? Ano bang alam niya sa nangyari dito? Wala siyang alam! And did she really hear him cuss? Sandaling natigilan si Mekylla. Bakit nga ba nito tinatanong ang pangalan nito? Hindi ba nito alam? Kung tatanungin silang dalawa ay ito dapat ang may alam n'on. "Ah kasi... ano…" Paano ba niya sasabihin? Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. Nakatitig pa rin sa kanya ang binata, nagtataka. "Ang totoo ay hindi ko alam ang pangalan mo or what happened to you. I only saw you on the seashore lying and unconscious." Hieven didn't say anything. Napagmasdan ni Mekylla ang unti-unting pagkunot ng noo nito habang nakatitig pa rin sa kanya. Nagulat na lamang siya nang biglang hinawakan ng binata ang sariling ulo at namimilipit na ito sa sakit. “Mister? Hala! Okay ka lang ba? Saan ang masakit?” Hindi alam ni Mekylla kung bakit nahihimigan niya ang takot at pag-alala sa kanyang boses. Ano bang nangyayari sa kanya? Lumapit siya kay Hieven at pilit na inaalis ang kamay nito na nakasabunot sa buhok nito. Parang siya ang nasasaktan sa ginagawa nito sa sarili. Sa tanang buhay niya ay hindi pa niya naranasang sabunutan ang sarili. Umiling siya at hinawakan sa magkabilang balikat ang lalaki. “Ano bang ginagawa mo?” Ngumuso siya ng muling tumitig ito sa kanya. “I can't remember anything. f**k! What happened?” Humina ang boses nito sa huli. Bumaba ang mata nito sa suot na damit. “I'm wet. I have many wounds too.” Kakagising lang nito pero grabe na kung magmura. Hindi ba ito tinuro ng good manners? Turuan na lang kaya niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD