Chapter 3

1889 Words
NAPAKAMOT si Mekylla ng ulo. Nawiwirduhan na talaga siya sa lalaki kasi naman para itong baliw na kinakausap ang sarili. Lumapit siyang lalo rito para sana kapkapan ito ngunit mabilis na hinawakan nito ang kanyang kamay nang mahigpit kaya napangiwi siya. “Aray!” Kagat ang ibabang labi na tiningnan niya ang pulsuhan. “N-Nasasaktan ako,” natatakot na wika niya dito na hindi naman pinakinggan ng lalaki. Lalo pa nga nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. “What did you do to me? And what are you going to do?” galit na wika nito. Nanlaki ang mga mata ni Mekylla. Lalo siyang nakaramdam ng takot nang makita ang galit sa mga mata ni Hieven, matalim iyon na animo'y gusto siyang sakalin. Wala siyang alam sa pinagsasabi nito. Ngumuso siya at hindi niya maiwasang maluha dahil sa matinding takot sa binata. Dagdagan pa na nagsisimula nang humapdi ang kanyang pulsuhan. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito doon. “S-Sorry! Kinakapkapan lang kita kasi baka may mahanap akong gamit mo na maaaring makatulong sa 'yo na malaman kung sino ka. Huwag mo po akong sasaktan,” humihikbing wika niya at pilit na lumalayo. Hawak pa nito ang kamay niya kaya pilit niya iyong hinihila. Lumuwag ang pagkakahawak nito roon kaya mabilis niyang lumayo rito. Natatakot siyang baka saktan siya muli ng binata. Nakakatakot ang berdeng mata nito. Hindi niya kayang tingnan ang sobrang talim ng titig nito sa kanya. Nakaramdam nang pagsisisi si Hieven nang makita ang naluluhang mata ng babae. Para siyang nanghina. Ang mga kayumanggi nitong mata ay may takot na habang nakatingin sa kanya. Nang magising siya kanina ay ang mga mata nito ang unang nabungaran niya. Hindi niya maalis. Maamo ang mukha nito at may kainosentihan naman ang mga mata. Wala siyang planong alisin ang tingin dito kung hindi lamang ito nagsalita. Hindi niya maalala ang nangyari sa kanya kung bakit siya narito, basang-basa ang kasuotan. Even his name he can't remember it na siyang pinagtaka niya. Every time he tried to remember what happen to him, his head start hurting. Mariing ipinikit ni Hieven ang mga mata dahil sa inis. Nang imulat ay nagtagpo ang mga mata nila ng babae na siyang naging dahilan para kumalma siya. Hindi niya alam kung anong mayroon sa mga mata nito para mapakalma siya ng ganoon. Sino nga ba ito? “Who are you?” tanong niya. Ngunit imbis na sagutin siya ay lalo itong natakot sa kanya. Nagtakip ito nang magkabilang tainga at nagmamakaawang huwag itong saktan. Halos mapamura na si Hieven. Alam niyang kasalanan niya. “Huwag po! ‘Wag niyo po akong saktan! Hindi ko na po uulitin.” Natigilan si Hieven. Nakatitig lamang siya sa babae habang umiiyak ito at nagmamakaawa sa kanya. Unti-unting kumunot ang kanyang noo. Pilit siyang lumapit dito pero mas lalong sumiksik si Mekylla sa kinauupuan nito. Takot na takot sa kanya. Lalo na sa pwede niyang gawin kahit wala naman. Hindi alam ni Hieven kung ano ang gagawin. Takot na takot na sa kanya ang babae. Hindi niya sinasadya ang ginawang paghawak dito kanina. Hindi maiiwasan ni Hieven na titigan ito. Hindi niya alam pero ang hirap alisin ng kanyang paningin dito sa maamong mukha nito. Naiiba ang ganda ng babae. Pakiramdam niya ay ngayon pa lamang siya nakakakita ng ganito ka ganda. He didn't remember anything but he felt that it's the first time he's ever seen such a beautiful woman in his whole life. She's like an angel. Hieven sighed before avoiding his gaze. He felt his heart beat faster while looking at her. Her eyes were so bright and lively that he wanted to stared every second. Gusto niyang titigan ang mga magagandang mata nito. Ang mga kilay nito na animo'y kinorte sa ganda nang pagkahulma. She's cute with her mochi cheeks, and her nose is small and pointed. Her smile is so adorable that makes him inlove with her. Her red lips that he wants to kiss every time she's pouting. Her long and straight brown hair is very attractive. Hieven want to touch Mekylla hair dahil pakiramdam niya'y sobrang lambot niyon sa kamay niya. “I'm sorry!” Dahan-dahan siyang lumapit kay Mekylla, sobrang lapit na halos magdikit na ang kanilang katawan. Kahit kumikirot pa rin ang kanyang ulo ay sinawalang bahala niya muna iyon. He want to comfort her. “I won't hurt you, I promise.” Lumuluhang tumitig sa kanyang ang mga kayumangging mga mata nito. Basang-basa ang mukha ni Mekylla ng luha. Hieven wants to punch his face for mking her cry. “G-Gusto ko lang namang tumulong.” Yumuko ito at nilaro ang mga daliri. Bumuntong-hininga si Hieven. “Sorry, nabigla lang ako.” Yeah that's right. Sinong tao ang hindi mabibigla kapag bigla ka nilang kapkapan ng walang pasabi? Kahit ikaw ay maiinis din siguro. Lalo na't hindi gusto ni Hieven nang hinahawakan lamang siya ng kung sino-sino. Tumango si Mekylla at tumingin sa kanyang bulsa. Pinunasan muna nito ang mga luha bago siyang tingnan sa mga mata. She's so adorable, Hieven thought. Nakita ni Hieven ang bahagyang pagnguso nito. “C-Can you look your pocket? Baka kasi may makita kang makatulong sa 'yo, like wallet niyo po," mahinang sabi nito bago muling yumuko. Tumango na lamang si Hieven at kinapa ang kanyang mga bulsa. Nang kapain niya ang bandang likuran ay may nakapa siya roon. Kinuha niya ito at tiningnan. Wallet iyon na kulay itim. Nang tingnan niya si Mekylla ay nakatingin na ito sa kanya, hinihintay na buksan niya iyon. Hindi pa nga pala niya alam ang pangalan ng babaeng nagligtas sa kanya. “What is your name?” tanong niya habang dahan-dahang binubuksan ang kanyang wallet. “Ha?” Hindi niya maiwasang tingnan ito. Her voice was sweet and gentle when she said those word. Napansin niya ang pamumula ng pisngi nito nang makitang nakatitig siya rito. “Your name?” pag-uulit niya. Napalunok si Mekylla. Hindi niya maiwasang mamula dahil sa titig ng binata. Parang hinihigop nito ang kanyang kaluluwa sa klase ng titig nito. She bowed her head and lick her lips before answering his question. Hieven clenching his jaw when he saw what Mekylla did. Hindi niya maiwasang tingnan ang labi nito. Her lips are red, so tempting. Damn! Umiwas siya agad ng tingin at muling bumuntong-hininga. Her skin is like a snow, masyadong maputi. Mapapansin mo agad ang pamumula ng pisngi nito dahil sa kanyang kutis. Nakakatakot itong hawakan dahil mabilis itong mamula. Sinilip ni Hieven ang kamay nito, at nakita nga niya roon ang pamumula nito. Nakikita niya pati ang bakat ng kanyang kamay. “Mekylla Buenavella, you can call me Meka or Mekay. Iyon ang tawag sa 'kin dito.” Nahihiyang yumuko itong muli. Nang hindi sumagot ang binata ay tiningnan niya ito. Kunot na ang noo nito habang nakatitig sa isang maliit na card. Sinilip ni Mekylla iyon. Lucas Hieven Devereaux, 30. Iyon lang ang nakita ni Mekylla dahil muling itinago ng binata ang card sa wallet nito. Nang tingnan siya ni Hieven ay parang natigilan ito. Nagtataka sa kanyang ayos. Nakadukwang siya malapit rito, malalaman talagang nakikisilip siya sa tinitingnan nito. Umayos siya ng upo. Kunwaring umubo at ngumuso rito. Ang hilig niyang ngumuso. Ang sabi kasi ng mga tao sa bayan ay sinasabing ang cute niya kapag namanguso. Kaya araw-araw na niyang ginagawa iyon. “Ano...hindi ko nakita ah.” Ikinaway pa niya ang kanyang kamay sa harap nito, nataranta. Biglang kinuha ni Hieven ang kamay niya na siyang kinabigla niya. Nagkatitigan silang dalawa kasabay no'n ay ang pagpabilis ng t***k ng puso niya. What was happening? “Lucas Hieven Devereaux is the name.” After Hieven said his name ay kumirot ang kanyang ulo. Napahawak siya roon, nang hindi tumigil ang pagkirot ay sinabunutan na niya ang sarili. “Damn it!” “Hieven? Hoy, okay ka lang? Masakit ba ulit?” Naramdaman niya ang kamay ni Mekylla sa kanyang ulo, humihimas roon. Fuck! He tried to calm himself. Huminga siya nang malalim at mariing pumihit. Umiling siya at kinuha ang kamay nito sa kanyang ulo. Nanghihina siya. “I'm fine. Sumakit lang ang ulo ko.” Sumandal siya sa sinasandalan kanina ng Mekylla. “Nabagok ka ba? May hula na ako sa nangyari sa 'yo pero kasi... hindi ko sure,” mahinang saad ni Mekylla na sakto lamang para marinig nito. Tiningnan siya nito. Hindi alam ang sasabihin. Kahit si Hieven ay hindi alam kung ano ang nangyari para mawala ang kanyang alaala. Naiinis siya. Bakit ba siya humantong sa ganito? “I don't know. I don't remember anything,” sagot nito. “Ahmm...gusto mo bang sumama sa bahay? Gagamutin ko lang sana ang sugat mo.” Nagkamot ng ulo si Mekylla na naging dahilan para palihim na ngumiti si Hieven. Mekylla is so adorable. “Dadalhin nga sana kita ro'n kaso ano...ang bigat mo kasi.” Nakayukong nilaro nito ang mga daliri, kinakabahan siya. Hindi nagsalita si Hieven, hinihintay niyang tumingin sa kanya ang babae. Ayaw niyang sagutin ito hanggang nakayuko ang ulo. Hindi niya alam pero nakaramdam si Hieven ng inis. Inis sa dalaga dahil masyado itong mahilig yumuko. Nahihirapan itong tingnan siya. Her jaw was clenched. “Tsk!” Dahan-dahang tumingala si Mekylla ng marinig ang sagot na iyon ng binata. Ngumuso siya nang makitang nakatitig na naman ito sa kanya. Their eyes meet again and her heart beat again. “Ano?” Namula ang kanyang pisngi ng makita ang pagtaas nang gilid ng labi nito. “Can I ask for a favor?” Napag-isipan na ni Hieven ito. Napalabi si Mekylla at nakita iyon ng ni Hieven. Dumilim ang mukha kasabay nang pagtiim ng bagang nito. He's attracted with her lips. Hieven want to attack and kiss her lip aggressive but he stop his self. Baka mabigla ito at magalit sa gagawin niya baka hindi na niya masabi ang dapat na sasabihin rito. Bumuntong-hininga si Hieven at muling umiwas ng tingin. “Okay sige,” “Can I stay with you for a while?” Mabilis na napatingin si Mekylla rito ng marinig ang kanyang sinabi. “Just until I remembered. Siguro naman ay may maghahanap din sa 'kin,” dagdag pa nito. Mekylla think it first hanggang sa mapatingin siya sa mukha nito. Muli silang nagkatitigan, hindi niya inaasahan na nakatitig pa rin ito sa kanya. Nabigla pa siya roon ngunit hindi na niya pinahalata. Hindi ba nito inaalis ang tingin sa kanya? “Sige, I try my best too para makatulong din sa 'yo.” Tumayo ito mula sa pagkakaupo at tiningnan siya. “Lika na? Para magamot ko sugat mo at makahain nang makakain mo. I'm sure you're hungry now,” nakangiting wika niya na akala mo ay hindi umiyak kanina. Inalalayan ni Mekylla na makatayo ito. Talagang mabigat ito. Ngumuso siya bago lumayo ng bahagya rito. Bahagyang sumakit ang baywang ni Hieven, kaya napahawak siya doon. His forehead pucker, thinking of the reason why it was suddenly aching. Nang maglakad ang babae ay sumunod siya. Tumiim ang bagang niya nang makita ang hulma ng babaeng nasa kanyang harapan. She's slim and her body is so perfect. Damn it! Naramdaman niyang may nabuhay na hindi dapat. “f**k his ass!” Sinubukan niyang hindi tumingin sa ibabang bahagi nito. Binilisan niya ang paglalakad para sumabay sa paglalakad nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD