CHAPTER 5

2120 Words
Arnold Villanueva's Residence. "BOSS, nakita namin ang isang babae na nagtungo sa puntod ni Mrs. Villanueva." Ani ng isang tauhan ni Arnold na inutusan niyang magbantay sa puntod ng dati niyang asawa. Kahapon ang death anniversary nito. Napatayo siya. "Nakita niyo ba kung sino ang babae?" Tanong niya. Umiling ang tauhan niya. "Hindi, Boss, pero mukhan namang hindi siya ang anak niyo. Baka malayong kamag-anak ng asawa niyo Boss." Hinampas ni Arnold ang mesa. Sampung taon na ang nakaraan at loob ng sampung taon na 'yon. Hindi siya tumigil sa paghahanap kay Honey. Kailangan niya itong makita para makuha niya ang blue book. Alam niyang na kay Honey ang blue book. Hindi ito pwedeng makuha ng mga pulis o ng S.S.I.A. Dahil kapag nangyari 'yon, siguradong hindi sila titigilan ng mga ito hanggang't hindi napapabagsak ang Black Dragon Sydicate na kung saan ay siya ang leader. Dati na ito noong bumagsak dahil pinabagsak ng S.S.I.A at pinaghirapan niya na muli itong itayo. Hindi niya hahayaan na mawala ang pinaghirapan niya. Lihim lang ang Black Dragon Syndicate at walang nakakaalam na muli itong tumayo dahil sa kaniya. "Bogart, hanapin niyo ang babaeng 'yon. Malakas ang kutob kong siya si Honey." "Pero Boss hindi namin alam kung saan namin hahanapin." Anang tauhan niya. "Mga walang kwenta!" Galit niyang saad. "Hanapin niyo ang babaeng 'yon kahit saang sulok ng Pilipinas. At huwag kang magpapakita sa akin hangga't hindi mo siya nahahanap!" "Yes, Boss." Napailing si Arnold at umupo sa swivel chair. Umalis ang tauhan niya. Bumukas naman ang pinto ng opisina niya at pumasok doon ang pinagkakatiwalaan niyang tauhan. "Boss." "Have a seat." "Thank you, Boss." "Kumusta ang shipment mamayang gabi?" Tanong niya. "Maayos, Boss. Walang nakakaalam na ang laman ng mga tea packs ay mga droga." Anang tauhan niya. Tumawa si Arnold. "Good. Siguraduhin niyo lang na hindi ito malalaman ng mga pulis, NBI lalo na ang S.S.I.A. Kilala mo naman ang organisasyon na 'yon, wala silang pinapalagpas." "Magtiwala kayo sa amin, Boss. Hindi nila malalaman na may malaking transaksiyon na magaganap mamayang gabi." Puno ng kumpinyansang saad ng tauhan. "Good." Tumango ang tauhan. "At isa pa, Boss, sampung taon na tayong tahimik lang na gumagalaw. At hindi naman ito nalaman ng mga alagad ng batas." "Manny, huwag kang pasisiguro. Nagkalat ang tauhan ng S.S.I.A. Mag-iingat ka dahil baka mamaya kausap mo na pala ang isang secret agent ng S.S.I.A." "Huwag kang mag-alala, Boss. Alam ko ang mga ginagawa ko." "Siguraduhin mo lang dahil kung hindi baka ako pa ang makapatay sa 'yo." Banta niya sa tauhan niya. "Boss, kailan ko ba kayo binigo?" Natawa si Arnold. "Ikaw na ang bahala mamayang gabi sa magaganap na transaksiyon. Hindi ako pupunta. May tiwala ako sa 'yo." "Maraming salamat sa tiwala, Boss." Tumango si Arnold. "Mauuna na ako, Boss. May kailangan pa akong gawin sa hide out natin." Tumango si Arnold. Nang makalabas ang tauhan. Napabuntong-hininga si Arnold. Sana nga walang aberya na mangyayari mamayang gabi. Malaking halaga ng pera ang mawawala kung sakali man na magka-aberya. PAGKAHATID ni Tyrone kay Edzel. Kaagad siyang natungo sa S.S.I.A Headquarters. Pagdating niya doon. Ipinarada niya ang kotse sa parking lot at pumasok sa elevator. Pagdating niya sa sarili niyang opisina. Kaagad siyang pinatawag ng Director para sa isang emergecy meeting. Pumunta kaagad siya sa conference room. Pagpasok niya doon ay nakita niyang naroon na ang ibang agents. Si Agent Lex, he's good in computers. Daniel Veras, known as Agent Dan, a field agent like him. Dylan Veras's son, his father's friend. Aiden Smith, known as Agent Aid, is also a field agent. Alexander Smith's son na kaibigan rin ng ama niya. And Asher Vallega known as Agent Ash, Aldrin Vallega's son, isa rin sa mga kaibigan ng ama na nagmamay-ari ng mga hotel at restaurant pero mas pinili nitong pumasok bilang isang field agent. Palagi niyang kasama ang mga ito sa mga field mission pero minsan ay may magkakahiwalay rin sila. Depende sa ibibigay sa kanila ni Director David sa kanilang misyon pero kung malalaking kaso ay talagang magkakasama sila. "Agent Ty." Bati sa kaniya ng Director. He nodded in response. Umupo siya sa bakanteng upuan. "Okay. Let's start the meeting. And this is confidential." Seryosong saad ng Director. "I recieved an information from my source. Tonight at Sanchez Port, may darating na shipment." "Shipment?" Tanong ni Agent Lex. "Yes. A big shipment of drugs." Ani ng Director. Nahampas ni Tyrone ang mesa. "Drugs? Wala na ba silang kasawa-sawa sa mga 'yan?" "Sorry to answer you, Agent Ty, but yes, wala nga silang kasawa-sawa. Hangga't may mga taong halang ang bituka at nasisilaw sa salapi. Hindi talaga mawawala ang drugs na 'yan. And this is one of the big problem of our country. Huwag ka ng magtaka." Ani Agent Dan. Napasandal si Tyrone sa kinauupuan. "Anong sindikato na naman ang may-ari ng shipment na darating?" Tanong niya. "Iyon ang hindi ko pa alam. Ngunit ayon sa source ko isang malaking sindikato na naman ito at marami itong mga koneksiyon sa loob at labas ng bansa." Sagot ni Director David. "Mukhang isang confidential mission na naman 'to." Sabi ni Agent Aid. "This is really a confidential mission at wala kayong pagsasabihan kahit kanino. Tayong anim lang ang nakakaalam sa misyon na 'to." Seryosong sabi ni Director David at tumingin kay Tyrone. "Agent Ty, I want you to have surveillance to Sanchez port with Agent Ash. Agent Lex will be your eyes." Tumango si Tyrone at Agent Ash. "Yes, Director." "We'll be at your back." Sabi ni Agent Aid. "Lagi naman, eh." Dugtog ni Agent Dan. Napailing si Director David at tumingin kay Agent Dan at Agent Aid. "Darating ang mga tatay ninyo sa makalawa galing ibang bansa." "Tapos na sila sa misyon nila, Director?" Tanong ni Agent Dan. Tumango si Director David. "Yes." "That's good then." Sabi ni Agent Aid. "My mom was sad without Dad." "Mabuti na lang at hindi na agent si Mommy." Biglang sabi ni Tyrone. "Alam niyo kayo..." Sabi ni Agent Lex habang nakaharap sa laptop nito. "Kung umalis na sana kayo kanina pa baka nakarating na kayo sa Sanchez Port." "Ang sungit." Sabi ni Agent Ash. "Let's go." Aya nito sa kanila. "Permission to leave, Director..." Ani nilang apat. "Carry on." Lumabas silang apat at naiwan si Agent Lex at Director David sa conference room. NAPABUNTONG-HININGA si Director David nang makalabas si Agent Ty, Agent Ash, Agent Aid, at Agent Dan. Tumingin siya kay Agent Lex. "How was it?" Umiling si Agent Lex. "Tama ang source mo, Director. This is indeed a big syndicate." Napabiga ng hangin si Director David. "Mukhang mahaba-haba na naman ang misyon na 'to kung ganun." "Anong ibig niyong sabihin, Director?" Tanong ni Agent Lex. "Hindi ko alam pero sa tingin ko...hindi basta-basta ang sindikato na babanggain natin. Ayon sa source ko marami itong koneksiyon sa loob at labas ng bansa. Ibig sabihin, isa itong malaking sindikato pero ano ang pangalan ng sindikato?" Sumandal si Director David sa kinauupuan.  "Mukhang ngayon pa lang kailangan ko ng kumontak sa iba pang ahensiya para tumulong sa atin." Natawa si Agent Lex. "Sa tingin niyo ba, Director, papayag si Agent Ty? Kilala niyo ang anak ni Agent Light---I mean ni Tita Eden, kapag hinawakan na niya ang isang misyon, hindi siya titigil hangga't hindi niya nalulutas at ayaw niyang may nakikialam sa misyon na hawak niya." Napailing si Director David. "Namana ni Tyrone ang personalidad ni Eden kaya hindi na ako magtataka kung sasabihin niyang siya na ang hahawak kung sakali man na ipapahawak ito sa atin ng gobyerno." "Director, isang malaking sindikato 'to, talagang tayo na naman ang hahawak." Ani Agent Lex. Nahilot ni Director David ang sentido at kinuha ang cellphone na nakalapag sa mesa at tinawagan ang source niya. "Director?" "Gather more information about that syndicate and find out the name." "Yes, Director." Director David ended the call and sighed afterwards. PAGDATING nila Tyrone sa Sanchez port. Bumaba silang apat ng kani-kanilang mga big bike. Isinuot nila ang kanilang mga earpiece. "Coms in..." "Coms in..." "Coms in..." "Coms in..." "Okay." Narinig nilang sabi ni Agent Lex sa suot nilang earpiece. Magkasama si Agent Aid at Agent Dan na nagtungo sa kanang bahagi ng Sanchez Port. Si Agent Tyrone naman at Agent Ash sa kabilang bahagi. Tinignan ni Tyrone ang oras sa suot na relo. It's just 10 in the morning. "May darating na reinforcement diyan mamayang gabi na tutulong sa inyo kung sakali man na magkaka-aberya." Ani Agent Lex. "Okay." Ani Tyone habang patingin-tingin sa paligid ng port. Pero sa isip-isip niya mukhang magkaka-aberya nga mamayang gabi dito sa Sanchez Port. Tinignan niya ang mga container na nasa loob ng Port. "Bakit parang may kakaiba dito?" Hindi mapigilang tanong ni Tyrone. "Bakit walang katao-tao dito sa Port? Nasaan ang mga trabahador sa port na 'to?" Inilibot naman ni Agent Ash ang tingin sa buong paligid. "Hindi ko napansin kanina." "Did you know what is the history of Sanchez Port?" Tanong sa kanila ni Agent Lex. Naririnig pa ni Tyrone ang pagtipa nito sa keyboard ng laptop nito. "No." Magkakasabay nilang sagot na apat. "Sanchez Port was owned by the member of Black Dragon Syndicate. Ang sindikato na pinagbagsak ni Tita Eden. Pero hindi kalaunan may bumili sa Sanchez Port." Ani Agent Lex. Kumunot ang nuo ni Tyrone. "Who bought it?" "Give me a sec." Sabi ni Agent Lex. "Oh. Arnold Villanueva." Napataas lang ng kilay si Tyrone. "I don't know who is he. Never heard of him before." "Duh. He's one of your father's business competitor." Natawa ang ibang nakikinig sa kanila. "Agent Ty, huwag ka ng sumagot. Baka mamaya magbanyagan na naman kayong dalawa." Sabi ni Agent Dan. "Dan's suggestions is good. No more talking, please. Kanina pa ako naiingayan sa inyo." Sabi ni Agent Aid. Napailing na lang sila. Nang biglang makita ni Tyrone ang ilang armadong kalalakihan sa gilid ng port. Mabilis niyang hinila si Agent Ash at nagtago silang dalawa. Sabay nilang sinilip ang mga armadong kalalakihan. "Mukhang malaking sindikato ito." Sabi ni Agent Ash. Tumango naman si Tyrone bilang pagsang-ayon. "Mukha nga." "Pero hindi natin alam ang pangalan ng sindikatong 'to." Ani Agent Ash. Umakyat si Tyrone sa isang container at dumapa. Ganun din ang ginawa ni Agent Ash. Tinignan nila ang mga armadong kalalakihan. Hindi naman malayo ang mga ito sa kanila kaya naririnig nila ang usapan ng mga ito. "Anong oras darating ang shipment?" "Mamayang alas syete ng gabi. Kailangan nating maghanda. Hindi tayo pwedeng pumalpak. Siguradong lagot tayo kay Boss." "Maraming taon na natin 'tong ginagawa at wala pa namang palpak." "Kung mamayang alas syete ng gabi darating ang shipment. Bakit tayo nandito?" "Kailangan nating magbantay. Mahirap na baka may mga pulis sa paligid." Hinawakan ni Tyrone ang suot na earpiece. "Aid. Dan. Bumalik na kayo sa kinaparadahan ng mga big bike. Kailangan na muna nating bumalik sa Headquarters." Sinenyasan ni Tyrone si Ash na umalis na sila. Tumango naman ito. "Okay." Sagot ni Agent Aid at Agent Dan. Dahan-dahan silang bumaba sa container at lumabas ng port. Pagdating nila sa kinaparadahan ng kanilang mga big bike nandoon na si Agent Dan at Agent Aid. "Confirm. May darating nga na shipment mamayang gabi dito sa Sanchez Port." Ani Tyrone at isinuot ang helmet. "We need to plan." Sabi ni Agent Lex. Kaagad silang sumakay sa kani-kanilang big bike at umalis sa lugar na 'yon at bumalik sila sa S.S.I.A Headquarters. HEADQUARTERS "Makikipag-coordinate tayo sa NBI at sa mga pulis. Hindi tayo pwedeng kumilos ng tayo-tayo lang." Ani ng kanilang Director. Sumang-ayon naman ang mga agents. "Wow, ah. Noon kami lang ni Agent Light ang kumikilos pero ngayon may kasama ng mga NBI." Sabi ni Agent Eagle, ama ni Agent Aid. "Ginusto niyo 'yon." Sagot ng Director. Napailing si Agent Eagle. "Kaya lang muntikan na akong mapatay ng ama ni Tyrone ng malaman niya." Nagtawanan ang mga ibang agents. Habang si Tyrone, napangiti na lang at napailing. "Dad loves my mom so much. And that was nearly three decades. Uncle, hindi ka pa rin nakapag-move on. Tanggap naman ni Daddy hindi ba?" Agent Eagle tsked. "Si Dylan ang kausapin mo." "Okay. Okay. That's enough. Kailangan nating pagtuunan ngayon ng pansin ang grupo na 'to. Isa na naman itong malaking sindikato at hindi ko alam kung gaano katagal bago natin 'to mapabagsak." Ani Director David. "Kumakalap na ng ebidensiya ang ibang agents tungkol sa syndicate na tinutukoy mo, Director. Hindi ko lang alam kung gaano katagal bago natin malaman ang pangalan ng sindikato." Ani Agent Knife. "Pero mukhang may kutob ako." Ani Director David. Lahat sila tumutok ang atensiyon sa Direktor. "So let's get ready and be vigilant. Dahil kung tama ang kutob ko. Mahihirapan tayo na pabagsakin ang sindikato na 'to."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD