NAGMULAT ng mata si Honey. Napasinghap siya nang bumungad sa kaniya ang madugong sahig at pader ng kwarto. Bumalikwas siya ng bangon. Nagtataka siya kung ano ba ang nangyari. "Mommy?" Tawag niya sa ina ng hindi niya ito makita sa buong kwarto. Bumaba ng kama si Honey. Isinuot niya ang tsinelas. Nanginginig siya dahil sa mga dugong nakikita niya na nagkalat sa sahig. "Mommy?" Lumabas siya ng kwarto. Nagulat siya nang makita ang katawan ng mga katulong nila na nakahandusay sa sahig at wala na ang mga itong buhay. Hindi alam ni Honey kung ano ang gagawin niya dahil sa kaniyang mga nakikita. Nagsimulang tumulo ang kaniyang luha. "Mommy!" Patakbo siyang bumaba ng hagdan. Nang makarating siya sa dala, nakita niya doon ang iba pang katawan ng katulong nila. Napatingin si Honey sa pintuan