"HONEY! Edzel!" Tawag ni Tyrone sa pangalan ng dalawa. Hindi niya alam kung saan ang mga ito nagpunta. Halos nalibot na niya ang buong mansyon at compound pero hindi niya makita ang dalawa. Saan naman kaya lupalop ng mundo napadpad ang dalawang 'yon? Napabuntong-hininga si Tyrone at nahilot ang sentido. It's been two weeks since Edzel came here in the island. Honey and Edzel hang out everyday. Hindi alam ni Tyrone kung maiinis ba siya o magagalit. Kasi parang nakalimutan na siya ng anak niya at palaging si Honey ang kalaro nito. Napailing siya. Did they go out? I better check the cctv. "Boss." Napatigil sa paglalakad si Tyrone at napatingin kay Frank. "Good timing, Frank. Hinahanap ko si Honey at Edzel, nakita mo ba sila?" Tanong niya. "Ahmm, they went out, Boss." "What? And they di