NAGISING si Honey na hindi alam kung nasaan siya. Tumingin siya sa buong paligid. Nakasandal siya sa isang malaking puno na nasa gilid ng kalsada. Kaya lang hindi niya alam kung nasaan siya. Napabuntong-hininga siya at dahan-dahang tumayo. Napahawak siya sa kaniyang braso nang maramdamang kumirot ito. "Ouch." Napabuga siya ng hangin at tumingin sa magkabilang direksiyon ng kalsada. Kailangan na niyang umalis sa lugar na 'to bago pa siya mahanapan ng tauhan ng kaniyang ama. Alam niyang hinahanap siya ng mga ito. Kahit nanghihina at masakit ang katawan niya, pinilit niyang maglakad. Tinakpan ni Honey ang mukha gamit ang sumbrero niya. Sa hindi kalayuan, may nakita siyang kantina kaya naglakad siya patungo roon. Nang makarating siya sa kantina, umupo siya sa upuan na naroon at naghintay