CHAPTER 40 PAGLIPAS NG PANAHON AY NAGING MABUTING magkaibigan si Gelli at Dian kung saan madalas na silang magkasama. Isa sa natutuwa ay ang bestfriend ni Gelli na si Danie dahil magmula nang naging brokenhearted ang kanyang kakambal ay lagi niya ito sinasama sa mga lakad nila. Gayon din si Tammy, pinipilit din ito ni Gelli na sumama para naman ito maaliw. Tulad din kasi ito ni Dian na matindi ang karanasan pagdating sa pag-ibig. Matandaan na naging brokenhearted din ang binata noong nakaraang taon habang no boyfriend since birth naman si Danie. Actually, parehong pareho sila ng bestfriend nitong si Gellii at pareho din nilang ayaw ang mga naging girlfriend ng kanilang kakambal. “Saan ba ang punta natin ngayon? Bigla ka kasi nag-aya e,” tanong ni Gelli sa bestfriend nito. “Umm– basta!