CHAPTER THIRTY NINE NAPAKABILIS NG PANGYAYARI NA LABIS IKINABAHALA ng lahat lalo na ang ina ng kambal. Wala pa naman ang mag-amang Raffy at Ethan dahil sa umalis ang mga ito para sa business trip. Maliban kasi sa trabaho ni Ethan sa isang hospital ay nagkaroon na rin ito ng iba’t-ibang negosyo which is naging partner nito ang kanyang panganay. Samantala pumunta naman si Inigo sa bahay ng nobya. Nag-alala din ito ngunit hindi din maialis sa kanya ang mangamba sa gagawin ni Gwen. He knows his bestfriend well and knowing her, wala talaga iyong inuurungan kahit pa si kamatayan man iyan. Si Gwen na yata ang isa sa babaeng nakilala niyang walang inaatrasan. Dahil sa aspetong yun ay talagang magkaiba ang dalawang kambal. Sa personalidad ng kambal ay talagang alam mo talagang attracted sila sa