CHAPTER FIVE

3563 Words
CHAPTER 5 THREE MONTHS AGO, nang makauwi ang mag-asawa galing sa kanilang honeymoon. Hindi nila inaasahan na meron sorpresa na naghihintay sa kanila. Isang sorpresa para sa kanilang baby. Janelle and some of Nathan’s friends agreed to thrown a surprise baby shower for the couple. Walang masabi ang mag-asawa nang makarating sila sa kanilang bahay at tumambad sa kanila ang napakagandang set-up ng Baby Shower gayon din ang gender reveal ng kambal. Alam ng mag-asawa na dalawa ang magiging anak nila pero hindi nila alam kung anong mga gender nito dahil nakiusap si Janelle na siya lang ang dapat makakaalam dahil gusto niyang mag-organize ng pa-gender reveal. Ang hindi alam ng mag-asawa ay ngayong araw na pala yun. Tinaon sa pagbalik nila ng Pilipinas. “Wow! Ano ito? Anong ibig sabihin ng mga ito?” bakas sa mukha ng mag-asawa ang pagkagulat at pagkamangha. Napangiti na lang ang mga kaibigan nito at lumapit sa kanila at yumakap sa kanila, “Welcome back! Halina nga kayo,” saad ni Janelle at saglit silang nagpahinga. “Magpahinga muna kayo dahil alam namin na pagod kayo.” Lumapit ang kapatid ni Jazz. “Ate, Gusto mo kunan kita ng pagkain? Ikaw rin Kuya?” tanong nito sa dalawa. “No, Thanks. Kukuha lang kami mamaya.” “Okay… Kayong bahala,” saad nito at tuluyan ng umalis. Makalipas ang ilang sandali after nilang makakain ay sinimulan na ang gender reveal. Pinatayo ang mag-asawa sa tabi ng malaking kahon. Bago tuluyang i-reveal ang mga gender ng mga bata ay naghuhulaan muna ang lahat. Maraming nagsabi na babae at meron naman nagsabi na lalaki. Tanging si Janelle at ang mag-asawa ang nakakaalam na kambal ang magiging anak nila. Puno ng excitement at hindi na halos makapaghintay ang lahat. Isang hudyat ang narinig ni Jazz at Nathan na dahan dahan nilang buksan ang malaking kahon. Pagbukas nila ay lahat nagulat at saglit na na tahimik na ang lumabas ay parehong kulay pink at blue. Bakas ang kalituhan sa mga mukha nito. Habang tuwang tuwa na yumakap si Jazz kay Nathan ng malaman ang gender ng kanilang anak.”Mahal, It's a boy and a girl!” pabulong sigaw ni Jazz habang halos hindi makapaniwala at hindi makapagsalita si Nathan. Hindi niya inaasahang magkaroon agad siya ng anak na babae at lalaki. Samantala nakangiti na sumigaw si Janelle. “It's a twin! A boy and a girl,” sambit niya at niyakap ang mag-asawa. Tulad ng reaction ni Nathan, ilang sandali pa ang lumipas bago nag-sink in sa mga utak ng mga bisita ang revelation na kambal pala ang magiging baby ng mag-asawa. Isang masaya at memorable baby shower at gender reveal ang naganap sa araw na yun. Nadagdagan na naman ang mga gamit ng mga bata dahil sa napakaraming regalo. Ang iba ay nagsabi pa na bibili ulit ng regalo para sa isang baby dahil nga walang ideya na kambal pala ang nasa sinapupunan ni Jazz. Mabilis dumaan ang mga araw at buwan ay kabuwanan na rin ni Jazz. Malapit na rin ito manganak. Naiwan si Jazz sa Bahay ng mga oras na yun. Napatingin si Jazz sa kanyang relo. It's already ten o'clock in the evening at wala pa rin si Nathan. Dalawang oras na ng huli itong tumawag at nag-text sa kanya. Hindi na mapigilan na mag-alala. Matutulog na sana siya ng biglang humilab ang kanyang tiyan at nawala rin pagkatapos ng ilang minuto. Bigla na naman sumakit ulit."Arraaayyy... ko!” Arrraaaayyyy.... Ang sakiiitttt ... Ahhhhhhhhh...” humupa ito saglit nang biglang sumakit na naman. "Nathannnieeellll..... Rossseee.... Sammmm!" namimilipit na sigaw ni Jasmine. “Manganganak na yata ako!" napasigaw niyang sambit. Wala pa rin nakakarinig sa sigaw niya hanggang sa kinuha nito ang cellphone at tinawagan ang dalawang kasambahay na tanging kasama nito sa Bahay. "Rose! Ang sakit ng tiyan ko!” Impit sigaw niya habang hawak-hawak ang tiyan nito. Mabilis na sumugod ang dalawang kasambahay niya at pumasok ito sa kwarto pagkatapos makausap ni Jazz. "Ma'am Jazz! Manganganak na kayo?" gulat at natataranta na sambit at tanong ng dalawa at dali-daling inalalayan si Jasmine. "Rose, pakitawagan ang Sir mo, " utos niya rito at agad na nag-dial si Rose sa numero ni Nathan. "Ma'am hindi po makontak si Sir," aniyang bakas sa mukha ang pagkataranta. "Ano? Hindi makontak? Si Janelle na lang ang tawagan mo,” aniya habang panay himas sa kanyang likod. “Pakihanda ang mga gamit, Sam,” utos niya rito at agad din itong tumalima. Nag-dial ulit si Rose at tinawagan ang kaibigan ni Jazz na si Janelle. "Hinga po ng malalim Ma'am." wika ni Sam kay Jazz habang nahihirapan na ito dahil sa nararamdaman sakit ng tiyan. "Hello Ma'am Janelle, si Ma'm Jazz po manganganak na yata. Wala po si Sir dito sa Bahay. ngayon at hindi ito makontak,." pagbibigay-alam ni Rose sa kausap na pilit kinakalma ang sarili. "Ano? Tama ba ang narinig ko? Ang bestfriend ko manganganak na!" gulat na sambit at tanong niya sa kausap. "Opo Ma'am, kaya pwede pumunta na po kayo dito.” saad niya rito. "Sige papunta na ako diyan! Huwag ninyong pabayaan si Jazz, " utos niya, “Opo, Ma’am, Basta bilisan niyo lang po.” “Sige.. Sige,” aniyang binaba na ang telepono. Pagkatapos nilang mag-usap ay agad nagbihis at umalis si Janelle. Hindi naman kalayuan ang Bahay ni Janelle sa Bahay ni Jazz. "Oh! Anak, Dahan-dahan lang.. Saan ka ba pupunta? Mukhang nagmamadali yata ang anak ko ah," tanong ng ina ni Janelle nang mapansin ang Anak na nagmamadali itong bumaba. "Ma, nagmamadali nga ako at manganganak na si Jazz at wala ang asawa at baka may mangyari pa doon kaya alis na muna ako," paalam nito sa ina sabay halik at tumalikod patungong pintuan at tuluyang umalis. "Sige mag-ingat ka Anak," pahabol na wika ni Daisy habang sinusundan ang papalayong si Janelle Hindi mapakali si Janelle habang nagmamaneho at tinawagan si Nathan ngunit hindi pa rin ito makontak. Nakarating agad si Janelle at dali-daling pumasok at inalalayan si Jazz na namimilipit na sa sakit at tuluyan na silang umalis ng Bahay. "Saan ba ang asawa mo, Bessy?” tanong ni Janelle sa kaibigan."Kung kailan ka niya kailangan wala naman" galit na tanong ni Janelle sa kaibigan at halos hindi na makapagsalita si Jasmine sa kanyang kalagayan."Hold on Bessy! Malapit na tayo." Samantala nalowbat ang cellphone ni Nathan kaya hindi ito makontak ay hindi rin niya ito napansin. Napasarap kasi ang kanilang kwentuhan. "So paano kumain muna tayo, treat ko!” pagprepresinta ni Nathan sa dalawa na sinang-ayunan din naman ng mga ito at sabay-sabay nang umalis ang mga ito papuntang Restaurant. Bigla kasing nagutom si Nathan kaya ito nag-aya munang kumain. “How’s Jazz, Pare? Di ba kabuwanan na niya ngayon?” Biglang tanong ni Daniel sa kaibigan habang tahimik lang na nakikinig si Margaux pero nakatitig kay Nathan. “She’s good, Yes, Kabuwanan niya nga at kaya after tayong kumain dito ay uuwi agad ako, Nandoon naman dalawang housemaids na titingin sa kanya,’ pahayag nito. “Naku! Sorry, Pare. Inaya kita at ginabi ka na. Inconsiderate ko talaga at ngayon ko lang naisip na kailangan ka ng asawa mo,’hinging paumanhin ni Daniel sa kanya. “Ayos lang yun, Ano ka ba? Tatawag naman yun kapag meron emergency e,’ sambit niya, . Pagkarating nila ng Ospital ay agad silang sinalubong ng mga Nurses at agad itong inasikaso si Jazz. Tinawagan na rin ni Janelle ang Doctor nito. “Relax ka lang po, Maam Janelle. Huwag ka masyadong mag-alala at napakatapang po ni Maam Jazz, Kayang kaya niya yun, Tiwala lang!” saad ni Rose kay Janelle na hindi mapakali. Tatayo man ito, uupo na naman. “Paano ako mag-relax, Until now hindi pa rin makontak si Nathan. Saan ba siya nagpunta?” hindi mapalagay niyang tanong. “Hindi rin namin alam, Ma’am dahil kanina pa ito hindi nakakauwi mula kanina. Nagbilin lang siya sa amin na hindi na bantayan lang si Ma’am Jazz,” agarang sagot ni Sam dito. “Oh, Teka! Wala bang sinabi kung sino kasama?” muli niyang tanong. “Parang— Si Sir Daniel yata, Iyong kaibigan niya.” “Oh, KIlala ko yun. Meron ba kayong number sa kanya?” Tanong niya. Umiling ang dalawa. “So, Paano natin ito makontak?” “Wala tayong magagawa, Maam kundi maghintay. Panigurado tatawag yun kapag nalaman na wala kami sa Bahay at baka hindi pa ito nakakauwi hanggang ngayon,” saad ni Rose sa kanya, “Kung ganun, wala na tayong magagawa kundi ang maghintay,” napaupo niyang sambit habang nakatingin sa kanyang cellphone. Sa ibang banda naging masarap ang usapan at kwentuhan ng tatlo nang biglang naisip ni Nathan ang kanyang asawa kaya tuluyan na itong nagpaalam na itong umuwi. "So, Paano mauna na muna ako sa inyo, Naghihintay na si Misis alam niyo naman na buntis yun," paalam nito na kinatango ng dalawa. “Sige, Pare. Mag-ingat ka! Pasensya na kung ginabi ka tuloy,” sambit ni Daniel. Tumayo ito at nakipag-kamay sa kaibigan. “Thank you, Nathan. Sinamahan mo si pinsan,” singit saad ni Margaux at siya na mismo ang humalik kay Nathan. “I’ll go ahead,” ngumiti siya at kumaway sa mga ito at tuluyan ng umalis. Pagpasok niya sa kotse ay doon niya lang nalaman na low battery pala ang kanyang cellphone nito. Pagkarating niya sa Bahay nay nagtataka siyang napaka tahimik at wala yatang tao. Biglang kumabog ang kanyang dibdib at pakiramdam niya ay meron nangyari dito. Hindi lang niya ang matantiya dahil hindi pa ito pumapanhik sa kanilang kwarto. Laking gulat niya ng hindi matagpuan ang asawa at biglang naisip na kabuwanan na pala nito at baka dinala na ito sa Ospital. Kinuha niya ang kanyang cellphone then tinawagan si Janelle sapagkat may kutob siyang ito ang tatawagan ng asawa kapag wala siya. Agad siyang nag-dial at sinagot din naman yun ni Janelle.. "Hello, Janelle. Kasama mo ba ang asawa ko ? Saan kayo?" sunod sunod niyang tanong dito. Halata sa boses ang pagkataranta nito. "Naku! Nathan. Mabuti naman at naisip mo pa ang asawa mo," saad niya rito.. "Manganganak na siya at wala ka man lang sa tabi nito. Hindi ka pa makontak, " sermon ni Janelle kay Nathan. "Ano? Tama ba ang narinig ko? Manganganak na ang asawa ko?" muli niyang tanong. "Hindi mo ba ako narinig? Pumunta ka na rito at kailangan ka ng asawa mo! "I nis na turan ni Janelle at pinatay na ang cellphone at tinungo ang kinaroroonan ng kaibigan. Makalipas ang halos isang oras ay tuluyang nakapanganak si Jazz. Dalawang malusog na baby ang iniluwal nito. Medyo nahihirapan man si Jazz pero naging maayos din ang lahat Nailipat na rin ito sa Private room. Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na rin si Nathan sa Ospital. Nasalubong niya si Sam na kalalabas lang ng kwarto. "Mabuti nakarating na kayo, Sir,” tila nagulat na sambit ni Sam. "Si Ma'am Jazz po ay nakapanganak na. Nasa Private Room na po siya," pagbibigay-alam ni Sam sa kanya. “Saang Room yun, Sam?” tanong niya sa kay Sam. “Nasa Room 317 po,” sagot niya.”Aalis na po ako.” "Teka, Sam. Saan ka pupunta?”muling tanong ni Nathan sa kanya.. "Uuwi muna Sir, Kukuha lang ng konting gamit. Nataranta kasi kami kanina kaya iyong gamit lang ng mga Baby ang nadala namin. Hindi tuloy kami nakapagdala.ng gamit ni Ma’am Jazz, " sagot niya rito.”Aalis na ako, Sir,” “Oh, Sige. Mag-ingat ka. Dalhan mo na lang din ako ng ilang damit,” aniya at tuluyan na nga itong umalis. “Sige po, Sir.” Hinanap agad ni Nathan ang kwarto na kung saan nandoon ang asawa. Agad itong kumatok sa pinto. Pinagbuksan ni Rose at dali-daling nilapitan ang natutulog na asawa at dinampian ito ng halik sa noo at sa labi. “Finally you're here, Saan ka ba galing?” nakataas kilay na tanong ni Janelle sa bagong dating na si Nathan. “Umm— inaya kasi ako ni Daniel na samahan siyang manood ng Fashion show ng kanyang pinsan. Wala kasi itong kasama pero alam naman yun ni Jazz kung saan kami pupunta.” “Does it mean, Nakilala mo rin ang pinsan niya?” curious na tanong ni Janelle sa kanya. “Oo. pinakilala sa akin ni Daniel.” “Maganda ba? Sexy?’ sunod sunod niyang tanong. Kunot ang noo ni Nathan na nakatitig kay Janelle. “Wait! What are you implying?” takang tanong nito. “Nothing… Naitanong ko lang, Ano ka ba?” natatawa niyang saad habang nakatingin sa kanyang relo. “I'll go ahead, Nathan. Lumalalim na ang gabi e.” “Are you sure? UUwi ka pa ba ng ganitong oras? Dito ka na lang kaya magpalipas ng gabi,” saad niya kay Janelle. “Huwag na lang, Meron pa kasi ako ng pasok sa work bukas,” “Okay, Ayaw mo na yatang magpapigil e, Mag-ingat ka,” aniya. Napalingon ang dalawa ng marinig ang ungol ni Jazz. Agad silang lumapit dito.”Jazz, Mahal. Kumusta ang pakiramdam mo?” nag-aalala na tanong ni Nathan sa asawa na kagigising lang nito.”Do you need anything?” “I'm fine. Nauuhaw lang ako,” sambit ni Jazz habang kumukuha si Nathan ng maiinom at inabot niya rito. “Thank you,” samibit nito. “You’re welcome.” “Bessy, Aalis na ako,” paalam ni Janelle sa kaibigan. “Oh. Uuwi ka na ba?” tanong ni Jazz sa kanya na ikinatango ng kaibigan nito.”Sige mag-ingat ka,” aniya. “Oo, Bessy. Meron pa kasi akong work bukas. Babalik na lang ako bukas,” saad niya at hinagkan ang kaibigan.”i'll go ahead.” “Sige, mag-ingat ka,” saad naman ni Nathan. Mahal, pasensya na kung wala ako kanina. Hindi ko kasi mapansin agad ang oras at nalowbat pa ang aking cellphone," hinging paumanhin nito sa asawa at hinagkan ang labi. "Ayos lang iyon Mahal, Ang importante nandito ka na," aniyang ngumiti ito sabay haplos ng pisngi ng asawa. “Kaya lang, wala ako doon habang in labour at habang nanganganak ka,” malungkot niyang turan. “Naku! Wag mo ng isipin yun. Nandito ka na naman e,” aniyang kusang niyakap ang asawa. “I love you so much, Mahal.” “I love you, too.” Makaraan ang kalahating oras ay meron silang narinig na katok sa pinto. Bumangon saglit si Sam at pinagbuksan ito. Bumungad sa kanya ang dalawang nurse na merong karga na dalawang baby. “Pasok kayo,” sambit niya. Nakangiting pumasok ang dalawa at lumapit sa kinaroroonan ng mag-asawa. Mababakas ang tuwa ng mag-asawa ng papalapit na sa kanila ang kanilang mga anak. Maingat ng binigay ng Nurses ang mga babies sa mag-asawa habang ipinaalam ang kasarian ng kambal at umalis na rin ito. “Good evening, nandito na po ang mga babies,” natutuwang sambit ng isang nurse. “Salamat,” sabay nilang sambit. “Pwede mo na slang breastfeed Ma’am,” saad naman ng isang nurse sabay bigay sa mga babies nila. “Napakaganda at ang gwapo ng mga anak natin, Mahal. Nagmana sayo ang prinsipe natin,” nakangiting wika ni Jazz. “Yes, Mahal. Nagmana din sayo ang ating little princess,” sambit niya at maingat nilang hinagkan ang mga ito. “Oo nga e, super cute nila,” aniyang hindi mawala wala ang ngiti sa labi. "Anong gusto mong ipangalan sa kanila?" nakangiting saad tanong ni Nathan sa asawa na tuwang tuwa na nakatingin sa hawak nitong baby. Habang hawak rin ni Nathan ang isang baby. "Hmmm.. Jamine Angelene at James Nathaniel Mahal," nakangiti niyang sambit. “Wow! Ang gandang mga pangalan, Ano naman ang mga nicknames nila?” muli niyang tanong. “Ummm-- Ano kaya kung Gelli at Tammy, Mahal?” “Oh, ang ganda rin, iyon na lang.” Pati ang mga kasambahay niyang si Rose at Sam ay masaya at tuwang tuwa na nakatingin sa mga cute na mga banies. Makalipas ang dalawang araw ay tuluyang nakalabas na ng Ospital si Jazz at tig-iisa sila ng karga ng mga anak nila. Bakas sa mukha ng mag-asawa ang galak at kaligayahan. After those times na medyo maselan ang pagbubuntis ni Jazz ay nairaos niya pa rin ang safe na panganganak. Nakakahanga ang katatagan ni.Jazz kahit sa mga oras na yun ay wala ang kanyang asawa pero naipangamak niya pa rin ang kambal ng maayos. Lalo pa silang natuwa na sa pagbabalik nila ng bahay ay may pa-welcome party ang both families para sa kanila. Tuwang tuwa din ang mga ito at nag-uunahan pa na gustong kumarga sa mga babies. Gelli and Tammy ang magiging palayaw ng kambal. mababakas sa mag-asawa ang lubos na kaligayahan. Katunayan nga ay may sariling silid na ito at alam ng mag-asawa na maging kambal ang kanilang anak sa pamamagitan ng Ultrasound. May inihandang munting salu-salo si Janelle at pamilya nito para sa kambal. Naging masaya ang lahat dahil sa wakas ay nakapanganak ng maayos si Jazz kahit wala ang asawa. Bumawi naman agad si Nathan at hindi pinabayaan at iniwan ang asawa hanggang makalabas ito ng Ospital. Makalipas ang ilang linggo ay nasa Opisina si Nathan abala sa mga pinipirmahan niyang mga papeles. Matagal tagal din kasi itong hindi nakapasok dahil bagong panganak lang si Jazz. Samantala si Margaux ay may pictorial nang araw na iyon at nang matapos ito ay nakipagkita siya sa kanyang pinsan na nasa Condo Unit nito. Kumatok siya sa pintuan ng makarating ito at laking gulat ni Daniel at na sorpresa sa biglang pagsulpot ni Margaux sa unit nito. "Couz! Bakit ganyan ang itsura mo? Parang nakakita ka ng multo. Gaano na ba ako kaganda at kahit sariling pinsan ko ay napatulala na sa akin," untag at biro niya dito na nagpabalik ng diwa ni Daniel. "Teka magtitigan na lang ba tayo? wala ka bang balak na ako'y papasukin." dagdag wika niya rito. "Ahh... Pasok ka." aniyang pumasok na nga ang dalaga. Ng nakapasok na ito ay agad itong inusisa ang pinsan. "Margaux, anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito" paunang tanong ni Daniel habang naghahanda ng sandwich para sa pinsan nito. "Masamang hangin talaga, Daniel John Rios ha?” nakataas kilay na tanong niya. "Masama bang dalawin ang gwapo at pinakamamahal kong pinsan." wika ni Margaux habang umiinom ng Juice. "Margaux Alferos, I know you! At hindi ka basta-bastang pupunta sa unit ko na walang pasabi,” kompronta niya dito at nakakunot noo siyang tiningnan ng dalaga. "Daniel...Daniel... hindi ka pa rin nagbabago at kailangan pa akong dumaan sa cross examination sa'yo" Aniya."Mahirap talaga kapag attorney ang kaharap mo dahil wala ka talagang ligtas," wika nito na may iniisip na naman. "Couz, can I have his number?" biglang tanong nito na kinabigla ng pinsan. "What? Kaninong number at Bakit?" takang tanong ni Daniel dito. "Hmmm... number ng friend mo, si Nathan," sagot ni Margaux kay Daniel. "Gusto ko lang makipagkaibigan." dagdag niya rito. "Naku alam ko may binabalak ka, binabalaan kita! huwag mo ng ituloy at mukhang alam ko ang tumatakbo sa isip mo," sita ni Daniel kay Margaux. "Attorney naman, please.. akin ng cellphone mo." Kinuha ni Margaux ang cellphone at nag-dial ito at tinawagan si Nathan. Napansin ni Nathan na kanina lang tumutunog ang kanyang cellphone. dinampot at sinagot niya ito. "Hello," sagot niya na hindi tumitingin kung sino ang tumatawag ngunit walang sumasagot sa kabilang linya. "Kung ayaw mong magsalita! pwede ba tantanan mo ako," asik niya sa kausap. "I'm a busy person at wala akong panahon sa mga taong walang magawa sa buhay." Biglang hinablot ni Daniel ang kanyang cellphone at kinausap ang kaibigan. "Pare, si Daniel ito at si Margaux ang tumawag sa'yo kanina at huwag mong intindihin iyon at tinupak na naman," paliwanag niya rito. "Ganun ba Pare? Sige ibaba ko na at may aasikasuhin pa ako," paalam ni Nathan sa kausap. "Umandar na naman ang tupak ng pasaway kong pinsan, " napailing na wika ni Daniel. "Tumayo ka nga diyan Margaux at aalis tayo. gagamutin natin iyang katupakan mo," aya nito sabay hila ng kamay at sabay ng lumabas ng unit. "Attorney, wala ka bang trabaho o walang kliyente ng kakausapin?" biglang tanong ni Margaux sa pinsan nito. "Wala.." Pumunta ng Bar ang magpinsan at naroon si Nathan ng naturang lugar. "Pare, nandito ka pala! hindi ka man lang nag sabi at sasamahan ka namin," gulat na tanong ni Daniel sa kaibigan. "Pasensya na dumaan lang ako dito at pauwi na din ako.." tugon niya rito at akmang tatayo na sana ngunit hinarang siya ng dalaga. "Oopppsss.... Saan ka pupunta? kararating lang namin ay aalis ka na? Join ka na muna sa amin pwede?" pakiusap ni Margaux kay Nathan. "Pero..." "Wala nang pero-pero,” pigil nito at pinaupo muli si Nathan. Napailing na lang si Daniel sa inadal ng kanyang pinsan. Tinawag ni Margaux ang isang bartender at umorder ng drinks. Nakailang tungga na ito nang biglang hinila si Nathan sa gitna at pinilit na makipag sayaw dito. Walang magawa si Nathan at sinabayan ang dalaga. magkadikit ang kanilang katawan at nagtama ang kanilang mga mata at biglang hinagkan ni Margaux ang labi ni Nathan. Sa kabiglaan ni Nathan ay di niya namamalayan tinutulungan niya na pala at dumiin pa ito at naging mapusok na di nila alintanang may mga taong nakamasid sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD