CHAPTER FOUR

3579 Words
CHAPTER 4 ARAW NG SABADO at parehong walang pasok si Nathan habang nasa Bahay lang si Jazz ng mga oras na yun. Magmula kasi na nabuntis ito ay limitado na ang kilos at galaw nito dahil medyo maselan ang pagbubuntis niya. Katunayan sa bahay na lang ito nagtatrabaho pero bantay sarado pa rin sa oras. Hindi rin ito pwedeng mapuyat at mapagod kaya minabuting sa Bahay lang talaga ito namamalagi. Hindi na rin ito pinapayagan magtrabaho sa Boutique nito. Kalalabas lang ni Nathan galing sa Banyo nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. “Hello, Janelle. Napatawag ka?” tanong niya sa kabilang linya. “Hello, Nathan. Ipagpaalam ko lang sana si Jazz mamaya, Meron kaming pupuntahan. Ako na lang ang maghahatid sa kanya mamayang gabi,” paalam niya dito na ikinatahimik bigla ng nasa kabilang linya. Napaisip saglit ang binata habang nakatingin sa orasan na nasa bedside table, It’s already two o'clock in the afternoon.”Saan kayo pupunta? Anong oras mo siya susunduin?” tanong naman ni Nathan sa kausap. “Mamayang four o'clock, Meron lang akong dadaanan bago ako pupunta dyan sa inyo,” aniyang naghihintay ng sagot sa kabilang linya. “Oh, okay… Huwag lang kayo masyado magpagabi at alam mo naman na maselan ang pagbubuntis ni Jazz. Meron din naman akong pupuntahan mamaya kaya ikaw na bahala sa bestfriend mo, Huwag mong pababayaan ha!” aniyang ikinatuwa ni Janelle. “Of course, Nathan. Ako bahala sa kanya. Thank you,” saad niya rito. “No problem. I have to go, Bye,” paalam ni Nathan sa kanya.”Mag-ingat kayo mamaya.” “Bye, Mag-ingat kayo,” Nakahinga ito ng maluwag dahil pinayagan siya ni Nathan kahit hindi man lang niya nabanggit kung saan tutungo at anong gagawin nila. Nathan trusted Janelle dahil nga bestfriend ito ng kanyang fiance. Hindi na ito nagawa ng nag–usisa dahil ang totoo niyan walang balak na sabihin ni Janelle kung saan sila at anong gagawin nila sa araw na ito. Pagkatapos na mag-usap si Nathan at Janelle ay lumabas na si Nathan ng kwarto at agad hinanap si Jazz. Natagpuan niya ito na nakaupo sa veranda. “Nandito ka pala, Mahal. Are you okay?” napalingon si Jazz habang palapit sa kanya si Nathan na nakangiti sa kanya. Niyakap ni Nathan ang fiance at hinagkan ito sa labi at tumabi kay Jazz. “I’m good. Aalis ka ba?” tanong niya na ikinatango ni Nathan. “Oo, Mahal. Okay lang ba? May usapan kasi kami ng barkada.” “Okay lang naman, Mahal. Nandito naman ang housemaids natin,” aniyang ningitian niya ito. “Oh, Okay… Call me whenever you need me,” aniyang tumayo ito at hinagkan muli ang nobya. “I’ll go ahead,” saad niya sabay tingin sa suot nitong relo. “Okay, Mahal. Take care,” sambit niya at tumayo na rin ito para samahan si Nathan hanggang sa labas. “Bye Mahal, mag-ingat ka dito,” aniyang muling hinagkan ang nobya. “Okay, Mahal. Ingat!” aniyang kumaway siya rito. Nang makaalis si Nathan ay pumasok na rin si Jazz sa loob ng bahay.. Sumaglit ito sa kusina para maghanap ng makakain. Siya na rin mismo ang naghanda at bumalik muli sa veranda. Makalipas ng isang oras habang mag-isa lang ito nang biglang pagsulpot ng bestfriend nito na ikinabigl niya. Hindi naman niya naman ito inaasahan dahil wala naman itong pasabi at basta narinig niya lang ang boses nito. “Good afternoon, Bessy.” pasigaw niyang sambit habang natatanaw ang bestfriend nitong nakaupo sa Veranda. Napalingon naman si Jazz sa gawi ng may-ari ng boses. “Kanina lang kita hinahanap at nandito ka lang pala,” aniyang niyakap at bumeso ito sa kanya. “Oh, Bakit? Saan ka ba galing? Hindi ka man lang tumawag bago ka pumunta dito,” takang tanong ni Jazz sa kaibigan. “Galing pa ako kina Mama para ihatid ang mga bata at pwede bang magpalit ka na muna dahil may pupuntahan tayo,” saad niya sa kaibigan na pinagtakhan ni Jazz. “Pupuntahan? Saan naman?” Takang tanong niya habang hinihila siya ni Janelle at pumasok sa loob ng bahay at dumeretso sa kwarto nito. “Girl bonding and alam mo naman next month na ang kasal mo di ba?” Nakangiti niyang saad na walang ideya si Jazz sa anong mangyayari mamaya. “Paano si Nathan? Hindi ako nakapag paalam,” alalang tanong nito. “I already spoke to him and he said yes! Kaya no need to worry,” nakangiti niyang sambit. “Huh? Nag-usap kayo? Kailan?” nakakunot noo niyang tanong dito. “Kanina, hindi ba nagsabi sayo?” “Hindi e.” “Ah, baka nakalimutan niya lang,” aniyang ngumiti ito at sinamahan si Jazz sa kanyang kwarto. Si Janelle na mismo ang namili ng susuotin ni Jazz. Nahihiwagaan man ito pero hindi na lang niya magawang magtanong. Pinayagan naman siya ni Nathan na umalis kaya wala na siyang dapat ipag-alala. Bago ang kasal nina Nathan at Jazz, nag-organize ng surprise Bridal shower si Janelle for her best friend. Dumalo ang mga ibang kaibigan ng soon to be bride at syempre it’s time for them to enjoy as Jazz have to say goodbye as being bachelorette. Everything is set on the said event, Gaganapin ang bridal shower sa mismong Condo unit ni Janelle. Nagkataon na out of town ang asawa nito for a business conference and nasa magulang nito ang kanyang mga anak. Si Janelle mismo ang nagpaalam kay Nathan at pati pala Groom to be ay may bachelor’s party na ang barkada din ni Nathan mismo ang naghanda at may pakana. “Bessy, Anong gagawin natin sa Condo mo? Di ba nga sabi mo wala naman diyan iyong inaanak ko,” Hindi mapigilang tanong ni Jazz dahil nawewerduhan siya sa kaibigang atat na atat na isama siya. “Relax, Bessy. You will know when we get inside, Tara pasok tayo!” aniyang hinawakan ang kamay ng kaibigan. Napailing na lamang si Jazz at sabay na silang pumasok sa loob ng unit ni Janelle. Nang tuluyan na silang pumasok sa loob. Laking gulat ni Jazz na sa pagbubukas ng pinto ay tumambad sa kanya ang pa-surprise ng kaibigan nito. “SURPRISE!” nakangiting sigaw ni Janelle saka niyakap ang bestfriend na bakas ang pagkabigla. “Ano ito? Bakit—” “A surprise bridal shower for you, Bessy. You know naman how much I love you and i want that before your wedding day ay makasama ka namin,’ naj=kangiting saad ni Janelle sa kanya. Hindi naman mapigilang maluha si Jazz sa effort ng mga kaibigan. Hindi niya ito inaasahan at never niyang naisip na mag-organize ng ganito. “Thank you, Bessy. This really means a lot to me,” muli niyang niyakap ang bestfriend, “No worries, you deserve all of this! Halika na nga bago tayo mag-iyakan dito,” aniyang pinaupo ni Janelle sa couch. “Have a seat.” Paisa-isang lumapit ang iba nilang guest para bumati kay Jazz. Walang paglagyan ng saya na nadarama ni Jazz sa mga oras na yun. Isang buwan na lang ay ikakasal na siya. Parang kailan lang nung nag-propose si Nathan sa kanya. She is so happy and ready for this new journey. Having something in her belly that could be part of their lives as they will start a new life together and build a family of their own. Napakaligaya niya nung nalaman niya na magkakaanak na siya. An answered prayer for her was being in a relationship for five years and getting engaged and pregnant Everything is really into place na alam niyang maging maligaya siya. Excited na rin ito sa paparating niyang kasal at higit sa lahat ang pagdating ng baby nila. Medyo obvious na rin kasi ang baby bump niro. Isang masayang party ang naganap at bandang alas-diyes ay inihatid na ni Janelle sng bestfriend nito sa Bahay nila while ang ibang guests ay nag-uwian na rin ang mga ito. “How are you feeling?” nakangiting tanong ni Janelle sa kanya. Nasa loob na sila ng kotse and heading to Jazz place. “Happy… Very happy!” nakangiti niyang sambit. “Thank you.” “You're always welcome, Bessy,” aniyang niyakap ang bestfriend.”Let’s go!” “Tumawag ba si Nathan sayo?” biglang tanong ni Jazz habang nakatingin sa cellphone nito. “Hindi, Bessy. Why? Hindi ba tumawag sayo?” saad at tanong niya dito. Umiling lang si Jazz at bahagyang nalungkot. “Tawagan mo kaya, Bessy, Sabihin mong pauwi na tayo.” “Oo nga! Mabuti pa dahil baka mag-alala yun sa akin,” saad niya at agad na nag-dial sa number ni Nathan. Matagal tagal din bago nasagot ni Nathan ang kanyang tawag. “Hello, Mahal. Nasan ka? Pauwi na kami,” sambit niya rito. Napatingin siya sa bestfriend niya nang parang maingay ang kinaroroonan ng nobyo. “Okay.. Mahal. Don’t wait for me, I will be late,” saad niya sa nobya. “Oh, okay.. Saan ka pala ngayon?’ tanong ni Jazz kay Nathan. “Kasama ko pa rin ang barkada ko, Nagkayayaan kasi e,” sambit niya, “Oh, Okay… Huwag ka masyadong magpakalasing,” paalala niya rito. “Don't worry, Mahal. Makakauwi pa rin ako,” paniniguro niyang saad. “Mag-ingat kayo.” “Ikaw din, Mag-ingat ka,” aniya. “I hang up na, Mahal. I love you,” paalam niya rito. “Okay.. I love you too. Bye,” sambit niya at binaba na ang telepono. “Oh, Anong sabi?” tanong ni Janelle sa kanya. Kibit balikat siyang nakatingin. “Hindi ko na daw siya hihintayin dahil sigurado ma-late siya,” aniyang hinawakan lang siya ni Janelle. “Naku! Huwag ka na masyadong mag-alala. Nagkasiyahan din sila siguro ngayon,” saad niya. “ Alam naman natin ang mga boys kapag mag-night out ay talagang late na magsi-uwian. “Oo nga, Bessy. Tama ka diyan!” Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na ang mga ito sa Bahay ni Jazz. “Nandito na tayo, Bessy.” saad ni Janelle. Sabay na silang pumasok sa loob ng Bahay. “Salamat sa paghatid, Bessy.” “Walang anuman, Magpahinga ka na!” sambit ni Janelle at sinamahan ito hanggang sa kwarto nito. “Salamat. Umuwi ka na rin,” aniyang kinatango ni Janelle at agad din itong umalis. Almost eleven o’clock na at nakatulog na rin si Jazz. Habang isang Bachelor”s party ang inihanda ng barkada ni Nathan. Akala niya weekend hang-out lang yun pero yun pala ay isang sorpresa na nakahanda para sa kanya. “A-Anong ibig sabihin nito?” bakas ang kalituhan at pagkabigla nito sa mga nagaganap. Nasa isang Bar sila ng mga oras na yiun at puro sila lalaki. “It’s your Bachelor’s party, Nathan! As you know, Next month na ang big day mo di ba?” nakangising saad ni Daniel sa kaibigan at tuluyan na silang pummasok sa loob. Nakaupo na ang mga ito sa isang mahabang couch na naroon habang nilalabas ang iba’t-ibang klase ng inumin. “Wait! Huwag niyong sabihing magpakalasing tayo?” nakakunot-noo niyang tanong sa kaibigan. “Oo, Bro. Bakit? Takot ka ba kay Jazz?” natatawa nitong tanong. “Hindi naman sa takot, Bro, Pero maselan kasi ang pagbubuntis niya. Ayoko naman na mag-alala siya,” sambit niya. Napangiti na lang sa kanya si Daniel at tinapik ang kanyang balikat. “Okay… I understand. But, this is your night! Pagbigyan mo na kami,” aniyang may himig pakiusap sa kaibigan. “Sure! Walang problema but— until midnight lang ako ha!” pakiusap niya. “Can you extend an hour?” muling pakiusap ni DJ at napaisip agad si Nathan. It’s almost eleven o’clock. Katatawag lang ni Jazz kanina sa kanya at alam naman nito na male-late siya kaya pwede na rin sigurong mamayang ala-una siya uuwi. Kokontrolin niya lang ang pag-inom para hindi siya uuwing lasing. Ang totoo niyan ay naasiwa siya sa mga nagaganap dahil makalipas ang ilang sandali ay mayroong naglalabasan na mga babae. Hindi alam ni Nathan kung paano ito mag-react dahil sa klase ng approach ng mga babae sa kanya. Hindi siya sanay sa ganito pero wala siyang magawa kundi ang sumabay sa agos. Pailing iling na lang ito after ng performance ng mga babae. Hindi niya ito lubos na maisip na ganito ang gagawin ng mga kaibigan niya sa kanya. Labis silang nag-enjoy pwera siya dahil sa totoo lang lumilipad ang isip niya, Iniisip niya ang kanyang nobya na mag-isang natutulog ngayon. “Hey, Are you alright? Bakit ganyan ang itsura mo?” takang tanong ni Daniel kay Nathan. “Hindi lang ako mapalagay. Buntis ang Fiance ko, Daniel. Nag-aalala ako sa kalagayan niya. Maselan pa naman ang pagbubuntis nito,” saad niya. “Gusto mo na bang umuwi?” muli niyang tanong. Tumango lang si Nathan. “Oh, sige na! Pwede ka ng umalis.” “Thank you, Bro. Pasensya na kayo,” hinging paumanhin ni Nathan sa mga ito. “No problem, Bro. We understand,” sambit ni Daniel. “I'll go ahead,” aniyang tumayo na ito at niyakap ang mga kaibigan. “Thank you sa effort at surprise niyo. Na-appreciate ko talaga! Basta sa kasal ko, pupunta kayong lahat ha!” nakangiti niyang sambit. “Of course, Mag-ingat ka.” Hindi pa naman gaano late pero kailangan na niyang makauwi ng maaga. Iniiwasan niya rin na magtagal dahil ayaw na ayaw niyang malasing. Nakauwi naman siya ng safe at napangiting nakamasid sa natitulog niyang nobya. Nilapitan niya ang nobya at dinampian ng halik bago ito tuluyang pumunta ng Banyo. Lumipas ang isang buwan ay gaganapin na nga ang kasal nina Nathan at Jazz. It’s a Church Wedding na siyang kagustuhan ng Bride. All is set at lahat ng naval nila sa buhay ay present sa kasal nila. Nasa Hotel ang Bride kasama ng kanyang Maid of Honor na si Janelle. Inaayusan na ito at mababakas ang kaligayahan sa mukha ng dalaga. Pinakahihintay niyang araw ito na maikasal sa lalaking pinakamamahal niya. May bonus pa dahil dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang kanilang anak. Excited na rin itong malaman ang gender ng kanilang anak. Samantala nasa kabilang kwarto din ang Groom kasama ang Best Man at tulad sa Bride napakaligaya din ni Nathan na hindi mawala wala ang ngiti sa kanyang mga labi. Makalipas ang ilang sandali ay nauna na sina Nathan sa Simbahan.”Uy, ang saya natin ah, hindi mawala wala ang ngiti,” pang-aasar na saad ng kapatid nito na ginawa niyang Best Man. “Nang-aasar ka na naman! Kinakabahan ba naman ako,” sambit niya na dinadaan lang sa ngiti ang kabang nararamdaman. Hanggang sa dumaan ang ilang minuto ay dumating na ang gorgeous bride. Matinding emosyon ang namutawi at naluluha na si Jazz nang buksan ang pinto ng Simbahan. Habang naglalakad patungong altar. Nakaabang naman ang magulang nito na siyang maghahatid sa kanya. Samantala naluluha na rin na nakamasid si Nathan habang naghihintay ito. Sa isip niya ay napakaswerte at napakasaya na sa wakas ay mapapangasawa na niya si Jazz. With a background of WALANG HANGGAN ay tuluyang nasa harap na ni Nathan si Jazz kasama ang kanyang magulang. "Nathan, pinauubaya na namin sa'yo ang aming prinsesa. Huwag na huwag mo sanang sasaktan at paiiyakin,” madamdaming pahayag ng Papa ni Jazz. "Makakaasa po kayo Papa," tipid niyang sagot. Humalik at yumakap si Jazz sa magulang bago hinarap ang kanyang Groom. “Thank you Ma, Pa,” sambit ni Jazz. “You're welcome, Anak.” Sinimulan na nga ang ceremony ng kasal. Hanggang sa kanya kanya na silang sambit ng kanilang wedding vows. "Hindi ko maipapangako na hindi kita masasaktan ngunit pakatandaan mo ako'y sa'yo ika'y akin lamang. You’ve been an answered prayer since the day I met you. I was broken and you are there to mend it. You are my life and my everything, You’re the reason of my happiness and I’m looking forward to our new life together,” Madamdaming saad ni Nathan "Kasama ng magiging anak natin nandito kami lagi para sa'yo, I’ve been waiting for this day and thank you for being there for me and for being my inspiration and my strength. I will be forever grateful that I met someone like you,” maluha-luha ng sambit ni Jazz “And now I pronounce you Man and wife you may now kiss the bride.” nakangiting sambit ng Pari. Dahan dahan na iniharap ni Nathan ang kanyang Bride. Kinabig at masuyong hinagkan na nagtagal din ng ilang minuto. Nag Palakpakan at sumisigaw ang mga guests ng “MABUHAY ANG BAGONG KASAL!” Pagkatapos ng kasal ay tumulak ang newlyweds sa Paris kung saan sila mag Honeymoon. Kahit paano ay pinayagan si Jazz na mag-travel ng kahit isa o hanggang dalawang linggo. Unang gabi bilang mag-asawa ay pareho silang maligaya makikita yun sa kanilang mga mukha at sa kanilang mga mata. “Are you happy?” nakangiting tanong ni Nathan sa babaeng pinakamamahal. “Very happy, Mahal. Thank you,” masayang sambit ni Jazz habang nakasandal ito sa dibdib ng asawa. “You're welcome, Mahal ko. I love you so much,” madamdamin niyang sambit at hinagkan ito sa labi. “I love you too,” sambit nito at halatang medyo pagod na ito. “Are you tired? Balik na tayo ng Hotel?” tanong niya habang inaayos ang buhok nito. Isang tango lang ang naging tugon ni Jazz. Bumalik na muna ang dalawa sa Hotel at saglit na nagpapahinga. Napagod ang mga ito sa pamamasyal kanina. Makalipas ang mahigit dalawang oras ay lumabas ulit ang mag-asawa para mag-dinner. Pagkatapos nilang kumain ay napagpasyahan mamasyal muna ang mag-asawa. Magkahawak kamay slang mag-asawa habang namamasyal. Pagbalik nila mula sa pamamasyal ay saglit nagpahinga habang magkayakap sa kama. Pinagmasdan at walang sawang tinitigan ni Nathan ang asawa at dinampian ito ng halik at napaungol si Jasmine habang yakap-yakap ang asawa. Napamulat si Jazz at namulatan niyang kanina pa nakatitig si Nathan at ningitian siya nito at hinagkan ang mga labi. Naging mapusok, maalab at dahan-dahang tinanggal ang saplot ni Jasmine na hindi naghihiwalay ang mga labi. Pareho na slang hubo’t hubad at pababa sa leeg hanggang sa dibdib. Hinihimas nito ang isa sa malusog na dibdib ng asawa habang pinaglaruan din gamit ng dila ang isa. Napakagat-labi na lang si Jasmine at napaungol dahil sa ibang kiliti na nararamdaman nito Hanggang naabot na nga nila ang sukdulan ng kaligayahan at parehong pagod at magkayakap na nakatulog. Kinabukasan ay halos magkasabay silang nagising. Sabay kumain at namasyal ulit. Tatlong araw din ang kanilang honeymoon at ng makabalik sila ng Pilipinas ay back to work si Nathan. Samantala meron Fashion Show si Margaux at biglang inaya Daniel ang kaibigan upang manood dahil isa sa modelo na rarampa ay ang pinsan nito na si Margaux. Naging matagumpay yun at pagkatapos nga ng naturang event ay nakita at pinuntahan ni Margaux ang pinsan. “Congratulations, Margaux. You did a great job! Napakaganda mo doon kanina,” masayang bati ni Daniel at niyakap ang pinsan. “Thank you, Daniel. Pinaunlakan mo ang aking invitation. Akala ko hindi ka na makakapunta e,” nakangiti niyang saad. “Pwede ba yun, alam mo naman na hindi ako makakatanggi sayo di ba?” Sambit niya nang biglang natutok ang paningin ng dalaga sa kasama ng pinsan. “Teka! May kasama ka pala.” "Oh, sorry. Nawala sa isip ko, Margaux meet Nathan, my good friend, Nathan si Margaux , my cousin,” pakilala niya sa dalawa. "Nice to meet you, Nathan," bati nito habang tinitigan ng kaakit-akit si Nathan. "It's my pleasure beautiful lady," tugon nito habang hinalikan ang kamay ng dalaga. “Thank you,” sambit ni Margaux. “For what?” balik tanong naman ni Nathan. “Dahil sinamahan mo ang aking pinsan na manood. Akala ko walang manonood na kamag-anak ko. Mabuti na lang at nandito kayong dalawa,” nakangiti niyang saad. “Naku! Wala yun. Nagkataon lang na inaya ako ni Daniel at dahil maaga pa naman ay sumama na lang ako. Nakapag-paalam din naman ako sa asawa ko,” saad niya na ikinabigla ni Margaux. “Asawa? May asawa ka na pala?” gulat niyang tanong. “Oo, Margaux. Bagong kasal lang si Nathan. Iyong kinuwento ko sayo na kaibigan kong kaibigan ikinasal na kinuha ako na isa sa groomsmen,” biglang singit ni Daniel sa usapan. “Oh, now I remember. It was the day na meron akong pictorial kaya hindi ako nakasama sayo.” “Oo, I try to invite you pero tumanggi ka kaya si Ericka na lang ang isinama ko,” saad niya. “Teka! Siya ba yung client ni Gerlie?” tanong ni Margaux ng maalala ang usapan nilang magkaibigan bago ang kasal ni Nathan. Nagkatinginan ang magkaibigan at sabay silang tumango. Unang pagtatagpo yun ng dalawa na si Margaux at Nathan. From there, tila attracted na si Margaux kay Nathan. Napatingin si Jazz sa kanyang relo. It's already ten o'clock in the evening at wala pa rin si Nathan. Dalawang oras na ng huli itong tumawag at nag-text sa kanya. Matutulog na sana siya ng biglang humilab ang kanyang tiyan at nawala rin pagkatapos ng ilang minuto. Bigla na naman sumakit ulit. "Arrraaaayyyy.... Ang sakiiitttt ... Ahhhhhhhhh...” humupa ito saglit nang biglang sumakit na naman. "Nathannnieeellll..... Rossseee.... Sammmm!" namimilipit na sigaw ni Jasmine. “Manganganak na yata ako!" napasigaw niyang sambit
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD