Kabanata 1: Love at first sight. (Blue)

1349 Words
"I'm getting married soon, son." Muntik ko ng maibuga ang kinakain ko dahil sa sinabi ni Daddy. Gulat na lumingon ako sa gawi niya habang nanlalaki ang aking mga mata. "A-Are you serious, Dad?" I asked surprisingly. Muntik pa akong mahirinan dahil sa gulat. Hindi talaga ako makapaniwala na ito ang ibubungad niya sa akin ngayong umaga. Kaya naman pala masaya siya lately at masiglang makipag-usap sa akin dahil nakahanap na siya ng kanyang the one. Magkakaroon na pala ako ng stepmother. Sana mabait at maalaga ang napili niya at tunay ang pagmamahal sa kanya. Baka mamaya niyan, isa lang gold digger ang pakakasalan niya at kayamanan lang ang gusto sa kanya. "Yes, I am serious, Azul Rehan. Nakakagulat ba na malaman na ikakasal na ulit ako?" Tiningnan ako ni Papa sa ilalim ng kanyang salamin sa mata. Well, he is still young and kicking. Ilang taon na nga ulit si Daddy? Fifty-one? f**k! I can't even remember dahil hindi ko kabisado ang birthday niya. Ang alam ko lang ay araw ng birthday niya. Sad but true, siguro dahil mas pinagtuunan ko ng pansin ang pagpapayaman kaysa sa mga ganitong bagay. Importante 'to sa iba, pero bakit kaya sa akin ay hindi? Nakakagulat talaga na malaman ito sa kanya. Akala ko pa naman, dahil sobrang mahal na mahal niya si Mommy ay hindi na siya muling mag-aasawa pa. Tapos ngayon, balak na pala niya magpakasal. Ni hindi ko pa nga nakikilala ang pakakasalan niya. Dapat makilatis ko muna itong maigi bago niya ito pakasalan. "Yes, Daddy. Ni wala ka pa ngang ipinapakilalang nobya mo sa akin tapos bigla mong sasabihin na ikakasal ka na?" I know how much he loves my Mom. Sobra siyang nagluksa dahil biglaan itong namatay. Grabe ang idinulot nitong impact sa aming dalawa dahil napakabata pa ni Mommy. She is just forty-eight years old, she is too young to die. Ang dami ko pa namang pangarap sa kanila ni Daddy dahil malakas ang kinikita ng mga negosyo ko. I'm planning to build their dream house na kung saan ipapatayo ko ito sa Tagaytay gaya ng pangarap nila. But that's all in my dreams, hindi na matutupad dahil maagang pumanaw si Mommy. "Well, I just want to surprise you. Finally, after one year of being lonely, I have already moved on." I smiled at what he said. Nakakatuwa na marinig ito sa kanyang bibig. Siguro naman, kahit maisip ko ngayon na bumukod ay hindi na ako mag-aalala pa na iwan siya rito. May karamay na siya sa kanyang pag-iisa at sana nga, tunay na mahal din siya ng kanyang pakakasalan. "That's great, Dad." Natutuwang sabi ko kay Daddy. Alam ko kung gaano siya nalungkot nang mawala si Mommy. Hindi na niya naaasikaso ang kanyang sarili ng maayos at madalas siyang uminom at maglalasing buong araw. Nakukunsumi na nga ako dati pa dahil pati negosyo niya ay napapabayaan na niya. Mabuti na lang at nakaalalay ako sa pagpapatakbo nito kaya naman hindi ito nalulugi. Now I know why he's blooming. Saka ko lang napansin na medyo nagbabago na siya nang mga nakaraang buwan pagkatapos ng one year death anniversary ni Mommy. Babae pala ang dahilan at natutuwa ako para sa kanya. Sana mabuting babae ang pakakasalan niya at kayang higitan ang pagmamahal ni Mommy sa Daddy ko. "Saan mo naman nakilala ang babaeng pakakasalan mo, Dad? Ilang buwan na kayo at gaano ka na kasigurado na pakasalan siya? Dapat pinakilatis mo man lang sa akin Daddy nang mabistahan ko kung magiging mabuting maybahay siya sa iyo. Lalo na po ngayon na balak ko na sanang bumukod ng tirahan sa inyo para may tumira naman sa bahay na pinatayo ko," mahabang pahayag ko. "Tatlong buwan pa lang, son." "What?" Halos mahulog ako sa aking kinauupuan nang marinig ito kay Daddy. Ang hawak kong tinidor ay nabitiwan ko kaya malakas itong kumalansing sa ibabaw ng aking pinggan. "T-Tatlong buwan pa lang pala, Dad? Bakit nagmamadali ka na ng pakasalan?" Gulat na gulat na bulalas ko. Nakita ko siyang nalungkot at tila dismayado sa sinabi ko kaya naman kaagad akong bumawi sa aking salita. "I'm sorry for that, Dad. Nagulat lang po talaga ako." "Gusto ko na siyang makasama rito, Azul kaya inaya ko na siyang magpakasal. Para wala na siyang dahilan para hindian na tumira siya rito sa atin." Napanguso ako. Ibig sabihin, noon pa gustong ibahay ni Daddy ang nobya niya. Marahil, nag-aalangan ang babae na tumira dahil hindi pa nga sila kasal. "Pwede ko ba siyang makilala bago niyo patirahin dito?" Pormal na tanong ko kay Daddy. Masyado yata siyang nagmamadali na patirahin dito ang babae. Three months pa lang sila, kapag ganitong stage pa lang kasi para sa akin ay getting to know each pa lang. Kung seryoso ako sa relasyon, pero kung hindi, mabilis na ang one week para sa getting to know each other chuchu para maka-score agad ako sa babae. "Baka isa lang siya sa mga gold digger na gusto agad yumaman." Nagsalubong ang kilay ni Daddy sa huli kong sinabi. "She's not like that, Azul. Mabuting babae si Alessandria dahil maayos siyang pinalaki ng kanyang mga magulang," pagtatanggol ni Daddy sa babae. "I see…na-meet mo na rin pala ang parents niya, Dad." Seryoso yata talaga si Daddy sa babae dahil na-meet na niya pati parents ng pakakasalan niya. Sana naman hindi siya magsisi sa huli lalo na kapag biglang nagbago ang ugali ng babae kapag naubos na nito ang pera niya. "Yeah. They agreed with our marriage. Pakakasalan ko si Alessandria sa huwes, saka na sa simbahan kapag naka-graduate na siya ng college." Lumuwa ang mga mata ko sa aking narinig. "Nag-aaral pa lang siya?" "Yes, son. Nakakagulat ba na malamang nag-aaral pa lang ang pakakasalan ko?" Gusto kong isigaw na, oo! Napatinginako sa suot ni Daddy. Naihilamos ko ang kamay ko sa aking mukha. Ngayon ko lang napansin ang kanyang porma, hindi yata napapansin ni Daddy na nagmumurang kamiyas na siya. Napailing ako. Gaano ba kabata ang pakakasalan niya at bigla siyang pumorma ng ganito? Bagets na bagets siya at akala mo first time lang na may liligawan na babae. "Yes, Daddy. Ilang taon na ba ang nobya ninyo at pati porma ninyo ay binago ninyo?" "She is just twenty-two years old, son. Mas matanda ka lang ng pitong taon." Parang gusto ko na lang matawa ng malakas sa aking narinig. Twenty-two years old versus fifty-one years old? Fuck! Gold digger ang babae at dapat ko siyang maalis sa landas ni Daddy. Hindi ako papayag na paikutin niya sa mga kamay niya ang ama ko. Ako ang gagawa ng paraan para matuklasan ni Daddy na mali siya ng babaeng pinakasalan! "Natahimik ka na riyan, Azul? Kumukontra ka ba sa gusto ko? Ayaw mo bang pakasalan ko si Alessandria dahil halos kalahati ng edad ko ay edad niya?" Damn! Kalahati? Hindi kaya, dahil malayo talaga ang agwat ng kanilang edad. "N-No, Dad. Naisip ko lang po kasi baka nabibigla lang kayo." Hindi naman ako kokontra kung talagang nagmamahalan sila. Pero kung pera lang ang habol ng babae sa ama ko, aba, ibang usapan na 'to. "Nope. I am serious about her. Ganoon din naman siya sa akin. Mahal na mahal namin ang isa't isa kaya balak na namin magpakasal." "Kailan ko siya pwedeng makilala?" "Actually, papunta na siya rito. Maya-maya lang ay darating na siya." Tinanguan ko lang si Daddy sa sinabi niya. Hindi na pala ako matagal na maghihintay na makita ang babae. Kailangan makilatis ko siya ngayon at iisipin ko kung paano ko palalabasin ang tunay niyang kulay. Twenty minutes ang hinintay namin Daddy bago sinabi ng katulong na may dumating na siyang bisita. Nag-excuse si Daddy sa akin para salubungin ang kanyang panauhin. Naghintay ako ng ilang minuto bago ko sila narinig na nagtatawanan habang palapit sa aking kinaroroonan. "Azul, she is here." Saka lang ako lumingon nang magsalita si Daddy. Dahan-dahan ko silang nilingon habang pormal ang ayos ng aking mukha. Nalaglag ang panga ko nang makita ang itsura ng babae. Napahawak ako sa puso ko habang malakas ang t***k nito. Fuck! Na-love at first sight yata ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD