Simula

1027 Words
Lakad-takbo ang ginagawa ko habang hawak ko ang laylayan ng aking suot na traje de boda. Takot na takot na nagpalinga-linga ako sa kahabaan ng hagdanan na aking binabaan habang puno ng kaba ang aking dibdib. "Where do you think you're going, Alessandria?" Nagulat ako nang biglang may magsalita sa gilid ko. Halos panawan ako ng ulirat nang makita ko na si Azul Rehan ito o mas kilala sa tawag na Blue. Anak ito ng asawa kong si Azrael na sobrang laki ang pagkagusto sa akin. Ilang beses ko siyang iniiwasan simula nang araw na tumuntong ako sa pamamamahay nila. Pero ang walanghiyang anak ni Azrael ay panay ang lapit sa akin at panakaw akong sinusuyo kahit na malapit na kaming ikasal ng kanyang ama. Sinabi ko sa kanya na tigilan na niya ako pero hindi nakikinig ang lalaki at patuloy pa rin sa pagsuyo sa akin kahit nalalapit na ang kasal namin ng kanyang ama. "B-Blue…pakiusap…tigilan mo na 'to," pakiusap ko sa lalaki nang mahigpit niya akong hawakan sa aking braso. "Asawa na ako ng Daddy mo at hindi tama 'tong ginagawa mo sa akin," nanginginig kong sabi. He tried to molest me. He kissed me while touching my body. Dati naman hanggang panakaw na halik sa labi ko lang ang ginagawa niya. Pero kanina, hinawakan niya ako sa aking dibdib at pilit na sinisira ang aking damit. Kaya naman hawak ko ang laylayan ng aking damit pangkasal na malaki ang hiwa sa harap dahil sa ginawa niyang paghila kanina. "I don't care, Alessandria! Sinabi ko naman sa iyo na huwag kang magpakasal sa kanya! Ako dapat ang pakasalan mo pero mas pinili mo ang Daddy ko. Sa tingin mo mas mayaman sa akin si Daddy sa akin? Sa tingin mo masa-satisfy ka niya sa ibabaw ng kama niya. Sa—-" isang malutong na sampal ang binigay ko sa kanya nang marinig ko ang kanyang sinasabi. Nainsulto ako, hindi pera ang habol ko dahil totoong mahal ko ang ama niya kahit gaano pa kalayo ang edad namin at estado ng pamumuhay sa lipunan. "Bastos! How dare you insult me, Blue?" naiiyak kong tanong. Halos sumakit ang palad ko dahil sa lakas ng pagsampal ko sa kanya. Ang tigas ng panga niya. Parang nabali ang mga buto ko sa aking daliri. "f**k! Ang sakit mo namang manampal, Alessa! Baka gusto mong gumanti ako at baka hindi ka na makatayo sa gagawin ko?" Nahintatakutan ako sa sinabi niya. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Hindi ako makakapayag dahil ayaw ko na madungisan ang aking p********e. Kay Azrael ko lang dapat ibigay ang katawan ko dahil siya ang asawa ko. "B-Blue. Pakiusap, lubayan mo na ako…" pakiusap ko sa kanya. "No, babe! Sinabi ko naman sa iyo noong una pa lang na akin ka!" Hinila ako ni Blue papunta sa hagdanan. Pero nagpumiglas ako dahil alam ko kung ano ang gusto niyang mangyari. Dapat matagal na akong nagsumbong kay Azrael para mapigilan si Blue sa mga ginagawa niya sa akin. Nakakainis na siya sa totoo lang! Hindi na nakakatuwa ang mga ginagawa niya sa akin. "Blue, please! Maghunus-dili ka! Stepmother mo ako at hindi tama 'yang binabalak mo." "So? Do you think, I care?" Tumawa siya habang manyak na nakatingin sa punit kong damit. Ang manyak talaga! Kulang lang ata 'to sa s*x kaya ako ang pinag-iinitan. "Gago ka! Bitiwan mo nga ako!" protesta ko nang hilain ako ni Blue paakyat sa hagdanan. Pero mabilis akong kumapit sa barandilya ng hagdanan para hindi ako matangay ng lalaking 'to. "Azrael! Saklolo! Tulungan mo ako!" Humalakhak lang si Blue habang hila-hila ako sa mataas na hagdan. Wala akong magawa kundi magpatianod dahil masyado siyang malakas. "Knockout na si Daddy, kahit magsisigaw ka riyan hindi ka niya maririnig. Nakita mo naman siguro na tulog na tulog na siya kaya ako muna ang papalit sa pwesto niya." "Hindi! Ayoko! Blue naman! Konting respeto naman!" Pinilit kong baklasin ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko, ngunit napaaray lang ako nang higpitan pa niya ang hawak sa akin doon. "Wala kang magagawa, Alessandria. Ako ang makikipag-honeymoon sa iyo ngayong gabi at hindi ang gurang kong ama!" "Hindi! Bwisit ka! Tigilan mo na 'to! Hindi ako magsusumbong sa mga pinaggagawa mo sa akin kapag tinigilan mo 'to!" ani ko sa galit na boses. Nababanas na ako sa kanya dahil hindi na nakakatuwa ang ginagawa niya. Sarili niyang ama iiputan niya sa ulo. "Wala akong pakialam sa gusto mong gawin, babe. Basta ako, maging akin ka, iyan ang goal ko ngayong gabi. At syempre maging sa susunod pang mga araw," ngumisi siya sa akin at kinagat ang kanyang labi. "Isusumbong kita sa Daddy mo, Blue!" "Go on, babe. Magsumbong ka, hindi naman kita pipigilan." "Walanghiya ka talaga! Tatanggalan mo pa ng kaligayahan ang ama mo! Ako ang nagbigay sigla muli sa ama mo nang dumating ako sa buhay niya. Kaya please, tigilan mo na 'to. Tigilan mo na ako." I saw him stiffened. Tila tinubuan yata siya ng konsensya dahil saglit siyang natulala sa sinabi ko. Pero pagkalipas ng limang minuto ay balik sa dati at walang pakialamna hinila niya ako. "I'm sorry, babe. But don't tell me what to do. Ito ang gusto kong mangyari at wala akong pakialam sa pagtitinginan ninyo ni Daddy. Basta ako, makuha lang kita ngayong gabi ay magiging masaya na ako." Kinilabutan ako sa sinabi niya. Mahawakan pa lang niya ako ay sobra na akong kinikilabutan. "Baliw ka, Blue! Masasaktan ang ama mo kapag umabot sa kaalaman niya 'to!" inis na sabi ko sa kanya. Hindi talaga siya makaintindi! Mas mahalaga sa kanya ang sarili niyang kaligayahan kaysa sa kanyang ama. "I won't tell him. Ayaw ko ring mag-away kami kaya mananatiling lihim ang mangyayari ngayong gabi." Pagkatapos masabi 'to ni Blue ay walang babala na pinangko niya ako at dinala sa kanyang silid. Nagsisigaw ako nang nagsisigaw para humingi ng saklolo at baka sakaling magising ang asawa ko na masarap ang tulog sa aming silid. Dapat talaga hindi ko na pinagbuksan ng pintuan kanina si Blue. Nagtulug-tulugan na lang sana ako para hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na magawa sa akin ang gusto niyang gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD