Mhaan "Derrek. Mabuti at napasyal ka." Kaagad na sinalubong ni Ninong si Derrek at tinapik sa balikat. "Tito." Kaagad din namang yumuko sa harapan niya si Derrek. "I'm sorry if we kept you waiting. Kanina ka pa ba?" "It's okay, tito. It's just a matter of time." "Good. If you're worried about Mhaan, we came from the Doctor this morning and I had her checked again. And she'll be fine soon. Dumaan lang kami sa mall kaya kami natagalan." "Thanks, tito." Lumipat ang mga mata sa akin ni Derrek at tumitig sa akin. Nag-iwas din ako kaagad ng tingin nang hindi ko na ito makayanan pang salubungin. "Have you had dinner?" muling tanong sa kanya ni Ninong. "Tapos na po, tito." "Okay. So, I'll leave you guys for now. We'll talk again next time, Derrek." "Yes, tito. Thanks." Saglit lang ak