Mhaan Hindi ako sumagot sa sinabi niya at pinanatili ko ring blangko ang aking mukha. Lumingon ako sa kaliwang bahagi hanggang sa matanaw ko naman si ate Marah na nakaupo sa isang sofa. Kaagad siyang tumayo at lumapit sa akin. "K-Kumusta ang pakiramdam mo--" "Nasaan si Mama? Si Papa? Gusto ko nang umuwi," kaagad kong putol sa kanya kasabay nang pagbangon ko. Ngunit napasapo akong bigla sa ulo ko nang bahagyang umikot ang paligid ko. "You alright?" Kaagad akong inalalayan ni Derrek ngunit tinabig ko ang braso niya. Napansin ko naman ang pagkagulat niya ngunit hindi ko siya pinansin. "Y-You can't leave this hospital yet. There are more examination tests to be done on you--" "Gusto ko na ngang lumabas! Manhid na ako. Wala na akong nararamdamang sakit!" inis kong sagot sa kanya kas