Wilma "Hindi ka na sana bumaba pa. Puwede naman akong umakyat sa itaas." Nagyakap kami ng mahigpit matapos niyang makarating dito sa ibaba. Ramdam ko ang tindi ng emosyon sa pag-iyak niya at para bang may malalim itong pinagmumulan. Lumapit na rin sa amin si David at hinagod ang likod niya. I turned to Derrek who was now standing at the kitchen door and staring at us. Ngunit kaagad din siyang yumuko at tila nag-iwas ng tingin sa akin. Kaagad na rin siyang pumasok sa loob ng kusina. "S-Salamat po, tita, sa pagdalaw niyo." Kumalas na si Mhaan mula sa pagkakayakap sa akin at humarap naman kay David. "Tito, maraming-maraming salamat po ulit sa inyo sa ginawa niyo pong pagliligtas sa akin. Napakalaking utang na loob ko po ito sa inyo. Kung hindi po dahil sa inyo, wala na po sana ako ngayon.