Wilma "Here. Ito na muna ang isuot mo. P'wede kang gumamit ng banyo." Kaagad kong iniabot kay Angela ang ilang piraso kong damit na hindi ko pa naisusuot pero mga bago pa naman ang mga ito. Naabutan ko siyang tuwid na nakaupo lamang sa gilid ng kama at hindi gumagalaw doon. Kaagad din naman siyang tumayo at yumuko sa harapan ko. "Salamat po, tita Wilma." "Walang anuman. Sige na." Tila nag-aalangan pa siyang tanggapin mula sa akin ang ilang piraso ng damit ko. Sinamahan ko na rin ito ng mga new underwear. Sa tingin ko naman ay hindi kami nagkakalayo ng size. She's also skinny like me. "Maiiwan na muna kita. Magpahinga ka na lang din muna dito sandali." "Opo. Maraming salamat po talaga, tita." I just gave her a sweet smile before I walked out of her room again. Muli akong huminga