Wilma Hindi naman na siguro ako magbubuntis pa. I'm damn too old for that. Kahiya-hiya 'yon hindi lang sa lahat kundi pati na rin sa mga anak ko! Ano na lang ang sasabihin nila sa akin?! Shit. This can't be. I immediately looked at the calendar on my phone and checked the date of my last menstruation. "What the f**k?" It's been two days. I've been delayed for f*****g two days. What am I gonna do? Pero palagi naman na talagang nadi-delay ang menstruation ko nitong mga huling buwan at napakadali ring matapos. Imposible naman talagang mabuntis pa ako. Hindi na siguro. "Haayst. Kalma. Kalma, Wilma. Wala lang 'to. Delayed ka lang." Ilang ulit akong huminga ng malalim. Ngunit muntik na akong mapatalon sa gulat nang bigla na lamang akong makarinig nang sunod-sunod na busina mula sa likuran