Wilma
KINABUKASAN ay sabay-sabay pa rin kaming nag-almusal ng mga anak ko sa harap ng hapagkainan at doon nila ako sinimulang intrigahin.
"Haven't you filed your resignation letter with that family yet?" ani Derrek habang nagkukutsara ng kanin at ulam sa plato niya.
Si Devin naman ay abala din sa pagkain niya pero sumusulyap-sulyap din siya sa akin at tila naghihintay ng sagot ko sa tanong ng kambal niya.
Napahinga ako ng malalim bago sumagot, "mga anak, please. I know what I'm doing and I can handle myself. Trabaho lang talaga ito at hindi naman Delavega ang tinuturuan ko ngayon. Na-explain ko na sa iyo, Devin ang kundisyon ni Rain. She needs me at sana ay maintindihan niyo 'yon."
Ang totoo ay kinakabahan ako.
Paano kapag nalaman ng mga anak ko ang ginawang panghahalik sa akin kahapon ni David sa parking lot ng condo building ng mga Delavega. They definitely won't just stay silent on one side. I know them.
Hindi sila sumagot at ramdam ko pa rin ang pagka-dis-gusto nila sa mga hitsura nila.
"Pipilitin ka na lang naming intindihin. I have to go," sagot ni Devin bago siya nagpunas ng mga labi niya at tumayo.
Lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi ko bago tuluyang lumabas ng dining room.
My chest started to feel heavy. Pakiramdam ko ay dito na mag-uumpisa ang samaan ng loob sa pagitan naming mag-iina.
Lumingon ako kay Derrek nang sumunod na rin itong tumayo.
"Kailangan ko na ring umalis. Just be careful. And if there's a problem, call us right away," aniya bago lumapit sa akin at humalik din sa pisngi ko.
"I'm sorry, son." Pinigilan ko ang maluha sa harapan niya. Hindi lang ako sanay na may hinanakit sila sa akin.
"Mom, please remember that we're always worried about you. Ikaw lang lagi ang iniisip namin. We don't want you to be hurt again by the frivolous people around us... Kapag nakita ka naming umiiyak na naman nang dahil lang sa kanya, patawarin niyo sana kami. Baka kung ano ang magawa namin sa kanya."
Hindi ako nakaimik sa mga sinabi niya habang nakatingala sa kanya.
Halos mag-apoy ang mga mata niya sa galit na nakikita ko sa kanya. Nakakabahala.
Tuluyan na siyang tumalikod at naiwan akong mag-isa sa harap ng hapagkainan. Halos kakaunti lang ang nabawas sa mga pagkain nila na bihira lang mangyari sa amin.
Hindi ko mapigilan ang maiyak sa nangyayari. Sumasakit ang dibdib ko.
Ang gusto ko rin sana ay magkaayos na sila ng ama nila dahil mahabang panahon naman na ang lumipas. Tumatanda na kami at ayokong sa paglisan namin sa mundong ito ay hindi man lang nila nakaharap ng maayos ang ama nila.
Ni hindi pa rin sila nakikilala ni David o kung alam ba talaga niyang may mga anak siya sa akin.
Maaaring alam niya pero hindi niya lang talaga tinanggap ang mga ito noon. Hindi niya ako pinanagutan.
Biglang sumagi sa isipin ko si Nicole Ruiz, ang babaeng naging classmate niya noon at siyang pinakasalan niya. Naging kaibigan ko rin siya noon pero nalaman kong pina-plastic niya lang pala ako nang dahil kay David.
Si David pala talaga ang pakay niya at siyang naging anay sa relasyon naming dalawa.
Ayoko na sanang balikan pa ang mga tapos na lalo't wala na siya. Ang balita ko ay namatay siya sa isang aksidente kasama ang isa pang babae ng asawa niya.
Nagkaroon din sila ng anak ni David, si Dominic Ace Delavega habang naiwan din sa kanya ang isa pa niyang anak sa babae niya, na si Dylan.
Nalaman ko lang din kasi mula sa mga barkada niya na noong nagpaalam siya sa akin na isasama siya ng Dad niya patungong ibang bansa para sa business trip ay nakakilala din siya doon ng isang magandang babae, nagngangalang Lanie Cole at naging anak nila si Dylan Cole Delavega.
Napailing na lang ako at natawa ng mapakla. Hindi ko akalaing pinaglaruan niya lang ako noon. Hindi lang ako, napakarami pang babae. At ngayon ay inuumpisahan na naman niyang guluhin ang buhay ko.
Hinding-hindi na ako makakapayag pa. Gustuhin ko mang makipag-ayos sa kanya, iyon ay para na lang sa mga anak naming dalawa at hindi sa kung ano pa man.
Tinapos ko na ang almusal ko at muling naggayak ng sarili ko para sa pagpasok muli sa trabaho bilang teacher ni Rain.
Kailangan kong magpatuloy at mas maging matapang dahil may posibilidad na hindi ako titigilan ng David na 'yon.
Tsk. Akala niya yata ay kasing hina pa rin ako ng dati, na madali niya lang mabibilog tulad noon.
D'yan siya nagkakamali.
I looked at myself in front of the mirror.
Nakalimang palit na yata ako ng mga damit pero wala pa rin akong makuhang maayos. I mean, my clothes are all fine pero bakit ngayon, parang hindi ko na sila matipuhan.
Tsk. Kailangan ko na yatang mag-shopping ulit.
Parang ang pangit-pangit ko sa mga damit ko ngayon. Parang ang losyang ko tingnan at parang ang tanda-tanda ko na! Matanda naman na talaga ako. Tsk.
I took off my pants and blouse again. Kumuha ako ng isang long sleeve sheath dress na color dark purple. Mabilis ko itong isinuot.
Humakab ang tela nito sa katawan ko kaya naman kitang-kita ang buong hugis ko.
"Oh, wow! Nice, I think I'm too sexy here."
Maka-ilang ulit akong umikot sa harap ng salamin at pinagmasdan ang hitsura ko.
"So gorgeous, stunning Wilma Llona." I immediately smiled to myself.
Nakuha ko ang halos perfect body shape ko mula sa kaka-exercise ko, gym at kung ano-ano pang mga activities kasama ang mga anak ko, kasama na rin ang healthy diet ko and maintenance. And I really maintain my good looking and good posture for my own pride, self confidence in facing anyone and anywhere I go.
'Yon na ako ngayon, matapos ang mga masasakit na pangyayari sa buhay ko.
Pinatungan ko ng isang beige coat dress ang damit ko.
I picked up my red lipstick and applied it to my lips. Gumamit ako ng isang mamahaling perfume sa leeg ko at iba pang parte ng katawan ko bago ko dinampot ang bag ko. Isang black stiletto heels naman ang ipinares ko sa mga paa ko at okay na ako.
I immediately picked up my car keys and walked out of my room.
Pagdating ko sa ibaba ng bahay ay naroroon na ang mga kasambahay ko at naghihintay sa akin.
"Ingat po kayo, Ma'am."
"Ang sexy niyo naman po, Ma'am."
"Mas lalo po kayong gumanda!"
"Parang bumabata po kayo ngayon, Ma'am."
"Thank you. Ang bahay, ha?" Napapangiti ako sa mga papuri nila sa akin kahit palagi ko naman 'yang naririnig mula sa kanila.
"Opo! Kami na po ang bahala. Ingat po kayo!"
Sumakay ako sa loob ng kotse ko paglabas ko ng bahay. They immediately opened the gate for me.
Medyo gumanda na ulit ang mood ko at maaliwalas nang muli ang pakiramdam ko. Excited na ako sa pangatlong araw ng trabaho ko.
Ilang sandali lang ay nasa gitna na ako ng biyahe. Medyo na-stock ako sa traffic pero nama-manage ko pa naman ang sarili ko na hindi mainis. Gusto kong makarating kaagad sa condo building.
I looked at my wristwatch. It's only eight-thirty in the morning and it's still too early. My work starts at 9 am.
Nang makahanap ako ng pagkakataon na may maluwag na bahagi ng linya sa kanan ay kaagad akong umabante at kinabig ang manibela ko patungo sa kanan.
Mabuti na lang at nakalusot ako kaagad pero binusinahan ako ng matindi nang nasa likuran ko.
Sinilip ko siya sa rearview mirror. Isang black Mercedes-Benz ang naroroon pero hindi ko maaninaw ang driver dahil sa tinted ang glass ng kotse niya.
"Hmp! Bahala ka d'yan. Ang bagal mo, eh. Ingat na ingat sa mamahalin niyang kotse."
I just continued driving and ignored the car that kept honking at me.
B'wisit. Hindi ko naman siya nasagi. Ano bang problema niya? Naungusan?
Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho ko upang makalayo sa kanya ng tuluyan. Hanggang sa makarating na nga ako sa condo building.
Kaagad kong ipinasok sa parking lot ang kotse ko at doon ipinarada.
Sinipat kong muli ang sarili ko sa harap ng salamin. Dinagdagan kong muli ang lipstick ko at pabango ko dahil pakiramdam ko ay nabawasan sila sa katawan ko.
Ilang ulit ko ring sinuklay ang buhok kong hindi kahabaan at kanina ay medyo pinakulot ko ito ng kaunti.
Bitbit ang bag ko ay lumabas na ako ng kotse ko. Ngunit muntik na akong mawalan ng balanse nang bigla na lamang bumulaga sa harapan ko si David na ngayon ay nakasandal sa isang black Mercedes-Benz na nakahinto sa tabi ng kotse ko.
Madilim ang anyo niya at matalim ang mga tingin sa akin.
"Ganyan ka ba ka-walang ingat magmaneho ng sasakyan? You almost had an accident!" aniya ngunit pansin kong ang mga mata niya ay lumilibot na naman sa kabuuan ko at kusa na namang gumagalaw ang adam's apple niya sa leeg.
Ako naman ay hindi na masukat kung gaano kabilis tumitibok ang puso ko sa mga sandaling 'to habang nakatitig din sa napakakisig niyang postura at linis ng mukha.
Bigla ngang nawala ang ilang bigote niyang kahapon lang ay naroroon pa. At napakalinis din ngayon ng buhok niya. Parang hinimod ng baka sa kintab at kinis.
Humahalimuyak din ang napakabango niyang amoy na kay sakit sa ilong.
Nagpapapogi ba siya? Mukhang pinaghandaan niya ang araw na ito.