bc

Short Stories and Poems

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
second chance
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

"Read, be Free"Want to read a short poem/stories? I got you!!#shortstories #poem

chap-preview
Free preview
Way Back to Year 1981 (Genre: Historical fantasy, Romance, Drama)
Ako si Celine Guzman at maniwala man kayo o sa hindi ay bigla nalamang akong napunta sa nakaraan, sa taong 1981... Time travel?? Di ko rin alam... Pero nagkaroon ako nang ibang pangalan at pamilya ngunit ang nakapagtataka ay hindi nagbago ang pisikal na itsura ko. Ngunit alam nyo ba kung ano ang mas nakakabaliw sa nangyayari sa buhay ko ngayon?? T*ngina nasa gitna lang naman ako ng gyera. s**t! Mamatay pa yata akong single! "Binibini, sumunod ka sa akin at ikay dadalhin ko sa isang ligtas na lugar!" Nagulat ako ng bigla akong kaladkarin ng isang lalaki. Hindi ko makita ang muka nito dahil nauuna itong tumakbo habang hawak ang kamay ko. Pansin kong matipuno ang likod at matangkad ang height nito, magaspang man ang kamay nito but it's warm enough to calm my panicking heart. "Ako man ay nagtataka kung bakit ang binibining tulad mo'y nasa gitna ng gyera ngunit hindi na'ko mangangahas na magtanong pa sapagkat nais ko lamang ang kaligtasan ng isang magandang binibining tulad mo. Maari ko bang malaman ang iyong pangalan?" Anito saka biglang lumingon sakin s**t- shoti!! Wait- sinabihan nya ko ng maganda! Wahhh!! Kinikilig akooo! "A-ako si..." Napatitig ako sa mga mata nito na tila nangaakit. "Ayy sorry! Ako si Celine." Nakangiti kong ani. Nagtaka ako ng unti-unting nagkunot ang noo nito. "Ikaw ba ay may lahing Amerikano? Ang iyong pangalan ay kakaiba gayon din ang iyong gamit na lengwahe." I noticed how he suddenly became wary of my presence. "N-no! I'm not an American- I mean- hindi ako amerikano pero napag-aralan ko kase yung salitang ingles kaya... ayon..." Nagha- hysterical kong sambit. Totoo naman yung sinabi ko ah! Wala talaga akong lahing American siguro Chihuahua meron pa. Hehe... "Ang pananalita mo'y kakaiba rin...?" Puno ng pagtataka ang itsura nito. "Anyway, may pangalan ka ba kuyang pogi?" Inilapit ko ang muka ko rito dahilan upang mapaatras ito. So cute... "A-ako si M-Miguel Santiago, isang heneral." Utal na anito. Saka biglang napa pikit. Wait- akala nya ba hahalikan ko sya? Pft! Lalo kong inilapit ang distansya namin habang sya nama'y pilit na umaatras. Pakipot. tsk! Tsk! Nawalan ako bigla ng balanse ng bigla kong maalala kung sino si Miguel. Teka lang... Sya si Heneral Santiago? Ang matapang at makisig na bayaning kinahuhumalingan ng mga babae ngunit namatay daw na na single nung unang panahon?? "Binibini, maari ka bang umalis sa ibabaw ko't baka may makakita sa ating posisyon at sila'y mag isip ng h-hindi ka nais-nais." Nautal pa ito. Dahil sa sinabi nito, bigla kong na realize kung anong posisyon namin ngayon. s**t. Nasa ilalim ko lang naman sya tang*na muka akong manyak na hinaharas ang inosenteng lalaki na to!! Nagmamadali akong umalis mula sa pagkakapatong rito. "A-aalis muna ako binibini-" "Tawagin mo nalang akong Celine ko." Pagputol ko sa sasabihin nito sabay kindat. Nawiwirduhan lamang itong tumingin sakin sabay iling. "Tsk... Aalis muna ako.." Walang emosyong anito. "Alam mo? Minsan cold ka pero minsan naman sweet ka, pinaglihi ka ba sa snowbear?" Tanong ko. "Ano ba ang snowbear?" Nagtatakang tanong nito ngunit kalaunan ay napabuga nalamang ng hangin. "Aalis muna ako binibini, ako'y babalik bukas upang hatiran ka ng makakain." "Ah... Ganon ba? Ihahatid nalang kita sa sakayan." Hindi naman ito tumanggi. Katulad ng ine- expect ko ay maraming nagkakagulo sa labas dahil sa giyerang nang yayari. "Aalis na ako, paalam. Pangakong ako'y babalik rin kinabukasan-" naputol ang sasabihin nito ng bigla ko itong hinalikan. "Pakiusap bumalik ka at ingatan mo ang iyong saril, Miguel ko." Aniko ng humiwalay mula sa pagkahalik rito. Bakas ang gulat sa muka nito ngunit agad ring umalis nang tawagin sya ng mga kasamahan nito. Bumalik ito kinabukasan, nagulat pa nga ako kase nagising akong nakatitig si Miguel sa muka ko. Bigla tuloy akong na conscious kung pano ako matulog. "Kamusta ka binibini?" Tanong nito sabay ayos ng buhok. Somehow... It gives me warmth. "Ayos lang ako Miguel ko." Nakangiti kong ani. Nang matapos ito sa pag-aayos ng buhok ko ay napansin ko ang sugat nito sa muka. "Hala may sugat ka. Tsk! Tsk! Ingatan mo nga yang gwapo mong muka!" Suway ko rito. Sya naman ay napatitig sakin and I realize na nahawakan ko pala ang muka nito ng hindi ko namalayan. "Ayy... Hehe... Di kita tinatyansingan hah! " Depensa ko sabay palo sa braso nito. "Aray!" Daing nito. Hala may sugat pala si Miguel ko sa braso kawawa naman ang mahal ko... Lumipas ang ilang araw ay natapos rin ang gyera. Nanalo ang hukbo nila Miguel dahil sa pamumuno nito'y naligtas ang maraming mamamayan ng Pilipinas. Ako naman ay dinadalaw dalaw lang ni Miguel para mahatiran ng pagkain. Ihahatid nya naman daw ako sa pamilya ko pag natapos na ang gyera. "Magandang hapon binibini." Ang gwapong muka nito ang bumungad sakin. "Magandang hapon din Miguel ko!!" Masiglang ani ko na ikinangisi nalamang nito. Nasanay na siguro ito sa kalandian ko. "Handa ka na bang bumalik sa pamilya mo?" Tanong nito habang inaayos ang buhok ko. Bigla akong nanamlay sa tanong nito. In the past few days na nandito ako sa mundo nang nakaraan ay sya ang laging nandyan sa tabi ko. Nakakatawa man kung iisipin ngunit tila nahulog na ang loob ko kay Miguel. Sino ba naman kaseng hindi mahuhulog sa gwapo na nga gentleman pa na tulad nya, idagdag pa na matapang ito at may paninindigan sa sariling bansa. "Kapag ba sinabi kong gusto ko pang makasama ka, papayag ka?" Natahimik ito sa tanong ko. "Gustohin ko mang makasama ka ngunit patawad aking binibini, pagkat ang mundo natin ay magkaiba." Tila sinaksak ang puso ko sa sinabi nito. Alam kong ang ibig-sabihin nito'y ang buhay nya bilang heneral at ang buhay ko bilang normal na tao ngunit para sakin iba ang ibig sabihin ng mga salita nito. I came from future while he came from past, tunay ngang magkaiba ang mundong ginagalawan namin. "N-naiintindihan ko." Hindi ko namalayang pumatak na pala ang luha ko. Bw*set na luha to! Nagulat akong makaramdam ng yakap. Lalo akong napahagulgol sa ginawa nito. Lord! Bakit naman ganto?! Maya-maya pa'y kumawala ito sa yakap at hinawakan ang muka kong basa na nang mga luha. "Tumahan ka binibini. Nais ko lamang gawin ang nakakabuti para sa iyong kaligtasan." Anito. Pakiramdam ko ordinaryong babae lang ako sa mga mata nito. I can't see love or even passion on his eyes towards me. Kahit onti lang, hindi ba talaga ako nito nagawang mahalin?? Ang unfair naman non... "Okay, babalik na ako sa pamilya ko. Kakalimutan kita. Kakalimutan kong minahal kita!! Pangako..." Sinubukan kong ngumiti kahit na punong-puno na ako ng luha saka ako tumakbo palayo... Palayo sa kinaroroonan nya. Napatitig ako sa isang papel dito sa museum. Hindi ko alam kung panong nandito ako bigla ngunit ang huli kong naalala ay kasama ko pa si Miguel. Napahawak ako sa muka ko. There's a trace of tears. I time travel again, right? Napatingin ako sa paligid, mukang bumalik na ako sa present, sa tunay na mundo kung san ako nararapat. Tila tinutusok ng karayom ang puso ko sa tuwing naalala ko si Miguel. Napabaling ng atensyon ko sa detalye tungkol sa papel na mukang liham. Ayon rito isinulat ito taong 1981 at isinulat ito ni- "Heneral Santiago, Miguel?" Napatingin ako sa linalaman ng liham at binasa ito. 'Mahal kong Celine, Tayo ay pinagtagpo ng tadhana sa hindi kanais-nais na oras at panahon ngunit ako'y nagpapasalamat at nakilala kita. Hindi ka pangkaraniwang babae kaya nama'y nakuha mo ang atensyon ko lalo na nung araw na ako'y biglang ninakawan mo ng isang halik. Nais kong manghingi ng tawad, patawad kung ika'y pinakawalan ko pagkat palagay ko'y ito ay ikabubuti mo ngunit maniniwala ka ba kung sasabihin kong nasaktan ako ng umalis ka nalamang bigla. Huli ko nalamang napagtanto na ako pala'y umiibig ng lubos sayo. Sinubukan kitang hanapin ngunit ika'y tila naglaho na parang bula. Napagtanto ko isang araw, na ikaw pala'y hindi na nakauwi pa sa pamilya mo. Patawad mahal ko, kung ikaw ay pinakawalan ko sana ako'y maalala mo parin, sana ako parin ang laman ng iyong puso hanggang sa huli pagkat ikaw lamang ang laging naging laman ng isip ko, tanging minahal ko at ang tanging mamahalin ko hanggang sa aking huling hininga, Celine ko. Lubos na nagmamahal, Miguel Santiago.' Napahagulgol ako sa nabasa at napaupo nalamang na nanghihina sa sahig. Pano ko kakalimutan ang unang taong minahal ko?? Paano ko kakalimutan ang taong nanakit, nag-alaga, at nagmahal sakin? Paano ko kakalimutan ang ilang araw na pagprotekta at pag-aalaga nito sakin? Paano ako kakalimutan ang unang lalaking natutunan kong mahalin? Paano?? Lalo akong napahagulgol sa sakit na nararamdaman ko. Minahal nya ko kung kailan huli na. Minahal nya ko ngunit masyadong mapaglaro ang tadhana. Nagmahalan kami sa maling panahon at napakasakit isiping hindi kami maaring magsama dahil siya'y isang nakaraan ng mundo ko, habang ako nama'y hinaharap ng mundo nya. Ang makalimutan siya'y imposible. S'ya at s'ya lamang ang mamahalin ko sa nakaraang panahon man o sa kasalukuyan hanggang sa hinaharap, ikaw lamang, mahal kong Miguel... ~The end

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
109.0K
bc

ONE NIGHT WITH MY BOSS BILLIONAIRE (SPG/FREE)

read
10.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
144.8K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K
bc

POSSESIVE MINE

read
976.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
82.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
141.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook