“Nay, aalis na muna ako saglit at mag-ingat po kayo rito. Hayaan niyo na po ang mga gawain dito sa bahay dahil ako na ang bahala nito bukas pagka-uwi ko. At paminsan-minsan naman po ay utusan niyo rin si Tina.” Bilin ko sa ina dahil ilang araw pa lang mula nang makauwi ito galing sa hospital. Nag-aalala ako at baka mabinat na naman siya dahil sa pagod. “Anak, baka ikaw naman ang magkasakit niyan sa kakayod? Gabi-gabi kang pumapasok sa trabaho tapos sa umaga ay konti lang ang tulog mo,” malungkot at nag-aalalang tanong ng ina pero nginitian ko lang si Nanay para hindi na ito mag-aalala. Mas nag-aalala ako sa kalusugan niya at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kaniya. Siya na lang at ang kapatid kong si Tina ang natitirang kayamanan ko sa buhay at nanga