Chapter 15

1185 Words

“Dok, magkano po ba ang kailangan para sa operasyon?” “We need five hundred thousand for a downpayment and the rest after the operation.” “Ibig niyo pong sabihin ay aabot ng isang milyon ang kakailanganin sa operasyon? Hindi pa kasali ang mga resita at gagastusin sa hospital?” Tumango ang Doktor at napahilamos na lamang ako sa aking mukha. Saan ko naman hahanapin ang isang milyon sa mismong araw na ito? Mababaliw na talaga ako kakaisip at ilang beses na ring sumagi sa isipan ko na humingi ng tulong sa aking ama. Pero masyado akong mapagmataas sa sarili kapag ang Tatay na ang pinag-uusapan. Tinuring kong patay na ang ama simula ng iniwan niya kaming lahat. Naging masakitin si Nanay dahil sa stress at nag-isa lang siyang tumaguyod sa aming magkakapatid. Inabandona niya kami at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD