Hindi ako nakatulog sa buong byahe dahil nag-e-enjoy akong tingnan ang taong katabi ko ngayon. Walang iba kundi ang pinakagwapo kong nobyo na si Kokoy. Ang swerte ko talaga dahil napakabait niya sa kaniyang pamilya. At kapag kami na ang nakabuo ng sariling pamilya ay tiyak na tiyak akong aalagaan niya rin kami, gaya ng pag-aalaga niya sa Nanay at kapatid niya. "Kanina ka pa tumititig sa akin baka matunaw na ako niyan." "Ang gwapo mo kasi." "Pwede ba Teria, tumigil ka dahil naiilang ako!" seryoso siyang angal pero hindi ako nakinig. "Koy, bakit ba Kokoy ang pangalan mo?" "Ikaw bakit Teria ang pangalan mo?" natatawa niyang balik tanong sa akin. Kumikislap ang kaniyang mga mata at ang pantay-pantay na mapuputi niyang ngipin ang bagay na bagay sa kaniyang mga labi. "Ewan, ko ka