"Koy, pwede bang tumigil muna tayo sa pharmacy kapag may nadaanan tayo," sabi ko kay Kokoy habang hindi pa kami nakarating sa destinasyon namin sa Laguna. Tahimik siyang tumango at nakapokus sa pagmamaneho. Masyado siyang tahimik at hindi ako komportable. Kanina ko pa sinusubukan istorbohin siya at magbukas ng paksa pero tumatango lang siya o 'di naman kaya ay ngumingiti lang sa akin. Masyadong plastik ang mga ngiti niya kaya alam kung may iniisip siya. "Pagod ka na ba? Gusto mo palit na muna tayo para makapagpahinga ka naman kahit saglit lang." Alok ko sa kaniya at mukhang malalim pa rin ang iniisip. Pakiramdam ko nga ay hindi niya ako naririnigsa mga tanong at mungkahi ko. "Kung inaalala mo si Nanay at Tina, nag-hire ako ng caregiver para sa kanya. Hindi na ako nagpaalam da