Chapter 9

1456 Words
Binati ako ng lahat ng nakakasalubong ko at tanging ngiti lang ang aking itinugon. Lahat sila ay masaya sa tuwing nakikita ako ngunit pagdating sa loob ng conference room. Sa tuwing may meeting ay halos naiihi na sila sa sobrang takot sa akin. Ayaw ko mang maging masyadong masama sa kanila ngunit pagdating sa trabaho ay wala sa vocabulary ko ang konsiderasyong sapat na. I want everything to be excellent and that won’t happen if I don’t be strict at work. When we were in front of my office, my secretary would have opened the door for me but I stopped her from continuing. Tumango ito at pinabalik ko na siya sa kaniyang table. Dumiretso na siya nang upo sa kaniyang cubicle kasama ang ibang mga employee ko sa aking kompanya. I grabbed the door knob and before I could open it I let out a loud breath. Pagkapasok ko pa lang ay nairita na ako kaagad sa mukha ni Jairus. Nakaupo ito sa couch sa loob ng aking opisina at napadiretso ng tayo nang makita ako. Maaliwalas ang kanyang mukha at mukhang pinaghandaan niya ang pagdalaw sa akin. "What are you doing here?!" matigas kong tanong sa kaniya. "Do you have a business appointment with me?" I kept asking my ex-boyfriend when he didn't speak. I noticed that he was a little embarrassed but I really meant it so that it wouldn't bother me anymore "Babe, nandito ako para ayusin natin ang relasyon natin. Alam kong mahal mo pa rin ako kaya tatanggapin pa rin kita kahit na nagkasala ka sa akin, Teria. Hindi pa naman huli ang lahat at nagsisisi na rin ako sa lahat ng mga kagaguhan kong nagawa sa 'yo. Sana ay bigyan mo pa akong ng huling pagkakataon, babe," madamdamin niyang wika at akma sanang lalapit sa akin. Ngunit bago pa man siya makalapit ay pinigilan ko na siya. Kinompas ko ang aking kamay upang manatili siya sa kaniyang kinatatayuan. "Jairus, first of all I want you to know that I have never sinned against you. Hiwalay na tayo bago ako nagkaroon ng bagong boyfriend. At hindi na natin maayos ang relasyon natin dahil ilang beses mo ng sinira ang tiwala ko sa 'yo, Jairus. May mahal na ako kaya hayaan mo na lang akong maging masaya. Nakikiusap ako sa 'yo at please lang 'wag mo na akong guluhin." "Teria, please 'wag mo naman ipagkait sa akin ang isa pang pagkakata—" "Jayrus, can you please just leave!" singhal ko sa kaniya habang tinuturo ang pintoan palabas dahil alam ko na ang patutunguhan ng usapang ito. "Don't bother me anymore and just leave before I decide to call the guard and drag you outside!!" putol ko sa kaniyang sinabi at wala na akong balak na pakinggan pa ang mga paliwanag niha. "You are the reason why I fall in love with him. Kaya lubayan mo na ako at 'wag na 'wag ka na ulit magpapakita pa sa 'kin kahit kailan!" "Hindi!" umiiling niyang sabi bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Hinding-hindi ako makakapayag na isang waiter sa isang bar lang ang ipapalit mo sa 'kin, Teria! Sa dami mong pwedeng maging nobyo, 'yong pa talaga!" matigas niyang reklamo at kung makapagsalita ay parang nakakainsulto na. Ang kapal talaga ng mukha niya at kung tutuusin ay mas marangal si Kokoy kahit saang banda tingnan kaysa sa kaniya na manloloko at mukhang pera. "You know what? Feeling ko hindi ka pa nahihimasmasan. Umuwi ka na lang at matulog sa inyo para gumaling 'yang utak mo. And aside from that you can gain a morning star," naiinis kong tugon at hindi ko na kayang pigilan ang init ng ulo ko sa kaniya. Pinagtabuyan ko siya nang paulit-ulit dahil hindi ko na siya gusto pang kausapin. Masyado siyang mahangin para bigyan ko pa ng pansin. "Ang yabang mo na porque ba may bago ka ng boyfriend. Akala mo naman kung sino'ng gwapo!" Tinaasan ko siya ng kilay at sa unang pagkakataon ay lumabas ang aking katarayan. Never akong nagtaray lalo na kung hindi naman ito business involve. "Bakit gwapo naman talaga ang Kokoy ko ha!" pagmamayabang ko at 'yon naman talaga ang totoo. Kokoy's handsomeness didn't even reach his little finger Natawa siya ng pagak na para bang nakakaloko. Umiiling pa ito na parang nakakainsulto bago nagsalita. "Tsk, hindi kayo bagay, Teria! Sa tingin mo ba seseryosohin ka ng waiter na 'yon?" "Bakit sino ba dapat? Ikaw?" Sinipat ko siya nang tingin mula ulo hanggang paa. "Eh, kung tutuusin ay mas karapatdapat pa si Kokoy sa 'kin kaysa sa 'yo! Ang kapal ng mukha mo para pagsabihan ako kung sino ang ipapalit ko sa 'yo at wala kang karapatang magsabi kung sino ang babagay sa akin. Bakit ano ba'ng ginawa mo sa 'kin noon? Ni minsan ay hindi mo ako pinahalagahan. Kung tutuusin, I should be the one to complain about why you used to be my boyfriend back then. I get so annoyed and I feel guilty and sorry for myself when I think about why I answered you then. Eh, malayong-malayo ka naman sa Kokoy ko, ha! Sa mukha pa lang talong-talo ka na! Wala ka ngang abs tapos ang lakas pa ng loob mo para ikompara ang sarili mo sa Kokoy ko!" "Teria, gumising ka. Akala mo ba talaga mahal na no'ng taong 'yon? Sa tingin mo seseryosohin ka talaga niya?" "Why not? Is it because he is surrounded by women at work kaya hindi na pwedeng maging loyal sa akin ang tao? Hindi siya katulad mo Jairus!" "Teria, I'm sorry pinagsisisihan ko na ang lahat at isa pa kasalanan mo rin naman kung bakit ako nagkasala sa 'yo. Masyado kang abala sa trabaho at walang oras sa akin." "Umalis ka na!" Malakas kong sigaw dahil hindi ko na nagugustuhan ang lumalabas sa bibig niya. Naninira siya ng tao at naninisi pa. "Umalis ka na bago ko pa tawagin ang guard!" seryoso at maawtoridad kong banta sa kaniya para tigilan ako. Wala na itong nagawa kundi umalis na lang. Alam niyang seryoso ako sa aking sinabi dahil namumula na ang aking mga mata sa galit. Parang gusto kong umiyak ng sobrang lakas dahil pinamumukha niya na walang seseryoso sa akin. Tuloy ay marami akong tanong sa sarili ko kung ano ba ang wala sa akin na meron sa iba. Sa buong araw ko sa trabaho at hanggang sa matapos ang oras ng trabaho ay nakaramdam ako ng matinding lungkot. Suddenly I feel so empty, the kind of feeling that I can't explain. Hindi ko alam pero apektado ako sa mga sinabi ni Jairus kanina. Hindi ko siya dapat isipin ang sinabi niya pero hindi ko talaga maiwasan. Wala namang tamang dahilan para maging malungkot ako pero bakit iyon pa rin ang nararamdaman ko? Sa hindi malamang dahilan ay hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko sa LiquiDoze bar. Hinanap ko si Kokoy pero ang sabi ay hindi siya naka-duty ngayong gabi dahil rest day niya. Nagtanong ako sa mga kaibigan niya kung nasaan ang address niya. Mabuti na lang at sinabi sa akin ng bartender. Napagkamalan pa niya akong girlfriend ni Kokoy dahil nakita niya raw kami ni Kokoy na magkahawak kamay ng huli niya kaming nakita. Napangiti na lamang ako dahil sa aking narinig. Ang sarap pa lang marinig na girlfriend ako ng isa sa mga hot at gwapong lalaki sa Kanto Boys. Ewan ko ba pero bakit kaya ako kinikilig? Gusto ko tuloy pagalitan ang aking sarili dahil masyado akong naging malandi. "Thank you." Tumango lang ang bartender sa akin at pinuntahan ko na ang masabing address. Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa utak ko kung bakit bigla ko na lang naisipang sumugod sa gyera ng walang bala? Wala na akong pakialam kahit tawagin niya pa akong desperada. Ang gusto ko lang naman na kahit papaano ay gumaan naman ang pakiramdam ko. Pagod na akong kulitin ni Jairus at alam kong hindi niya ako titigilan lalo na kapag nalaman niyang nagsisinungaling lang ako. Malalim na ang gabi pero lakas loob pa rin akong sumulong sa lugar ni Kokoy. Ang sikip ng daan patungo sa kanila kaya wala akong choice kundi lakarin ang maliit at masikip na kanto patungo sa bahay nila. Buong buhay ko ay hindi ako pinalaking maarte ng mga magulang ko. Hindi rin ako matapobre pero hindi ko maiwasang masuka sa mabahong amoy na kasalukuyan kong nalalanghap ngayon. Hindi ko matukoy ang baho dahil sa naghalo-halo na ang mabahong amoy galing sa basura at kanal. Mayroon ding amoy na 'di ko masikmura dahil parang bulok na pagkain at patay na daga. At kung minamalas ka nga naman ay baka makaapak pa ng mga tae dahil sa mga diaper na nagkalat sa daan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD