CLAIRE POV Halos huminto ang mundo ko sa mga sandaling ito. Hindi ko lubos akalain na ang unang halik na dadampi sa aking labi ay mangyayari sa isang airport at masasaksihan ng ibang tao. At ang kahalikan ko pa ay ang taong hindi ko naman mahal. Magkahalong kaba at kakaibang saya ang naramdaman ko. Ito yung moment na parang ayaw kong mawala kahit na nahihiya ako at somehow ay gusto kong kumalas. "Naks naman! Second day pa lang may landian nang nagaganap ha?" Parehas kaming napahinto ni Alex sa aking matamis na halikan at napalingon kay Miko na dala ang kanyang pulang maleta. Nakangiti ito sa amin. "Pare kanina ka pa ba nanjan?" gulat na tanong naman ni Alex sa kaibigan niya. "Hindi naman, actually kakarating ko lang kasi pero ang dami ring mga tao ang nakatingin sa inyo. Mukhang