CLAIRE POV "Kahit sang lupalop ka pa ng mundo magtago, mahahanap at mahahanap kitang babae ka! Hinding hindi ka makakapag tago sa akin!" Habang binabasa ko ito, hindi ko maiwasan na marinig ang boses ni Mr. Donny! Siya lang naman ang bukod tanging tao na magsasabi sa akin nito. Halos mabalot ako ng takot sa aking katawan. Never kong maiisip na magiging isang stalker ko ang lalaking muntikan na akong halay*n. Napayakap ako sa aking katawan. I am shaking like hell, hindi ko lubos maisip na mangyayari ang lahat ng ito. Habang nanginginig ako sa takot, nakatanggap na naman ako ng isang text message galing sa parehas na number. I was not supposed to read it but my curiosity is out of control. "I hired a hundred of people just to look for you. But if you do not show yourself within a week,