DONNY POV Kinagabihan, sobra na akong natataranta sapagkat hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung nasaan si Claire. Sobra ko na itong nami miss. At gagawin ko ang lahat para lang matunton ko kung nasaan ang kinalalagyan niya. Kahit na nasaang lupalop pa siya ng mundo nagtatago, titiyakin ko sa kanya na gagawin ko ang lahat para lang matunton siya. Hindi siya makakalusot sa akin at kung sino man itong tumutulong sa kanya, titiyakin ko na matindi ang parusang naghihintay rito. Nagawa ko nang makapatay noon at kayang kaya ko itong gawin ulit ngayon. Habang nandito ako sa balcony ng aking malaking kwarto ay humihithit ako ng sigarilyo at pinag mamasdan ang malaking mansyon ko. Masaya naman ako sa narating ko pero aminado ako na parang mayroon pa ring kulang- at ito ay walang iba kun