CHAPTER 2

1030 Words
CLAIRE POV Maging ako, halos tumigil ang mundo ko ng makita ko ang lalaking ito. Kahit na parang nasa 40's na siya, ang hot niya pa rin lalo na't nakasuot siya ng blue polo shirt. Mayroon siyang matangos na ilong at kulay blue na mga mata. Parang nasa six footer rin kanyang height. May dala siyang isang maleta. Ang lakas ng dating niya sa akin kahit na daddy figure siya. Para akong isang aso na naglalaway sa buto. Umupo siya sa harapan namin at nilapag ang maleta niya. Ngumiti ito sa akin na para bang kilala niya ako. "Miss Claire, I would like to introduce you to Mr. Donny Dominguez, ang sinasabi kong multi billionaire na lalaking balak bilhin ang lupain mo," pag eexplain ng bank agent sa akin. "Can you give us five minutes to talk privately?" pakiusap ko sa lalaking agent, mukhang mabait naman itong si Mr. Donny at pwede ko siyang daanin sa pakiusapan. "Pero-" "Sige iwan niyo muna kami," pagputol ni Mr. Donny sa lalaki. Umalis na silang dalawa at humarap ako kay Mr. Donny ng nakangiti. Ayaw ko naman na isipin niya na suplada akong babae. Inabot niya ang kanyang kamay sa akin. "For formality lang, my name is Donny, and please do not think that I am a billionaire. While having that title is nice, normal na lalaki pa rin naman ako." Ang fluent ng accent niya sa English. Parang galing lamang siya sa ibang bansa. It's no wonder kung kulay asul ang kanyang mga mata. For sure, may lahit talaga siya. "My name is Claire Mendoza," nakangising sabi ko pa habang nakikipag handshake ako sa kanya. Parang nag spark ang puso ko ng mahawakan ko ang malambot at mainit niyang kamay. Ayaw ko na sana itong bitawan, kaya lamang ay kailangan umasta akong disente dahil nasa bangko kaming dalawa. "Ayaw ko nang magpaligoy ligoy pa sir. Nandito po sana ako upang makiusap sa inyo ng ilang araw na palugid upang bilhin ang mansyon ni lola. Lahat po ay gagawin ko para lang tubusin ito." Bigla na lamang siyang napatingin ng mainit sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano na ang mga iniisip niya sa sandaling ito. "Talaga? You mean, kahit ano ay gagawin mo para lamang para sa 100 million? Pero ayaw ko naman sanang maging sarcastic sayo. Kaya lang, saan ka naman kukuha ng ganoon kalaking halaga sa maikling panahon? Gusto ko na kasing tirhan ang mansyon na yun kahit na hindi ko pa nakikita." Kahit ako, blangko ang utak ko sa mga sandaling ito dahil hindi ko alam kung saan kukuhain ang perang ipapambayad ko sa kanya kung saka sakali. Ang hirap ng ganitong klase ng sitwasyon. "See?" sambit niya ng matahimik ako, "I badly need that mansion so sorry kung hindi ko mapapagbigyan ang kahilingan mo," pag tanggi niya. Para na naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Ang sakit sa dibdib ng mga sinabi niya sa akin. Mukhang sa kalsada na ako pupulutin nito. "Kahit anong paraan?" hirit na tanong ko pa, umaasa pa rin ako na kukurutin siya ng konsensya niya. Lumiyad siya at nag cross ng kamay sa kanyang mga dibdib, "Well, there is one thing I would like you to do for me kung gusto mo talagang bawiin ang mansyon." Halos mawala ang kalungkutan sa aking mga mata. Napalitan ito ng masayang ngiti. Sabi ko na nga ba eh, mabait na lalaki naman talaga itong si Mr. Donny. "At ano naman po ang kondisyon ninyo?" masiglang tanong ko pa, kahit na ano man ang kondisyon niya ay gagawin ko talaga alang alang sa lupa ng aking lola. "Meet me tomorrow at my office," wika nito sabay kuha ng kanyang wallet at hinila nito ang kanyang calling card papalapit sa akin. "You can directly contact me. I badly need a model for my clothing company. And I think you are perfect to become a model. Magbo boom ang brand ko. 10 am sharp. Don't be late." Model? Never ko naman naisip na maging isa akong model lalong lalo na't feeling ko ay para lang ito sa mga babaeng may magagandang mukha. Ni minsan nga ay hindi man lang ako nagandahan sa sarili ko eh. Pero dahil sa ito lang ang bukod tanging trabahong alok niya para sa akin, kailangan kong lunukin ang pride ko alang alang sa mansyon ng lola ko. "Makakaasa po kayo na pupunta ako," I said, giving him a reassuring smile. "Sige. Anyway, kung yan lang ang pinunta mo rito, then you already succeeded sa pag convince sa akin. As lon as magpunta ka sa office bukas, wala tayong magiging problema sa kasunduan. Don't worry, may isang salita naman ako and I am trying my best to be a good guy kasi balita ko ay namatay na si Lucy Dominguez." Nalungkot akong muli ng ipaalala niya ang biglaang pagpanaw ng lola ko. Kahit naman sa akin, masakit ang ganitong klase ng kapalaran. Subalit wala nang luha akong maipapatak sa aking mga mata dahil nailabas ko na itong lahat sa loob ng isang linggo niyang lamay. Suddenly, bigla na lamang siyang kumuha ng pera sa kanyang maleta at iniabot ito sa akin. Naka sealed pa nga ito at sobrang kapal. "Para saan po ito?" tanong kong may pag galang. "Abuloy ko para sa yumao mong lola. 100 thousand yan, umaasa ako na magagamit mo yan sa iba pang gastusin na iniwan ng lola mo." Kailangan na kailangan ko pa naman ng pera kaya mabuti na lamang at naging generous siya sa akin. Buong puso ko naman tinanggap ang perang ito sapagkat kailangan na kailangan ko talaga. Umuwi na ako pagkatapos naming magkita. Pero may mga pumunta na taga bangko rito at nag inspeksyon sila. Sinukat yung buong lupa at mayroon pa silang ibang ginawa. Mabuti na nga lang at nakausap ko si Mr. Donny, hanggang ngayon nga hindi pa rin ako makapaniwala na nasa kanya na ang lahat. Gwapo, mayaman, tapos matangkad. Siya talaga yung ideal guy ko just in case na papatol ako sa mas matanda sa akin. Kaya lang, sa tingin ko ay hindi siya makakalusot sa paningin ng mga babae sa gwapo niyang iyon. Baka nga marami na siyang anak eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD