CLAIRE POV "Basta ha? Wag na wag kang magsasalita kay Claire tungkol kay Vivian. Kasi bubuwelo lang talaga ako," pagpapatuloy pa ni Alex. "Alam mo, hindi mo naman kailangan na sabihin pa ang tungkol sa bagay na yan sa kanya kasi peke lang naman ang relasyon ninyong dalawa. At tsaka sa tingin ko naman, mas magfo fucus siya sa paghihiganti niya doon sa kapatid mong si Donny. Ano ba kasing kwento niyan? Ang sabi mo sa akin ikukwento mo sa akin pag nandito na tayo sa Canada?" So may ganito pala silang usapan na hindi ko alam? Pero ayos lang naman din ito sa akin, wala akong nakikitang problema. "Well, mas maganda siguro kung si Claire ang magku kwento niyan. Baka kasi iba pa ang kalabasan kapag sa akin nanggaling eh." This time, nagpasya na akong lumabas dahil gusto ko na ako ang magsala