CHAPTER 14

1004 Words

CLAIRE POV Ilang oras ang lumipas, bumalik na sila Alex at Mako sa loob. Masaya silang nagku kwentuhang dalawa. Nag pa order pa nga sila ng pizza para sa aming tatlo. Ito na raw ang hapunan naming tatlo. After that, bumalik na kami sa aming kwarto ni Alex. Dalawang araw na kaming magkatabi sa kama at sanay na sanay na ako na nakikita ko siyang walang ibang saplot kung di ang kanyang boxer shorts. Habang natutulog siya, hindi ko naman maiwasan mapatingin sa kanyang hubo't hubad na katawan. Nagtataka ako kung bakit hindi man lang yata ito tinatablan ng lamig kahit na naka heater kami. Samantalang ako naman, halos naka jacket na at naka kumot na lahat pero nilalamig pa rin ako. Kaya ng hindi na ako mapakali, lumabas muna ako at nag timpla muna ako ng kape upang malabanan ang lamig.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD