2 Hatian ng bahay

2097 Words
Doon nagsimulang nagbago si Dianne. Mula sa pananamit, pagsasalita, pati na rin ang pagkilos. Kasabay nang biglaang pag-alis ng daddy niya, bigla na ring nawasak ang mundo ni Dianne. Para siyang freak na lagi na lang naghahamon ng away. Bawal masagi...bawal makanti para siyang apoy na bigla na lang nagliliyab noon. Lagi niyang hinahanapan ng dahilan ang mga bagay-bagay at ini-enjoy naman ang kung anong mayroon siya. Mahirap na raw kasi baka bigla na namang mawala sa kanya.   She used to be her Dad's little princess. Lahat ng gusto niya ay ibinibigay nito: mga bagong damit, sapatos, laruan at gadget. Hindi siya nahuhuli sa kahit na anong uso. Kapag walang pasok sa opisina lagi nilang sinusulit ang  mga oras: kumakain sila labas, namamasyal kung saan-saan at nanonood ng sine. Masaya sila noon at ni minsan hindi niya narinig na nag-away ang parents niya. Kaya ganoon na lang ang pagkabigla niya nang bigla na lang maghiwalay ang mga ito. Ang sakit pa noon, walang ibig magpaliwanag kung bakit. Kaya naging mainitin ang ulo niya, naging pleasure niya ang manakit at mam-bully ng kapwa niya estudyante. Pati na rin ang makipaglaro sa mga walang kwentang lalaki na basta na lang nang-iiwan sa ere. Mula nang pumasok sa kwarto si Dianne nang umagang 'yon. Hindi na ito lumabas pa. Wala kahit anong laman ang tiyan nito dahil hindi rin naman ito lumabas nang katukin ni Janred para kumain ng tanghalian. Mag-a-alas-otso na nang gabi noon kaya muli itong kinatok ng binata para sa hapunan, pero hindi pa rin ito nagbubukas ng pinto. Kinuha ni Janred ang duplicate key na nakasabit malapit sa kusina atsaka niya binuksan ang pinto ng kwarto ni Dianne. "Dianne, hindi ka ba kakain?" mababa at malumanay ang boses na bungad niya kay Dianne. Pero hindi tumitinag ang dalaga na noo'y tila nakatingin lang sa kawalan at  napagod na sa pag-iyak. Yakap-yakap nito ang malaki at malambot na puting unan habang nakasubsob ito sa kama. Magang-maga na rin ang mga mata nito sa pag-iyak.  Naglakad si Janred papalapit sa kama atsaka siya naupo sa gilid nito. "Lumabas ka na. Hindi ako kakain," matigas ang mukhang sabi ni Dianne na noo'y nakatingin pa rin sa kawalan. "Look, Dianne, grow up. Malaki ka na. HIndi mo na dapat ginagawa ang mga ito," sabi ni Janred. Nagtaas ng paningin si Dianne at nakipagsukatan ng tingin sa kanya. "Ano bang pakialam mo sa buhay ko ha? Bakit ba nandito ka?" mariing tanong ng dalaga. Napailing na lang si Janred. Kung tutuusin kasi hindi rin naman niya gustong bantayan si Dianne. Nakompromiso lang siya sa laki ng utang na loob niya sa Tito Kiko niya. Si Dianne ang pinakahuling babaeng nanaisin niyang makasama dahil sa sobrang tigas ng ulo nito.  "Kung hindi lang ako baon sa utang na loob kay Tito Kiko, talagang iiwanan kitang mag-isa rito," galit at gigil nang sabi niya. "Wala akong pakialam sa utang na loob na sinasabi mo. Gawin mong gusto mo at gagawin ko naman ang gusto ko. Huwag mo akong pakialaman," mariing sabi ni Dianne. Pigil ang galit na tumayo si Janred at madilim ang mukhang humarap sa kanya. "Kung ayaw mong kumain, huwag mo! Magmukmok ka diyan hanggang gusto mo. Sino ba sa ating dalawa ang magugutom?" anito atsaka siya tinalikuran. Isang malakas na kalabog ng pinto ang narinig ni Dianne nang makalabas ito. Nagngi-ngitngit sa galit si Dianne. Of all people kasi, si Janred pa talaga ang taong naataasang mag-alaga sa kanya. Gayong alam naman ng mama niya kung gaano siya kagalit dito. Naisip niya  tuloy na ganoon na lang ba talaga kagalit sa kanya ng mama niya para ipagkatiwala siya sa babaerong si Janred. Kung tutuuisin naman sa edad niyang beinte-kwatro kayang-kaya na niyang mamuhayn ng mag-isa at hindi na niya kailangan pa ng gwardiya. Sa kusina tila nagdeklara na ng Civil War si Janred. Hinakot niya ang lahat ng pagkain sa refrigerator na nasa sala at inilipat niya sa personal ref sa kwarto niya. Hinati niya rin sa dalawa ang mga gamit sa bahay atsaka niya nilagyan ng marka ang kahatian ng bahay, sa bahaging kanan siya at sa kaliwa naman si Dianne. "Tingnan natin kung hindi ka magutom,"  ngingisi-ngising bulong ni Janred na noo'y nakangiti pang pumuwesto sa sofa. Paglipas nang ilang oras ay dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto ni Dianne. Titingin-tingin pa ito sa paligid na tila nagmamasid. Dahil nakapatay ang ilaw sa sala, hindi nito napansin na nakahiga noon sa sofa si Janred. Saktong nangangalkal na ito ng pagkain sa kusina nang bigla niyang binuksan ang ilaw sa sala. Noon lang napansin ni Dianne ang pagkakahati ng mga gamit sa bahay. May pulang tape na nakadikit sa sahig at sa mga gamit na hinati sa gitna ni Janred. "Anong kalokohan 'to? Anong ginawa mo sa bahay namin?" kunot ang noong tanong ni Dianne. Bahagyang naglakad papalapit sa kanya si Janred atsaka siya bahagyang itinulak papunta sa kaliwang bahagi ng kasina. "Since ayaw mo namang pakialaman kita, diyan ka sa kaliwa at ako sa kanan," nangingiting sabi nito. Napakagat sa labi si Dianne na tila nagpipigil ng galit. "Siraulo ka talaga! Saan mo nilagay ang pagkain  sa ref?" nanggigigil na tanong ng dalaga. Hindi sumagot si Janred na noo'y pinagtaasan lang siya ng kilay kaya malaki ang mga hakbang na pumasok siya sa kwarto nito. "Hep! Wrong move, my Dear. Hindi ka dapat umaapak sa terotoryo ko. Baka hindi ka na makalabas diyan,"  nang-iinis pang sabi  ng binata na noo'y humarang na sa pinto. Nanggigigil na naglakad papalabas ng kwarto si Dianne atsaka niya itinulak si Janred na noo'y nakaharang pa rin sa pinto. Padabog na bumalik siya sa kwarto niya atsaka niya ibinalibag ang pinto. Dahil masyado nang bugbog ang pinto sa kanilang dalawa, kusa na itong bumigay. Matapos niyang marinig ang tunog ng nag-lock na pinto, dali-dali niya itong muling binuksan. Pero bumigay na ang lock nito kaya kahit anong batak niya ay hindi na ito bumukas. "Sh*t! " sambit niya habang paulit-ulit na binabatak ang door knob. "Maganda 'yang ginawa mo na 'yan," narinig niya pang sabi ni Jared na noo'y  tumatawa sa labas.  Napaupo na lang siya at napasandal sa likuran ng pinto. Dismayadong napatingin siya sa itaas. Ano nga ba itong nangyayari sa buhay niya. Noong una si Daddy niya, ngayon ang mama niya naman ang umalis matapos siyang ihabilin sa siraulong si Janred. Mapamabait o masama siyang anak, iniiwanan pa rin siya. Napaisip tuloy siya, Ano nga bang dapat niyang maging, para hindi siya iniiwanan ng mga taong mahal niya? Maya maya pa narinig niya ang pagtunog ng pagkutkot ni Janred sa pinto. Kaya dali-dali siyang tumayo at lumayo  sa pintuan. Nang makalas ang door knob,  itinulak ni Janred ang pintuan. "Paano ba 'yan, wala ng lock ang pintuan mo," nangingiti pang sabi nito na tila nang-aasar. Napatiimbagang na lang si Dianne, alam niya kasing nagsisimula na si Janred sa pagmamanipula sa kanya at hinding-hindi niya iyon hahayaang mangyari. Nang inakala niyang tulog na si Janred, dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto niya at maingat na naglakad palabas ng bahay. Pero hindi pa niya halos naisasara ang pinto sa sala nakita na niya si Janred na noo'y nasa labas lang pala ng bahay. Madilim ang mukhang sinalubong siya nito. "Saan sa tingin mo ang punta mo?" anito na agad hinablot ang braso niya atsaka siya hinila papasok ng bahay. "Wala ka na 'ron. Bitiwan mo nga ako!" sigaw niya. Pilit siyang nagpupumiglas pero hindi bumibitaw sa kanya si Janred. "Kung ang mama mo hindi kayang baliin 'yang sungay mo. Ako, isasama ko pati  yang buntot mo," ani Janred na noo'y galit na itinulak siya sa kama. "Ano bang paki mo, ha?" halos magsalubong na ang kilay na sabi ni Dianne. Pero hindi siya pinansin ni Janred na noo'y naglakad na papalabas ng kwarto niya. Galit na pinagbabato niya ito ng unan. Pero hindi naman siya nito pinansin. Kinabukasan, maagang naghanda ng agahan si Janred, ceased fire muna sila ni Dianne kaya inilatag niya rin sa mesa nito ang pagkaing iniluto niya. Mahirap na kasi, baka mas lalo pang toyoin si Dianne sa sobrang gutom. "Papasok ako sa opisina ngayon, dapat pagbalik ko nasa bahay ka na, okay?" sabi niya. Pero tila wala naman pakialam si Dianne na noo'y kain lang ng kain. "Hoy, kinakausap kita!" aniya na bahagya nang nagtaas ng boses para makuha ng atensiyon ng dalaga. "Magkikita-kita kame ng mga kaibigan ko after school," sagot nito na hindi man lang lumilingon sa kanya. "Kaysa lumabas kayo, dito na lang kayo sa bahay," sabi niya. Biglang lumingon sa kanya si Dianne. "Sabi mo 'yan ha?" nangingislap pa ang mga matang sabi nito. Napakunot ang noo ni Janred. Tila nabigla siya sa suggestion niyang iyon. Malakas kasi ang kutob niyang may gagawing kalokohan si Dianne. Parang kahapon lang ay lugmok na lugmok ito sa kalungkutan pero parang walang nangyari na okay na ito ngayon. Ang tanong, okay nga ba ito o nagpapanggap lang ito na okay sa harapan niya. Nagpapakasaya kahit hindi masaya at napapaka-okay kahit deep inside wasak na wasak na. Napahigop na lang ng kape si Janred. "Nabigla yata ako 'dun ah." Bigla tuloy siyang namroblema. Kailangan niya tuloy ngayong umuwi nang maaga bago pa maghasik ng lagim si Dianne sa bahay. Sa kislap kasi ng mga mata nito kanina, sigurado nang may kalokohan itong gagawin.  Head engineer si Janred sa  kompanya na pag-aari ng Tito Kiko niya. Malayong kamag-anak na niya ito pero kinupkop siya nito mula nang maulila siya. Pitong taong gulang palang siya noon nang parehas  namatay ang mga magulang niya sa gumuhong  gusali na  dine-develop noon ng grupo ng Tito Kiko niya. Aksidente ang lahat at walang kinalaman doon ang Tito Kiko niya pero hindi siya nito pinabayaan. Pinag-aral siya nito at binigyan ng magandang posisyon sa kompanya. Kaya naman nasabi niya na baon siya sa utang na loob dito. Kaya hindi na niya ito natanggihan nang humingi ito ng favor sa kanya. At iyon nga ay ang bantayan si Dianne. Sa labas palang dinig na dinig na ni Janred ang malakas na kabog ng speaker na nagmumula sa loob ng bahay. Kaya nagmamadali niyang ipinasok sa garahe ang kotse. Tila ibang bahay ang napasukan niya nang mabungaran niya ang nagsasayawang mga babae at mga lalaki na halos ka-edaran ni Dianne. May disco lights pa na umiikot habang nakasabit sa gitna ng sala. Amoy na amoy ang masangsang na amoy ng pinaghalong alak at sigarilyo sa buong bahay. Nagkalat ang mga basyo ng bote ng beer sa sahig pati na rin ang mga plastic ng tsitsiria. Tiim-bagang na luminga-linga si Janred at hinanap ng mga mata niya si Dianne. At doon na niya isa-isang napansin ang mga pares na nagkukubli sa dilim habang naglalampungan. Napamura na lang si Janred. "Sh*t!"  "Dianne!"  malakas at buo ang boses na sigaw niya nang mamataan niya si Dianne na nakikipaghalikan sa isang sulok. Napatigil ang lahat sa lakas ng sigaw niya, pero hindi si Dianne na patuloy pa rin sa pakikipaglampungan  sa  lalaki. Madilim ang mukhang naglakad si Janred papunta sa mga ito at marahas na binatak niya sa isang braso si Dianne. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, ha?" mariing tanong niya sa dalaga. "Pare, sino ka ba? Walang basagan ng trip," sabat ng lalaki na pilit hinahablot sa kanya si Dianne. "Ah, ganun ba? Eh, kung mukha mo na lang kaya ang basagin ko diyan!" ani Janred sabay amba ng suntok sa lalaki. Tila naduduwag namang lumayo sa kanya ang patpating lalaki.  Muli niyang hinarap ang tila lasing nang si Dianne."At ikaw, babae? Sinong may sabi sa'yong hakutin mo ang lahat ng adik sa bahay natin? Gawain ba 'yan ng mabuting asawa?" sabi ni Janred na sadyang nilakasan ang boses para marinig ng lahat. Nagkatinginan ang mga ito na tila nagtatanong ang mga mata. "Ano hindi niyo alam? Bakit, hindi niya ba sinabi sa inyong may asawa na siya?" singhal niya sa mga ito. Napaawang na lang ang mga labi ni Dianne at sabay napailing. "Magsilayas kayong lahat sa pamamahay ko at ayoko nang makita pa ang mga pagmumukha niyo rito!" sigaw ni Janred. Tila nawala naman ang  tama ng mga kaibigan ni Dianne at isa-isang kinuha ang mga gamit sa loob at nangagmamadaling umalis. Hindi na nabawi pa ni Dianne ang sinabi ni Janred dahil mabilis nang nangawala  ang mga barkada niya na halatang napaniwala ni Janred na mag-asawa sila.   Galit na isinara ni Janred ang gate at pagkakapos ay muli itong bumalik sa kanya. "Look at this mess! Ano bang pinagkakaganyan mo, ha?" galit na hinawakan pa siya nito sa braso at kinaladkad papasok ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD