CHAPTER 41

1907 Words

[ALTHEYA] MABILIS NA nakarating ang sinasakyan naming ambulansiya sa tapat ng isang hospital. Nang maiparada na nila ang minamanehong sasakyan sa tapat ng entrance ay dali-dali akong lumabas upang bigyan ng daan ang dalawang nurse. Maingat nilang nilabas ang stretcher kung saan nakahiga ang pasiyente sa sasakyan at saka idinala na ito sa loob. Lakad takbo ang ginawa ko habang nakasunod sa kanila hanggang sa huminto na ito sa Emergency Room. Pumasok na sila sa loob at sinimulan nang gamutin na ang natamo nitong sugat mula sa pagkakabunggo. Hindi na ako sumunod pa sa kanila at nagpasiyang umupo na lamang sa bench na nasa gilid ng hallway para maghintay sa balita ng doctor sa pasiyente. Pagkaraan ng mahigit kalahating oras ay narinig kong bumukas ang pinto ng Emergency Room at lumabas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD