Chapter 5

669 Words
NAPAHINTO si Florence sa paglalakad ng humarang sa kanya ang isang lalaking matangkad. Kasunod ay narinig niya ang buo at swabe nitong tinig. “Hi Miss. Kumusta ka na?” anitong nakangiti sa kanya. Nagsalubong ang kanyang kilay dahil hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito. Medyo madilim kasi sa paligid dahil ang ilaw na ginagamit sa kasiyahang iyon ay ang malaking disco ball na nakasabit sa itaas. “Don’t you remember me?” muli itong nagsalita ng hindi siya sumagot. Bahagya niyang inilapit ang mukha at pinasingkit ang mata upang mabistahan itong mabuti. At napaatras siya ng mapagtanto kung sino ang kaharap at humarang sa kanya. Ito ang lalaking makulit na photographer sa Luneta! Ang nagpakilala sa kanyang Perry. Uy, natatandaan pa niya ang pangalan. Nakasabit pa rin sa leeg nito ang camerang iyon na alam niyang mamahalin dahil sa laki niyon kagaya ng ibang nakikita niya. Hindi niya alam kung para saan ang biglang pagsalsal ng kanyang dibdib. May munting bahagi sa kanyang puso na natutuwa dahil muli niyang nakita ang lalake. Ilang beses bang pumasok ito sa isip niya kahit hindi naman niya ito iniisip. Tingin niya ay may kakaibang gayuma ang ngiti nito. Gayuma? Hello? Kailangan niya ba iyon para magkagusto ang isang babae sa kanya? Natigilan siya sa naisip. Hindi maaring magkagusto siya dito. Oo gwapo ito. Oo, cute ito. At oo, malakas ang s*x appeal nito. Pero hindi pwede. Hindi siya nito mabubuhay dahil isa lamang itong photographer sa tabi-tabi na nangungulit ng costumers kumita lang ng pera. Ang kailangan niyang lalaki ay iyong mag-aahon sa kanila sa hirap ng kanyang inay. Iyong lalaking may pera na kahit hindi na siya magtrabaho ay magagawa niya dahil kaya na siyang buhayin ng lalaking iyon. Hindi iyong kagaya nitong ----. Teka. Heto nanaman ako eh hindi naman ako ganito dati! Diyos ko po. Patawad kung nagiging materialistic na ako. Hindi ko naman po sinasadya. “Anong ginagawa mo dito?” mataray niyang sagot-tanong dito ng makabawi. Iniwasan niyang tingnan ito sa mukha. “I work here.” Masiglang tugon nito. Umismid siya saka pinukulan ng tingin ang camera hawak nito. “Oo nga naman pala. Baka isa ka sa kinuha ng kumpanya para maging photographer nila dito. Ayos ‘yan. Malaki ang magiging kita mo. Dapat sa mga ganitong party ka dumidiskarte. Hindi sa luneta para hindi ka nakakapangulit ng ibang tao.” Inirapan niya ito. “Hey! Masungit ka pa rin? Bakit ba ang sungit mo sa akin? Hindi na kita kinukulit ngayon.” Natatawang wika nito. Inismiran lang niya ito. “Mabuti naman. O tumabi ka na diyan dahil nakakaabala ka sa trabaho ko.” Nilampasan niya ito. “Sa catering ka pala nagtatrabaho?” habol nitong tanong. Paglingon niya dito ay nakasunod ito sa kanya. “Hindi ba obvious?” pamimilosopo niya. Napakamot sa batok si Perry. “Oo nga naman.” “Bakit ba sinusundan mo ako?” “Gusto ko sanang malaman ang pangalan mo?” Napahinto siya at muling humarap dito. “Bakit?” tinaasan niya ito ng kilay. “Ang ganda mo kasi.” Nakangising sagot nito. Tinamaan siya ng papuring iyon. Sapul oh! Pero hindi siya papahalata. “Hindi iyon rason para sabihin ko sa iyo ang pangalan ko.” Muli niya itong tinalikuran. Pero bakit parang kinikilig siya? “Baka gusto mong magpart-time. Kailangan kasi ng modelo ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Malay mo makapasa ka.” Bigla ulit siyang napahinto. Seryosong hinarap niya ito. “Part-time ba kamo?” Tumango-tango ito. “Oo.” “Magkano ang sweldo?” “Well, depende sa mapag-uusapan.” Naningkit ang mga mata niya. Gusto niyang magpakasiguro kung totoo ang sinasabi nito. Sa huli ay nagduda siya. “Huwag mo akong lokohin. Alam kong gusto mo lang kumuha ng picture ko kaya huwag mo na akong alukin ng pagmomodelong iyan.” Saka mabilis niya itong tinalikuran. Hindi niya naramdaman ang pagsunod ni Perry. Pero nagsalita ito. “Paano mong nalaman?” Nakangising nilingon niya ito. “Dahil maganda ako!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD