Chapter 25 KABADO, iyon ang pangunahing nararamdaman ni Sheena ngayon habang inaabangan ang resulta ng test na ginawa sa kanya siyam na linggo na ang nakaraan. Halos masaulo na niya ang bawat kanto ng bahay ni Sean at naubos na din ang mga palabas na maari na panoorin. She tries out everything just to keep her mind away from thinking negatively always. Nakasuporta naman lagi sa kanya si Sean sa kahit anong aspeto ng buhay nila. Hindi niya kailanman naramdaman na nag-iisa siya at talagang binago ni Lucille si Sean. "The baby is fine, you're fine, Sheena. I guess I'll see you at the end of next month?" Iyon ang kabuwanan niya base sa computation nila ni Erica at nagpadesisyunan nila na sumailalim sa cesarian upang maiwasan ang anumang komplikasyon. "Does this mean I can freely walk outsi