HIRAP NA HIRAP lumakad sa buhanginan si Sheena palapit sa pwesto ng tatlo niyang kaibigan. Inimbita siya ng mga ito na mag-relax sa malapit na beach sa Metro Manila. Sumunod lang siya dahil nakipag-talo pa sa sarili kung pupunta ba o hindi. Para lang mapilit ang sarili, sinaisip niya ang stress na natamo nung mga araw na nagdaan dahil iisang kliyente. Hindi siya iyakin pagdating sa trabaho ngunit ng dahil sa iisang kliyente, nag-comfort room break siya at doon umiyak na mag-isa. Na-kwento niya iyon sa mga kaibigan at ito namang quick vacation ang naisipan na iregalo sa kanya. Wala kasi ang mga ito nung birthday niya at si Sean lang naman ang nag-surprise sa kanya noon. Speaking of that guy, she haven't any thing about him lately. Hindi naman sa na-mi-miss niya ito pero parang gano'n na ng