CHAPTER 22 NASAPO ni Sheena ang tiyan niya ng makarinig ng ingay mula roon. She is hungry and she's always like that since then. May hinahanap siya lagi na particular na pagkain at iyon ay avocado. Naubusan siya ng stock sa bahay kaya naman lumabas siya para bumili. Dumaan siya sa coffee shop ni Francis para mag-order ng avocado drink at ice cream na nilantakan niya kani-kanina lang. At ngayon nga ay gutom na naman siya ulit. "New favorite?" Tanong na pumukaw sa kanya at nagpahinto sa pamimili ng mga avocado. "Maybe, you can say that. My baby loves this -" Natigil siya ng makita sina Miriam at Gelo. Nabitiwan niya ang hawak na avocado na maagap namang nasalo ni Gelo. "Girl, gulat na gulat? Kami lang ito, ano ka ba?" Untag sa kanya ni Miriam saka niyakap siya. "Na-miss kita ng sobra." S